"Pare, may narinig akong kumalabog sa kesame niyo."

"Pati ba naman ikaw?"

"Bakit?"

"Ganyan din kasi ang sinasabi ng ilan sa mga katulong namin dito, kaya nga pina-check ko ang attic, kesame at bubungan. Pero, wala naman kaming nakitang problema."

May kumalabog na naman.

"Huwag mong sabihin na hindi mo rin narinig 'yun?"

"Hindi ko talaga narinig, sorry pare."

"Huwag mong sabihing ako lang ang nakakarinig no'n? Ang lakas kaya."

Nagkibit-balikat ito.

"Sir, ako po, narinig ko." Sabi ng isa sa mga middle aged na katulong na nadudulot sa amin ng isang tray na kinalalagyan ng dalawang tasang kape at tig-isang slice ng carrot cake para sa aming dalawa ni Tristan

"Ano po ba ang narinig mo?" to test if we heard the same thing.

"Kalabog po, na para pong may nalaglag na mabigat na bagay sa kesame."

Tumpak.

"Nakabukas po siguro ang inyong ikatlong mata, tulad ko. Nakikita n'yo po ba yung babaeng 'yun na nakatayo sa sulok." Itiniro nito 'yung isang mas batang babae na naka-uniporme ng katulong. Nakayuko ito.

"Opo, bakit po? May third-eye rin po ba s'ya?"

Napalingon si Tristan. Nasa bandang likuran kasi n'ya ang babaeng nakikita namin ng katulong. Bigla itong napatalon sa tabi ko; namumutla.

"A-anong nakikita mo pare?" Balisa ito.

Ibig sabihin ba, hindi n'ya nakikita 'yung babae?

"Hindi po sir." Sagot ng katulong. "Pero alam n'yo na po siguro ang sagot sa tanong n'yo." Tumunghay ito, "sige po, aalis na ako."

Hindi pa man ako naka-recover sa pinagsasabi n'ya, akala ko'y aatakihin ako sa puso sa sobrang gulat. Sa paglingon ko kasi'y halos nakadikit na ang mukha ng babae—na kanina lang ay nakatayo sa sulok, sa mukha ko. Putlang-putla ang balat nito, maitim ang palibot ng mga mata at maitim na sugat-sugat ang kanyang mga labi.

Akala ko'y mawawalan na ako ng ulirat sa sobrang takot. Hindi ako makagalaw, lalo na nang ngumanga ito at makita sa malapitan ang nabubulok n'yang mga ngipin at inuuod na bunganga. Pakiramdam ko'y kakagatin nito ang ilong ko. Bumalikwas na ako, tumayo at lumakad nang paatras; papalayo.

Batid kong nagtataka si Tristan sa ikinikilos ko. Naiwan kasi itong naka-upo, pinagmamasdan ako.

Hindi ba talaga n'ya nakikita? Eh nakadikit na nga ang mukha nung babae sa may panga niya eh. Ngiii...ano ba 'tong nangyayari? Bakit kaya may multo sa bahay nina Tristan?

"S-sige Tristan...a-aalis na ako." Sabay hangos ko sa kanilang main door.

"Teka Luke! Sandali." Paghabol niya.

Hindi ko na ito pinakinggan. Pinihit ko ang doorknob, pero halos ikabuwal ko naman nang bumulaga sa akin si Bernadette. Nakatayo ito sa harapan ng pintuan.

Walang KawalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon