STORY 1-ENTITY

4.6K 123 26
                                    

Fb name: Cold blue

wattpad UN: Eatallyouwant

ENTITY

Nasa labas ng bahay ako nung mga araw na yun dahil binabantayan ko ang kapatid kong naglalaro.

Napag isip isip ko na pumasok muna ng bahay para maligo at papunta na sana ako ng banyo ng makita ko muna ang mama ko sa kwarto.

Kwarto muna kasi ang madadaanan bago mag banyo.

Buong araw,nakahiga lang ang mama ko nun dahil buntis sya sa bunso namin.

Pumasok ako sa kwarto at kumuha na ng twalya.

" mama maliligo na ako "

Wala syang imik..

Walang sagot...

Tahimik lang sya...

Kaya lumabas nalang ako para pumunta na ng banyo.

At ayon,naligo na ako ng pagka presko presko.

Habang punas punas ko ang twalya sa katawan ko ay nag tooth brush na ako sa kusina.

Biglang nandoon na pala si mama sa lababo kung saan magmu mumog sana ako.

Nandoon lang talaga si mama na nakatalikod sa lababo at tahimik.

Nakita kona lang sya doon na akala ko naman buong araw nalang hihiga dahil buntis sya.

Nagsalita ang mama ko sa lababo habang nakatalikod sya.

" kumain ka na "

Sumagot naman ako kay mama

" maya na d p ko gutom e. "

at pagkatapos kong mag toothbrush ay pumasok ulit ako sa kwarto at ... at...

Si mama? Na sa kwarto?

Pero....

kitang kita ko talaga na nasa kusina sya.

Paano sya napunta agad sa kwarto?

tinignan ko si mama na nakahiga.

Tinitigan ko sya.

"Kung ito si mama,.... sino yung nakatalikod sa lababo?"

Noong panahon na yun talaga ay di ko alam kung tatakbo ba ako o sisigaw.

hindi rin ako makalingon sa sobrang takot.

At hanggang ngayon at takot na takot pa din ako at kinikilabutan.

Sabihin nalang natin hindi masyado nakakatakot kapag kinukuwento pero isipin nyo din kung sa iyo yun mangyari? Ano mararamdaman mo?

Gusto ko lamang mag share ng katotohanan ng mga karanasan ko hindi para matakot kayo.

Sana may mag comment kung may paliwanag kayo sa karanasan ko.

Share your True Horror StoriesWhere stories live. Discover now