Story 15- Whisper

2K 62 2
                                    

Whisper

Wattpad name: PanTASHA

Ito ay nangyare ng May 24 o 25, 2012.

Isa o dalawang araw ng mamatay yung lolo ko. Tatay ng nanay ko. Nasa Pasig sya nakaburol, sa 2nd family nya. Galing kami dun ng araw na namatay sya which is 23. Naghuhugas akong plato nun. Habang sila nanay at yung pamangkin ko nakahiga sa higaan nila kuya.

Bale pagpasok mo ng bahay namin higaan agad nila tapos kusina. Ginagawa kasi yung bahay kaya merun ding malaking bintana sa kanan pagpapasok ka ng bahay.

Dahil nga ginagawa palang yung bahay kitang kita sa bintanang walang takip yung pader na katabi namin. Mataas yun. Di mo makikita kung may tao.

Pero nagulat ako ung nagsalita pamangkin ko.

"May mama."

Napatigil ako maghugas ng plato at pinakinggan sila ni nanay.

"Ano daw?" Tanong ko

"Asan?" Tanong ni nanay

Lumingon ako. Tapos tinuro ng pamangkin yung pader.

As usual tumawa na lang ulit ako.

Narinig ko si nanay.

"Si Tata (tawag nila kay lolo shortcut ata for Tatay?) At nakikipaglaro ata."

Di ako makapaniwala nun kaya inisip kong mabuti tanaw ba kung may tao sa kabilang pader? Bakanteng lote kasi yon.

At naalala ko nung minsang mapunta dun yung bola ng pamangkin ko at ako kumuha at malalim nga pala yun tabi ng pader sa kabila kaya lubog yung tao kahit ganu pa sya katangkad.

Inutusan ako ng Lola ko nun. Asawa ng lolo ko na bulungan ko daw lolo ko pagbalik namin dun, na wag na daw ulit magpakita sa mga bata samin.

Nung last night bumalik kami dun from Bataan pa kami. Nagstay kami sa libing. Pagkadating ko lumapit agad ako at binulungan ko naman nga si lolo.

After ng incident na yun never naman syang nagparamdam kahit kanino dito samin.

Kung ganoon pala na hindi na nagparamdam ang multo ay si Lolo nga yun.

Ibig sabihin totoo ang "BULONG SA MGA PATAY"

Share your True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon