Ako:
Of course, you can. When and how many seats should we reserve?

I sent the message and exited the application. Hindi naman siguro ngayon ang reservation nila. Baka bukas o sa makalawa. Sasagot rin naman iyon. I'll just have to check it later for his replies.

Pagtapat ng ala-una, bumalik ako sa kitchen at nagsimula na namang magluto. Hindi na gaano karami ang tao at mukhang ang iba ay pag-uusap lang at pahinga ang habol. Hindi naman kaso iyon. They can stay as long as they want and order and eat as long as they want. After all, we value our customers and they have their rights.

" Chef, may naghahanap po sa inyo sa labas." Ani Marvin nang tapos na ako sa pag-plating ng isang dish. Inayos ko muna ito bago ko hinarap si Marvin nang seryoso ang mukha.

" Bakit? May problema ba?"

" Wala po, Chef. Ano po..kailangan lang daw kayong makausap."

Tumango ako at napabuntong-hininga. Sino na naman ba itong kakausapin ko? And Marvin did not say that it was a customer. Basta't kailangan lang daw akong makausap. Kung bigating kliyente iyon, sige pagbibigyan ko. But if it's another bunch of threats, then I don't know what to do.

Minsan nang nanganib itong Casa Gomez dahil sa isang may-ari rin ng restaurant hindi kalayuan sa kung saan nakatayo ang Casa Gomez. The owner threatened me through notes with deathly threats and planned to burn my whole restaurant down. Buti na lang at agad kong naireport sa police. And after that incident, natuto na akong kilalanin lahat ng nakakasalamuha ko.

Salubong ang aking kilay nang lumabas ng kitchen. I smelled of smoke and beef. May iilang takas din na buhok na tumatabing sa aking mukha kaya agad ko itong hinawi. Baka isiping burara ako dahil sa itsura ko ngayon. Kailangan ng magandang impresyon para makakuha nang mas marami pang customer.

" Nasaan Marvin?" I asked. Tahimik na itinuro ni Marvin ang taong gusto akong makausap. Tumaas ang aking kilay dahil hindi ko man lang masino iyon. His broad back was against me and his hair was neatly cut. Prenteng nakaupo lamang at tahimik na nagmamasid sa loob.

Sinabihan ko si Marvin na iwan na ako at ako na ang bahala. Atubili itong sumunod at bumalik na sa kitchen. I craned my neck and tried to catch a glimpse of him from behind but it was no use. Kailangan ko pa talagang lumapit para matapos na ito.

" Good afternoon, how can I..." naputol ang aking sasabihin nang mapagtanto ang lalaking nakaupo at nakatitig na sa akin ngayon. My eyes widened and my tongue can't even utter a word. Sa simpleng ayos ay hindi ko agad nakilala ang postura niya.

What the hell?

" W-what are you doing here?" I stammered. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang pagpikit. Gosh, I should've expected this. Hindi nga ako prepared sa lahat! Hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko ngayon at walang bahid ng kung ano sa mukha.

And why would you care Raya?

I scolded myself. Damn, Raya. Relaxed. Focus.

I watched as Helion licked his lower lip. Napatanga lamang ako doon upang pagmasdan siyang marahang tumayo sa aking harapan. Hindi pa nakuntento at lumapit pa talaga sa akin.

" I came here for lunch." Aniya at parang hindi naaapektuhan.

Kumunot ang noo ko. Lunch? It's already one o'clock in the afternoon and he considers it as lunch time?

" Then why did you call me? Dapat ay umorder ka na ng kakainin mo." I spat coldly. Iniwas ang tingin sa kaniya at tinitigan lamang ang mesang balot ng puting tela." I want my food to be cooked and served by you, if that's okay." Aniya at mas lumapit pa. Awtomatiko ang aking pag-atras at nasulyapan ang pagkunot ng kaniyang noo. Bumuntong-hininga siya pagkatapos ay tumango at umupo sa kaniyang upuan.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon