"Sht angel!" Mura niya nang mas lalo ko pang binilasan.

Ilang sandali ay agad niyang pinigilan ang kamay ko at muli akong pinahiga sa sofa sabay ibabaw sa akin.

"You're going to be the death of me, angel." Aniya sabay dampi ng halik sa aking nuo. Ipinosisyon niya ang sarili niya sa pagitang ng mga hita ko at dahan dahang ipinasok ang kanya sa akin.


Nagising ako kinabukasan wala na si Callum sa tabi ko at nang tignan ko ang oras ay mag aalas dose na pala. Agad akong napabangon mula sa pag kakahiga at agad na nag tungo sa kusina upang icheck kung nanduon pa ba siya pero sigurado akong nakapasok na yun sa opisina. Kailangan na kailangan na kasi niyang pumasok ngayon dahil madami pa daw siyang aasikasuhin. Nadatnan ko ang mga pagkaing may takip sa kusina at may iniwan din siyang notes sa may fridge. Agad ko iyong binasa.

'Good morning, beautiful! Hindi na kita ginising cause I know how tired you are last night. ;) You're wonderful last night. Thank you, angel. I'll see you later.'

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko ang sulat niyang iyon. Napapailing na nayakap ko ang kapirasong papel sa sobrang tuwa. Naupo ako sa upuan upang kumain na dahil kumakalam na talaga ang sikmura ko nang magising ako. Napangiti ako nang makita ang mga nakahandang pag kain. Lahat ng nakahanda sa lamesa ay puro mga paborito kong pagkain. Naalala ko tulay kahapon wala kaming ibang ginawa kundi ang mag kwentuhan tungkol sa isat isa at sa mga paborito namin. Tapos ngayon ito nasa harap ko na ang mga paborito kong pagkain na sinabi ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang mapansing may nakapatong din na isang dosenang sunflowers sa lamesa. Sinabi ko din kasi sa kanya kung gaano ko kagusto ang sunflower. May tinatago din palang sweetness sa katawan si Callum. Hindi ako makapaniwalang ganito na siya ngayon sa akin. Inamoy amoy ko pa ang mga bulaklak bago ito yakapin. Sobrang saya ko.

Natigilan lang ako nang biglang may mag doorbell kaya naman dali dali akong pumunta sa pinto upang pag buksan ang kung sino man. Excited pa ako dahila ng buong akala ko ay si Callum iyon at nakalimutan lamang nito ang kanyang susi pero bigla din akong natigilan nang bumungad sa akun ang mukha ng mommy ni Callum.

Agad akong yumuko upang batiin siya ngunit nag dirediretsiyo lamang ito papasok ng unit. Sinundan ko na lamang ito sa sala. Agad na naupo ito sa sofa habang mag kakrus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"Kayo po pala ma'am Diana."

"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo ba ineexpect na makikita mo ko dito?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nag salubong ang mga kilay niya. Duon ko lang napag tantong suot ko pala ang polo ni Callum na hanggang binti ko na. Agad akong napakagat sa labi ko.

"Where's my son?" Agad na tanong nito.

"Pumasok na po sa opisina." Agad ko din namang sagot.

"May kasama ka ba ngayon dito?" Tanong nito pero umiling iling lang ako.

"Mukhang nagiging malapit ka na masyado sa anak kong panganay." wika nito nang walang kangiti ngiti.

"Gusto niyo ho ba ng maiinom?"

"No. Hindi din naman ako mag tatagal. Pumunta lang ako dito para makita ka. Tama nga sila, masyado ka pang bata, hija."

Napatungo ako. Alam ko naman na kung saan aabot ang usapang ito. Siyempre saan pa nga ba kundi sa pang hahamak ng pagkatao ko. Alam ko naman eh. Napaka baba ng tingin ng lahat sa akin dahil ang akala nila ay isa lang akong puta. Pero ngayon alam na ni Callum na hindi ako ganun dahil alam niya sa sarili niyang siya lang ang kaisa isang lalaking nakagalaw sa akin. Sa kanya ko lang ibinigay ang sarili ko dahil siya lang ang minahal ko buong buhay ko. Kaya ngayon ayos na lang sakin kung ano isipin ng ibang tao tungkol sa pagkatao ko. Ang mahalaga sa akin ay ang iniisip ni Callum. Siya na lang sa ngayon ang pinaka mahalaga sa akin at pag dumating yung araw na mag sawa na siya, hindi ako mag dadalawang isip na pakawalan siya kahit sobrang sakit nuon para sa akin.

May inilabas siyang cheque mula sa bag niya at sinulatan iyon.

"Here." Inabot niya sa akin ang cheque. Tinanggap ko ito nang naguguluhan bago tumingin sa kanya.

"5 million pesos kapalit ng paglayo mo sa pamilya ko."

Agad na napayuko akong muli sabay lahad pabalik sa kanya ng cheque. Hindi ko matatanggap ang cheque na yun, kung gusto akong palayuin ni Callum sa kanila ay maluwag kong tatanggapin hindi na nila ko kailangan pang suholan. Hindi ako ganuon kababang tao para ipag bili ang pag mamahal ko.

"Hindi ko ho matatanggap yan."

"Kulang pa ba?"

"Hindi po. Wala po akong kahit singkong kukunin mula sa inyo. Aalis at lalayo ako kung yun ang gusto ni Chris or ni Callum. Pasensya na po."

Biglang tumaas ang kanang kilay nito sa sinabi ko.

"Callum? As far as I remember kay Chris ka lang may kaugnayan."

Iniwas ko ang tingin ko. Hindi ako marunong mag tago ng mga bagay dahil hindi talaga ako pinalaki ni inay na maging sinungaling. Pero bigla kong naisip si Callum, paniguradong maaapektuhan siya kapag nalaman ng nanay niya na may namamagitan sa amin. Tyka ayoko siyang ipahiya sa iba, hindi ako nararapat at nababagay sa kanya.

"Dahil naging malapit na mag kaibigan na din po kami ni Callum." Dahilan ko pero ngumisi lang ito.

"And then what? Ang anak ko naman ang lalandiin mo?"

Umiling iling ako habang nakatungo.

"Look at you, hindi ka nababagay sa pamilyang 'to. Napaka taas naman ng ipinangarap mo, hija. Sa skwater ka na babagay kung saan ka nanggaling, basura ka! Kapag nalaman ko na pati ang anak ko ay kinakalantari mo, hindi ako mangingiming saktan ka. Masyado nang mataas ang inaambisyon mo, kailangan mo ng magising." Napaaray ako ng dumapo sa kaliwang pisnge ko ang palad niya. Nasapo ko ang bahaging iyon na sinampal niya. Napaka lakas ng sampal na iyon na halos mapaiyak na ako pero muli niya iyong inulit sa kabilang pisnge ko.

"Puta ka! Malandi ka! Tigilan mo na ang pamilya ko!" Aniya habang hinihila ang buhok ko ng may kalakasan. Hindi ko mapigilang mapaaray sa sobrang sakit nuon pero wala akong nagawa. Hindi ko magawang lumaban dahil siya ang ina ni Callum at alam kong gusto lang naman niyang protektahan ang mga mahal niya pero nag kakamali siya kung inaakala niyang gusto kong manira ng pamilya. Hindi ko gustong maging ganito ang buhay ko.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko bago ako tigilan ni Diana. Agad itong umalis sa unit ni Callum nang walang ibang sinasabi. Napaupo ako sa sofa sa sobrang panginginig ng mga tuhod ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at tyka hinayaan ang sariling umiyak at mag mukmok. Buong buhay ko nakaramdam ako ng pananakit at karahasan at nang mawala si itay akala ko duon na natatapos ang masamang bangungot na iyon ng buhay ko pero hindi pa pala. Gusto kong tawagan si Callum, gusto ko siyang makausap baka kahit papano ay gumaan ang loob ko pag nakausap ko na siya pero ayoko ng mag alala pa siya. Isa pa alam kong busy siya.

Pero para bang nararamdaman din ni Callum na nalulungkot ako ngayon nang bigla itong mag text.

'Hey, angel! You okay?'

Parang gusto kong sabihin sa kanya na hindi okay na nalulungkot at nasasaktan ako pero napaka selfish ko namang tao kung gagawin ko iyon. Ayokong mag aalala pa siya sa akin at ayokong malaman niya ang ginawa sa akin ng kanyang ina. Ayokong kamuhian niya ito ng dahil lang sa akin. Dahil lang sa isang katulad ko.

Pinili ko na lang wag mag reply sa text niya na iyon dahil ayoko din namang mag sinungaling sa kanya na okay lang ako kahit ang totoo ay halos madurog ang puso ko sa mga masasakit na sinabi sa akin ni Ma'am Diana. Kaya ko naman mag tiis eh. Nagawa ko ngayon nuon eh. Ngayon pa kaya.


Ruthless DesireWhere stories live. Discover now