Usok

80 0 0
                                        

Di ako makahinga. Di makagalaw. Di makapagsalita. Di makatayo o makapagtago man lang.

Bawat paglapit mo. Bawat pag ngiti mo.

Bawat ingay at sayang nakikita ko sa mukha mo.

Di ko alam. Pero bakit parang sasabog ang puso ko. Parang di ako makahinga.

Napapaligiran ako ng mga usok mula sayo.

Usok na nagpapahirap sa bawat paghinga ko. Usok na bumabalot sa munting mundong meron ako. Pero bakit ganun? Hinahanap hanap ko parin ang usok na ito. Bat ang sarap langhapin nito. Ang sarap yakapin. Sarap sarilihin. Hirap kalimutan. Hirap iwasan.

Dama ko ito sa balat ko na dumadampi sa labi ko at lubos na nagpapa init sa buong pagkatao ko.

Parang ayoko ng mawala pa ang usok na ito.

Hanggang sa unti-unting naglaho ang usok na ito.

Unti-unting tinutunaw ang kakatiting na pag-asang nabuo sa puso ko.

Unti-unting nawawala. Na parang bula. Na parang kasabay ng hangin ay nilipad narin sa malayong lugar at nagawi na sa ibang tanawin at sumabay sa agos ng ilog. Pag siklab ng apoy at pag lipad sa kalawakan.

Gaya ng hangin. Ramdam ko parin ang usok na ito pero huli na ata ang lahat. Huli na ata ang lahat para sa aming dalawa. Para sa kaniya.

Ramdam ko parin siya pero diko na siya makita...

Alam ko andiyan lang siya. Alam kong nasa tabi ko lang siya. Alam ko na pag pikit ng aking mga mata. At pag mulat nito mukha mo lang ang nais makita.

Kawangis ng usok na nagmumula sayo ang nais langhapin. Ngunit alam ko na ang realidad. Hindi na mababalik pa sa dati ang dating nagdaan.

USOKStories to obsess over. Discover now