Rein. Rein Montesa. At ang gamit ko na pen name ay REIN MONTES.

Pen name. Kasi isa po akong writer. Actually, article writer po ako. At yung pinagtatrabahuan ko na kumpanya. Ito ang pinakamagandang kumpanya na pangarap ng marami na mapasukan. Ang ESCANER Group of Companies. Group. Kasi marami sila. Group yung company nang Presidente e.

Meron silang mall, meron silang hotel, meron silang TV station, meron silang Radio company at Publication Company. Marami din silang stocks na hawak sa loob at labas ng bansa.

Ahhh.... meron din silang sports center at school.

Tapos idadagdag pa yung bagong bago nilang Resort somewhere na siguradong pang-mayaman ang peg!

Sabi nila... may sarili din daw ang pamilya nila na airplane. At may limang yate. May isang mansyon sa Maynila at dalawa pa sa unknown place. May napakaganda sila na villa at nagmamay-ari ng isang napakagandang Isla. Yung Isla Catalina. Isla nila yun. Doon natatago ang mga prinsepe at prinsesa ng kalupaan.

JOKE!!

Sabi sabi lang yun ng marami maliban sa Isla nila. Totoong may Isla sila. Private Island.

And as i said, article writer po ako. Writer ng ELITE Magazine na hawak nila. Well, katulad ng pangalan ng magazine, pang-elite din ang magazine namin. Nagpi-feature kami ng mga SIKAT, MAYAYAMAN, KILALA at ALTA-SA-SIYUDAD na mga tao. Mga artista, asawa ng artista, pulitiko, ex-pulitiko, business man and womans, basta lahat ng pangmayaman.

Masasabi mong para kaming paparazzi ng mga sikat.

Well, gusto nila yan. E, di pagbigyan. Pero yung may mga relevant story naman yung kino-cover ko. Yung mahahalaga lang sa society at sa ikakauunlad ng bansa.

Ikakauunlad ng bansa o nila lang?

Whatever. Work is work. And I am very passionate of what i do now.

******

*****

****

***

**

*

Pinasadahan ko uli ng basa itong natanggap ko na invitation. Hindi ito invitation dahil totoong invited ako. Trabaho ito.

Invitation sa gaganaping grand opening ng Catalina Resort. Ang bagong bagong pinaglagyan ng kayaman ng mga Escaner.

Seriously, sobra lang ito sa kaperahan nila.

Gaganapin ang opening ng resort pero bago ito, isang exclusive na competition ang gaganapin. Tatagal ito ng ilang buwan.

Hwow!

Swerte ba akong masasabi?

Ako lang naman ang napili na magcover ng natatanging event na ito. May i say, first time yatang may gagawin na ganito kaya excited din ako.

Nagpaikot ikot ako habang nakaupo sa aking swivel chair. Iilan lang kaming nasa office ngayon, yung iba ay nasa field at naghahanap ng tsimis sa mayayaman.

Haist!

Napahinga ako ng malalim.

Yah! This is good luck. Makakapag-vacation na ako kahit paano and then ay kikita pa ako. Saya saya di ba.

Pero hindi naman mahalaga sa akin kung parang bakasyon na ito sa akin. Mas kelangan ko ang trabaho. Mas kelangan kong galingan sa work ko.

Huminto ako sa pag-ikot. Humarap sa screen ng laptop sa mesa ko. Naka-full screen view lang naman ngayon doon ang isang gwapong gwapong binata. Isang bachelor.

Si Dennis Escaner.

Ang First Heir ng Pamilya Escaner.

At sa loob ng isang buwan ay babantayan ko ang kaniyang buhay at ang pagpili niya ng kaniyang magiging kabiyak habambuhay.

The First Heir's Bride Search ang gaganapin. Hahanapin ni Dennis sa napiling labinlimang kadalagahan from around the country ang kaniyang mapapangasawa.

Pinasadahan ko uli ng basa yung profile ni Dennis Escaner. As it is. He is the most eligible bachelor of all. I wonder kung bakit kailangan pa itong gawin.

Wala ba siyang stable girlfriend?

Kungsabagay, kung meron man ay bakit kailangan niyang pumayag sa ganitong set up?

Napabuga ako ng hangin at napangalumbaba sa harap ng screen.

Nakakainlove ang kagwapuhan niya. Totoo kayang ganito ang kagwapuhan niya sa personal? Baka kasi mamaya photoshop lang pala ito.

Umikot ako. Isang beses.

It settled then!

I'm going! Good luck sa new work assignment ko. Ajah!

*****

****

***

**

*

Ang mga tauhan at pangyayaring ginamit sa kasaysayang nakalathala o nakatala rito ay pawang kathang-isip lamang o likha ng isang malikot na imahinasyon at hindi hinango sa tunay na buhay o ibinatay dito. Ang anumang pagkakatulad ay hindi sinasadya ng may-akda.

Ang anumang bahagi o kabuuan ng istoryang ito ay hindi maaaring sipiin o mailipat sa ibang porma at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng kinauukulan.

The Love Bride Search [Escaner Legacy 1]Where stories live. Discover now