Panimula

14.1K 180 47
                                    

Babala:
Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless.

*****

Bakit isang sapatos lang ang iniwan ni Cinderella noong tinakasan niya ang Mahal na Prinsepe?

Pwede naman dalawa di ba? Sayang naman kung hindi siya nakita nung prinsepe, e di, sayang lang yung sapatos. Wala ng partner. Hindi na magagamit ng iba. Atsaka, sa dinami dami ng tao sa palasyo nila, kahit isa man lang ay walang naging kasukat ng paa ni Cinderella? Seriously? Mga eng-eng ba ang tao doon?

Hindi ko na dapat pinatulan yung fairytale na yun e. Ayan tuloy. Si Asa ako.

Asa na makakahanap ng Prince Charming. Asa na maging Cinderella ang peg ng buhay ko.

Huhu...

Dapat ipa-ban na ang mga ganung fairytale. Nakakasama ng loob.

Toinks!

Pero syempre kaisipan ko lang yun. Sayang naman ang susunod na henerasyon kung hindi nila mababasa ang kalokohan ni Cinderella. Hindi nila malalaman yung katangahan ni Snow White na kumagat sa may apple kahit na hindi naman niya kilala yung nagbigay sa kaniya nun. Hindi kasi naturuan si Snow White ng Nanay niya na "Don't talk to strangers e."

Keber.

Haha....

Andami dami ko pang sinasabi e lahat naman yun nauto ako. Hihi....

Kaya ito ako ngayon. Nganga.

Nganga sa paghihintay sa Prince Charming ko na dumating.

Haist! Buhay ko nga naman.

Napailing iling ako sa sarili ko.

Hindi naman sa nagrereklamo ako sa buhay ko ngayon. Ang saya saya ko nga e. For twenty five years of existence hindi naman naging boring ang life ko. Maliban na lang sa LOVE.

Don't get me wrong.

Nagka-crush naman ako noon. Crush ko yung seatmate ko na hindi ako pinapansin pero sobrang talino at gwapo. Kaya lang deadma siya sa akin. Huhu...

May nanligaw naman sa akin noon. Mga tatlo siguro. Kaya lang puro mga mukhang kurimaw. Huhu uli... Panget na nga ako hahanap pa ko ng kurimaw. E panu na lang kung magkaanak ang panget at kurimaw, e di halimaw na yun!

Peace on earth.

Tapos nagka-boyfriend naman ako. Kaya lang sa text-text lang. Saka... isang gabi lang yun tapos wala na! Goodbye na.

Nakipagdate na rin ako. Isang beses kaya lang malas talaga ako sa lalake. Unang beses na nga lang, epic fail pa. Gusto lang akong dalhin sa motel at makipag--- WHATEVER!!

Kalokong mundo ito!

Buti pa sa Fairytale. Hmf!

And so... after all thats been said. Eto po ako....

.

.

.

.

.

Single forever.

Haha...

Walang pakialamanan ng trip.

(Sabog ng confetti na kulay pink)

Ayy... hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako pala si Rein. Pronounce as "rain".

The Love Bride Search [Escaner Legacy 1]Where stories live. Discover now