Infertile

5 0 0
                                    

Samahang parang walang wakas
Na para bang wala ng aahas
Kay tagal nating magkarelasyon
Di mapagkaila na natupad ang iba nating ambisyon.

Tandang-tanda ko pa nung inalok mo ko ng kasal
Mapagmahal at mabait kang asawa
Pero bakit nagbago ang iyong asal?
Hindi pa ba kita kilala o sadyang ika'y nagsasawa na?

Ngayon ka pa ba mag-sasawa na tayo'y nag-iisang dibdib na?
Napag-alaman nating hindi tayo maaaring mag-kaanak
Dahil dyan, mas lalong lumamig kang kasama
Pasensya ka na kong di kita mabigyan ng anak.

Presko pa sa aking isipan at damdamin ang iyong ginawa
Sinasaktan mo na ako at umuuwing lasing
Ang sakit-sakit na minsa'y wala ka sa tabi pagkagising
Iyon pala'y may pinag-iinitan ka na palang iba.

Dumating ang panahon na gusto mong kumalas
Kumalas sa ating pag-iisang dibdib na nangangako pa't na walang iwanan
Ngayo'y nag-iisa na inakalang hanggang dulo ang pag-iibigan
Ikaw pala itong susuko sa problemang dinanas at napagpasyahang magpaahas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Infertile Where stories live. Discover now