"Good morning din, Althea. Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Dami mo namang tanong" nakangiting sagot niya sabay himas sa braso ko.

Bakit masyado na ata siyang touchy ngayon? Bubu mu, hinalikan mo ba naman sa labi.

Shit.

Wala naman ibig sabihin yun, sa kanya meron. Pero sinabi ko na dahilan ko, gusto ko lang mag-thank you.

Ganon na pala ang pasasalamat ngayon? Isang halik? Sa labi?

Napakamot ako ng batok, naiilang ako.

"Anyway, I drop by just to give you this" sabi niya sabay angat ng dalang plastic niya.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Breakfast" sagot niya saka ginulo buhok ko.

Ginawa kang aso teh.

"Althea, akala ko ba napagusapan na natin yung tungkol sa pagbibigay ng pagkain sakin?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Yup!" Masayang tugon niya.

"Eh bakit mo parin ginagawa?" Tanong ko ulit.

"Maybe" mabagal niyang sabi sabay lapit sakin at bumulong. "Maybe because, I like how you say thank you"

Inilayo niya mukha niya sa may tenga ko, saka tinignan ang labi ko.

Kailangan ko na ng hangin!

"Ah Althea, gusto mo bang pumasok?" Pagiwas ko sa kanya.

Tipid niya akong nginitian. "I would love to, but my mom is waiting for me. Dinala ko lang talaga yan"

Ang sweet lang din talaga ni Althea, maswerte ang magiging boyfriend or girlfriend nito.

So, maswerte ka?

Wala akong oras sa ganyan, isa pa wala naman akong nararamdaman sa kanya.

"Nag-abala ka pa, salamat ha?" Nahihiyang tugon ko.

"Oh! You're using the classic way of saying thank you" tuksong sabi nito.

Tipid akong ngumiti saka umiling iling.

"You know what, you look more cute when you smile." Sinserong sabi niya. "I should really go now, see you at school?"

Tumango lang ako.

Hinalikan niya ulit ako sa pisngi saka pumasok ng sasakyan.

Pumasok na ako sa loob, binigyan naman nila ako ng nakakalokong ngiti.

"Agang manligaw nun ah?" Sabi ni Joey, isa siyang butch.

"Anong ligaw? Eh kaibigan ko yun" pagsusungit ko.

"Ano ba yang dala mo?" Tanong ni ate Thelma, habang nakatingin sa dala kong plastik.

"Malay ko, breakfast daw" walang emosyong sagot ko.

"Kaibigan pala ha, ang sweet naman ng kaibigan na yun. Pakilala mo nga ako dun" mayabang na sabi ni Joey.

Tinignan ko siya ng masama. "Joke lang!" Bilis niyang sabi sabay taas ng dalawang kamay niya na parang naholdap.

Tinawanan naman siya ni ate Thelma. "Wag ka na kasi pumapel, kay Clay na yun eh. Isa pa, yung ganda nun ay para lang dito" sabi niya sabay turo sakin.

Siya naman ngayon ang tinignan ko ng masama. "Tigilan niyo nga akong dalawa, kaibigan ko lang yun. Isa pa, wala akong naaalalang may kinwento akong babae ang gusto ko" iritang sabi ko.

"Wala nga, pero tulad namin. Amoy namin ang mga kauri namin" ngising sabi ni Joey habang taas baba sa kilay niya.

"Ewan ko sa inyo, makakain na nga" sabi ko saka dumeretso sa kusina.

Alam kong nakasunod sila sakin, at alam ko rin makikikain sila. Kaya naman, tatlong pinggan na kinuha ko. Hindi ko rin naman mauubos sa dami ng dala ni Althea.

"Yey!" Masayang sabi ni ate Thelma sabay palakpak ng makita niyang tatlo ang platong kinuha ko.

Gusto kong tumawa, pero ayokong maging masaya.

Wala akong karapatan maging masaya, lalong lalo na sa sitwasyon ng kapatid ko.

Alam kong miserable ang buhay niya ngayon, at dadamayan ko siya kahit paulit ulit niyang sinasabi sakin na mabuhay ako na parang normal.

Ayoko ate, ikaw lang ang meron ako.

------------------------------

Stay true, Stay you. ☺

©CrazyAnneWrites

abCWhere stories live. Discover now