CHAPTER 1

17 2 0
                                    

Death Wish









































Notice: Wrong Grammar And Inappropriate Words (U N E D I T E D)

"Ms. Gomez, ilang beses 'ko bang sasabihin sa 'yong wag ka mag-papalate, hay, this is a prestigious school for god sake, by the way your a scholar right?" Bungad ni Mr. Sanchez pag-pasok ko sa Classroom. Diniinan niya pa ang salitang scholar. Mas lalong pumula ang mukha ko ng nag si tawanan sila. Pero ang hindi kapani-paniwala ay walang ginawa si Mr. Sanchez.

Gusto kong sabihin at isigaw sa kanyang hindi ko naman ginustong pumasok sa ganitong lugar kung p'wede nga lang mag-back out sa gitna ng school year ay gagawin ko na pero ito ako ngayon pulang-pula habang naka-ismid sa kina-uupuan ko walang magawa dahil ikaw ba naman sumbatan ng lola mong malala pa kesa kay Mr. Sanchez. Ilang taon pa ba kaya ako dito? Ilang taon pa ba akong makikipag-plastikan sa mga hindi ko ka-uri?

"Okay, sa susunod 'wag ka nang mag-papalate." Sabi niya pero halata sa boses niya ang pagta-taray.

Itinago ko na lang ang kahihiyan ko gamit ang libro. Hinarap ko ito sa mukha ko para hindi masyadong makita ang mukha kong kulay pula na sa kahihiyan.

Naka-tira ako sa lola ko simula ng mamatay ang tatay at nanay sa car collision dati. Isang ordinaryong tao na nakatira sa taong mahilig sa mga kulam at horror stories kong lola. Mang-kukulam dati ang lola ko pero hindi kalaunan ay huminto siya last year. Ito yong pinaka-ayaw ko sa kanya, mabait naman siya, masipag pero itong pinag-kakakitaan niya ay sobrang mali. Ako ang nag-prisenta na tumigil na siya dahil baka may magambala pa siyang kaluluwa o kaya ipakulam rin siya ng kaluluwang kinulam niya sa impyerno. Tumigil na siya matapos non. Natauhan din siya pero hindi dahil sa gusto niyang tumigil dahil masama, tumigil siya dahil matanda na raw siya. Hindi ako naniniwala sa kulam lalo ng madaming nagpapa-refund kay lola kapag walang nangyari. Kalokohan lang yon.

Ako Alexandra Gomez, lahat ng nakakakilala sakin ay tinatawag akong Alex. Isa akong grade 8 student sa prestihoyosong paaralan dito sa Bulacan. Naka-tira ako sa isang subdivision kung sa baga sa subdivision kami yong naka-singit na akala mo kagandahan ang bahay. Simple lang naman ang bahay namin dito hindi mabaho o kaya mabango, malaki pero unti lang ang laman. Meron akong nakakatandang kapatid ang pangalan niya ay Porter. Maaga siyang nag-trabaho para lang maitaguyod ang buhay naming malapit ng mawala nong 13 year old pa lang ako. He's the coolest brother dahil hindi niya kami iniwan nong nagka-grilfriend siya. Sa kabila ng paghihirap namin ay hindi niya kami iniwan, at sapat na 'yon sakin para mahalin ko siya.

Kaya naman ay para maka-bawi ay tina-taasan ko ang mga grades ko kaya napunta ako dito sa paaralang to. Kung hindi lang talaga sa kapatid at kay lola ang mga ginawa ko ay matagal na akong nasa public school. Na transfered kasi ako dito dahil may kumuha sakin para i-scholar. Hindi na ako tumanggi, opportunity narin yon para maka tulong ako kay kuya ba lang araw.

*****

20 Minutes na lang ay uwian na. Habang nag-tuturo ang last subject teacher namin ay hindi ko maiwasang isa-isahin ang mga gamit ko papunta sa bag. Sigurado kasing hirap na hirap na si lola don sa bahay. Mamaya-maya ay tumunog narin ang bell na nag-sasabing uwian na.

"Okay Class, see you tomorrow." Sabi ni Mr. Lim habang nag-aayos na rin ng gamit pero wala man lang pumansin sa kanya.

Gusto ko sanang mag-paalam pero alam kong ganito talaga ang mayayaman sa school sabi kasi ni lola ay dapat nakikisabay ako sa kanila lalo na na binu-bully ang mahihina lalo na ang mga scholar na katulad ko. Ginawa ko na lang din ang mga gina-gawa nila.

۶Death WishWhere stories live. Discover now