PROLOGUE:
~Daissy Jhacha Yoon POV:~
Naglalakad lakad ako dito sa hallway ng building A para magpahangin at mag-ikot ikot muna dahil masyado pang maaga. 3:00AM in the morning palang, 6:30 pa magsisimula ang aming 1st subject kaya masyado pa talagang maaga para mag-stay ako sa classroom namin, mabobored lang naman kasi ako dun. Malakas na sariwang hangin ang naging dahilan upang liparin ang aking manipis na buhok.
Napakatahimik ng paligid kaya rinig na rinig kapag may gumawa kahit mahinang ingay lamang dito. Nasa 3rd floor ako at papaakyat na sana ako ng hagdan papuntang 4th floor. Nang bigla na lamang na may tumakbo, sabay paghila nya sakin upang mapasama ako kung saan man sya patungo. Wala na kong nagawa pa para magpumiglas dahil sa mahigpit nyang pagkakahawak sa aking kamay (nakaholding hands kami😳😱). Nakakapagtaka at ang awkward ng feeling na ganto lalo na't hindi namin kilala ang isa't isa. Alam ko na may tinatakbuhan sya at gusto nya rin akong mailigtas dahil mukhang may masamang balak sakanya ang lalaking humahabol samin. Naka-akyat na kami sa 4th floor pero mukhang 'di pa rin kami tinatantanan ng humahabol sakanya. Nagpalingon-lingon kami sa kaliwa't kanan para tingnan kung may matataguan pero mukhang wala kasi naka-lock pa ang bawat pinto.
"Tangina! Saan na tayo nito!" malutong nyang mura.
"Bwesit ka kasi ehh, dinamay damay mo pa ko sa problema mo!" pagsigaw ko sakanya.
"Tumahimik ka nga baka matanto nyang nandito tayo, At kundi kita hinila 'di sana pinaglalamayan kana ngayon"
"Mas gugustuhin ko pang mamatay noh! Kesa naman makasama kang taguan ang lalaking yun😪"
"Tsk! Magpasalamat ka nalang at buhay ka pa"
"Ah ganun ba, Salamat ahh, salamat" sakratiko kong sagot.
Sa kabila ng pagtatalo naming dalawa. Umikot ang aking paningin at nakita ko pa sya na papahiga na rin. At tuluyan na akong nawalan ng malay na naging dahilan para 'di ko na makita ang susunod na mangyayari.
YOU ARE READING
FALLING FOR EACH OTHER THAT WE'RE NOT MEANT TO BE HAPPEN
Romance"Love That We Are Not Expected" This is my 1st story! Start: 8-5-2018 Hope you'll enjoy this!😊😉
