[abba]
Pusong namamanhid, lalim kung magalit
Naghihintay sa dilim, saksak ng talim
Kutsilyo sa dibdib, lalong idiniin
Hustisya sa kamay, ganti ay nakamit[cccc]
Kapitang madungis, karma'y naihain
Tama lang, s'ya daw ay salarin
Panggagahasa, sa inosenteng birhen
Ibang biktima, iyan din ang hangarin.[dddd]
Maling paraan, ginawang pamamaslang
Hukuman, 'di isinaalang-alang
Kahit man, ang batas nabibili nalang
Diyos na daw bahala, sa sala ng nilalang.[eeee]
Wag magpasya nang galit, mata'y madilim
Ligaw na daan, ang maging tatahakin
Nag-aapoy sa galit, ito'y kikitil
Ang hustisya, wag idaan sa pangil.
YOU ARE READING
Hustisya: Wag Idaan Sa Pangil
PoetryTugma sa katinig, labing-dalawa ang sukat, apat na saknong, apat na taludtod. Na ipinagawa ng Guro namin sa Panitikang Pandaigdig...