"Oh god, Carina! Mag-isip ka naman." Iritadong sabi nito at tumayo. Mukhang gusto niya nang umalis ngunit napako siya sa kanyang kinatatayuan nang sabihin ko ang aking mga huling salita bago siya inunahan sa pag-wawalk out.

"Ikaw lang ang gumagawa ng ikamamatay ko, Leon."

---

4 days passed, and that's the last time we argue about Aster. Because Kuya never went home after that, sa condo niya siya tumuloy ay hindi na kailanman umuwi sa bahay. And home seems very incomplete without his presence, and for me, Home becomes in silence and peace. Isang linggo na lang ang natitira sa aming bakasyon, at eto ako, walang ginagawa kundi tumunganga sa aking study table.

Paulit ulit kong tinap ang aking ballpen sa mesa, na nakakagawa naman ng ingay. Tahimik ang aking kwarto, at kahit simpleng tugtog lang sana ay wala akong magawa. Tumayo ako, at lumakad palabas ng pinto. Malaki ang bahay, at kaunti lang ang tao. Kaha naman sobrang layo ko sa reyalidad na makasalubong man lang si Mommy.

Nakarating ako sa ibaba, at agad na tumuloy sa kusina para kumuha ng yogurt sa refrigerator. Tutal ay wala naman akong magawa, manunuod na lang akong mag-isa sa movie room. O kaya naman ay sa library. Nang makalabas ako sa kusina, at akmang aakyat ng hagdan papunta sa secondfloor, nakarinig ako ng ilang doorbell na nakapag-pakunot sa akin. Muli akong lumakad pababa, at binuksan ang maindoor, may isang Kuya sa harap ng aming bahay at hindi ko siya kilala.

Kausap niya ngayon ang isa sa aming mga Maid, ngunit dahil sa kyuryosidad ay lumabas ako at lumapit sa kanilang dalawa.

"Sige ho, maraming salamat." Iyon na lang ang narinig ko kay Kuya, at tumalikod na iyon. Napatingin ako sa aming katulong at nakita na may hawak itong sulat? Naka-envelope pa ito ng formal at plain na white.

"Ma'am, buti po pala ay andito kayo. Ipinabibigay daw po sa inyo ito." Aniya, at ibinigay sa akin ang sulat na iyon. Lalo naman akong napakunot nang mabasa na para sa akin nga talaga iyon, dahil nababasa ko ang aking pangalan at ang pangalan ng nagpadala.

---
To: Carina Vela Carpio (Hechanova)
From: Aster Draco Hechanova
---

Napakagat ako sa aking labi at umiling iling. "Maraming salamat ho," Nakangiting wika ko sa aking kaharap at tumalikod na. Naramdaman ko ang biglaang pamumula ng aking pisngi dahil sa nararamdamang kasiyahan ngayon. Hindi ko alam kung tungkol saan ang sulat, ngunit pakiwari ko ay sobrang ganda 'non.

Napako ang tingin ko sa maliit na envelope, habang pataas. Imbis na tumuloy sa kwarto, sa movie room na mismo ako pumasok at ini-lock ang pinto. Binuksan ko ang ilaw, at umupo sa gilid ng kama. Dahan dahan kong binuksan iyon at huminga nang malalim bago sinimulang basahin ang mensahe.

Mahal na Binibini,

Ikinagagalak kong batiin ka sa umagang ito. Gusto ko lang malaman mo na hanggang dito sa aking silid, ay umaabot ang kaliwanagan mo. Daig mo pa ang nag-tatagong buwan, Ang nakangising araw, at higit ka pa sa mga tala na nakasilip sa alapaap tuwing gabi.

Pasilip naman ng magaganda mong ngiti, Binibini. Huwag mong sanang kalimutan na,  Mahal kita, Sobra.

Nag-mamahal,
Ginoo

Napahiga ako nang wala sa oras sa kama, At wala sa wisyong tumingin sa kisame. Inamoy ko ang sulat, at pagka-bango bango nito. Para tuloy kaming idinala sa mga sinaunang siglo kung saan isa kaming binata at dalaga na wala pang alam sa mga mobile phones. Tumayo ako, at agad na lumakad papunta sa aking kwarto. I lock the door, so no one can disturb me. Inilabas ko ang aking diary na nakalagay drawer na nasa ilalim ng table. Iniipit ko iyon doon, at agad isinara.

Isinandal ko ang aking likod sa sandalan, kasabay nang isang malakas na pag-tunog. Napakunot ako at tumayo para kuhanin ang aking cellphone na nasa bedside table. Sobrang nakagawa ng ingay, Naistorbo pa ako sa pag-iisip kay Aster. Nabasa ko mula sa screem ang caller at agad na napakagat sa labi para maiwasan ang pag-tili. "Hey, Aster..." Bulong ko, habang pinipigilan ang sarili sa pag-tili.

Catching The Brightest Star [HS#2]✔Where stories live. Discover now