Simula

25.5K 694 214
                                    

A.N: This is a sensitive topic. The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the author's.

I haven't done any serious editing so forgive me if there's a lot of grammatical errors, typos and spelling.

-------------------------------

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong sa akin ng kaibigan kong si Evelyn. Nakasuot siya ng dilaw na bestida at sa balikat ay may nakapatong na kulay kahel na shawl. She likes wearing clothes screaming with bright colors.

Pero sa sitwasyon namin ngayon, kahit gaano man kakulay ang suot niya, hindi pa rin maikakaila na may gagawin kaming isang bagay na kasuklam-suklam.

Nasa loob kami ng taxi at pakiramdam ko ay binabaybay namin ang daan patungong impyerno. Nanatili akong tahimik dahil sa matinding kaba, tila nagdidikit na ang aking bibig, sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong hihimatayin.

Natatakot ako.


Isang malaking kasalanan ito. Ilang beses kong pinag-isipan pero masisira ang lahat ng plano kung hindi ko gagawin. Sana lang ay mapatawad ako ng Nakatataas sa desisyon kong ito.


"Huwag kang mag-alala, you will be in good hands." Hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay. "Dati siyang doctor, nawalan nga lang ng lisensya dahil na-addict sa droga noon."



Hindi pa rin ako makasagot. Gusto ko lang na matapos na ang araw na ito at makabalik sa normal kong buhay. Ipinatong niya sa ulo ko ang kulay pulang sombrero para hindi raw kami mahalata ng mga tao.



Puti ang suot ko. Itim naman ang pantalon. Sabi sa akin ni Evelyn mas komportable daw kung nagsuot nalang ako ng bestida. Hindi ako nakinig dahil wala na ako sa tamang wisyo. Ilang araw na ring hindi ako makatulog ng maayos.


"Makitid na po ang daan sa ibinigay niyong address, hindi ho makakapasok ang sasakyan." Biglang usal ng taxi driver, napatango nalang ang kaibigan ko 'tsaka inabot ang bayad.



Nanginginig ang mga tuhod ko sa oras na bumaba kami. Siya na ang humawak ng dala kong bag. Sumunod lang ako sa kanya. Nakakadagdag pa sa kaba ang mga tao sa paligid. May mga lalakeng nag-iinuman. Sa tabi ay may mga naninigarilyo habang gumagala ang paningin sa kababaihang maiiksi ang suot.


Nagmistulang bandiritas ang nakasampay na mga damit, sa bubong ng mga nakahilerang kabahayan ay may kung anu-anong nakapatong - mapagulong man ng sasakyan, pinapatuyong kutson, o kung ano pa.



Napatigil lang ako sa pagmasid nang tumigil si Evelyn sa paglalakad. Nasa tapat kami ng dalawang palapag na bahay. Sa lahat ng kabahayan, masasabi kong ito lamang ang maayos tignan dahil bukod sa bagong pintura ang pader, may mga malalagong pananim sa tabi.


Bumungad sa amin ang isang babaeng may iilan nang puti sa buhok. I think she's in mid-fifties or sixties. She's wearing a nurse uniform with white sheets on her hand. Pinapasok niya agad kami sa loob na animo'y kanina pa ine-expect ang presenya namin.


"Upo muna kayo, pababa na si Doc." Aniya bago tumungo sa isang silid. I took my cap off and sit just beside my friend. Dala ng kaba at nerbyos, nakukurot ko na ang aking daliri, I feel like fainting any moment.

We could get into serious trouble. Ako lang pala, dahil ako ang may gusto nito. I feel guilty dahil dinamay ko pa ang kaibigan ko.


"Corinne," Anang Evelyn. Napalingon ako. She must've sensed my hesitation. Namumutla na rin ang aking mukha.

Suddenly (Ramontes Series #3)Where stories live. Discover now