Together again ^_^

55 0 0
  • Dedicated to Boss Telie
                                        

Hello! My name is Faye, from Taytay, Rizal. A 3rd yr. student of University of Rizal System Binangonan Campus (URSB). Way back 2009, I grauated high school. I studied 1st yr college at ACLC Taytay.

Our story started when I was st yr 2nd sem. My classmate invited me to join in a clan (text clan) where she belong. Nag EB (eyeball) ang clan na ito at Binangonan, Rizal. Sumama ako kasi kasama naman friend ko. May mga kasabay kami kaclan din namin. Dito ko nakilala si Telie.

Sa unang tingin mukha siyang suplado. Matikas ang tindig niya at may hitsura. After a month siguro nakatext ko siya. Mabait naman pala. Nagkakilanlan hanggang sa BOOM! Naging kami na. Kung paano? Nakalimutan ko na. Haha. Masaya naman kami. Take note, he's my first boyfriend. Pero ng biglang, after 1month nakipagbreak siya sa'ken. Syempre it hurts me. 1st BF ko kaya siya tapos ganun ginawa niya. I was expecting pa naman na magtatagal kami at kung papalarin siya na ang una at huli ko. But not all expectations are good. But we didn't broke up because of 3rd party or something like that. He has reasons. At first, magulo, di ko maintindihan. Pero minahal ko talaga siya ng mga panahong iyon kaya kahit masakit dun nalang din ako sa kung anong gusto niya. Then we talked personally and it's official, we've decided not to hold on. That time was the very first time that I've received a hug from him. That was the sweetest hug from him that day!

Days, weeks and months passed. By the use of facebook chat, nagkausap kaming muli. Sinabi niyang namimiss na niya ako. Wag daw akong mag alala dahil mahal niya ko pero hindi pa ngayon. Then, naguluhan ako sa sinabi niya. Tinanung ko siya kung bakit hindi pa sa ngayon pero hindi na niya naipinaliwanag ng mabuti. PInanghawakan ko yung sinabi niyang yon kahit na malabo pa din para sa'ken kung ano talaga ang ibig niyang sabihin. After that, we have no communication.

Nag - aral ako sa University of Rizal System Binangonan. I started 1st yr again. Nagdrop kasi ako sa pinapasukan ko noon. May mga bestfriend ako na lagi kong nakakakwentuhan. Lagi kong nakukwento si Telie sa kanya kahit paulit - ulit na lagi yung kwento ko. Salamat at may mga kaibigan akong laging nandyan pag kailangan ko.

2nd yr college. Dahil nag aaral ako, kahit papaano nakakalimutan ko siya. Pero hindi sa lahat ng oras. Nagkaroon ako ng mas maraming kaibigan. Nagkarooon din ako ng boyfriend that time at dalawa sila. Ewan ko nga kung bakit ganto ko eh. Mabilis akong mapasagot kahit di ko pa naman mahal at kahit kakikilala ko pa lang at mabilis din akong magsawa. Haha. Nakakahiya man aminin pero yun ang totoo. Binreak ko sila pareho (one at a time po hindi sila sabay) ayoko na kasi mangyari na breakin ulit ako eh. Nasa isip ko nung mga panahong yun kailangan ko na siyang i - break baka maunahan pa ko. Haha. Pero may mga dahilan talaga ako kung bakit ko sila hiniwalayan, mga malalalim na dahilan. Siya nga pala, 1month lang sila pareho sa'ken. Pero kahit may BF akong iba si Telie pa din talaga ang naiisip ko kasi mahal ko talaga siya eh.

Bago ako makipagbreak sa huli kong naging BF, nagkakausap na ulit kami nun ni Telie. Nagkikita kung minsan pag nagagawi ako sa bahay ng pinsan niya na katabi ng bahay nila. Hindi naman kami naging stranger  nung nag break kami. Pero kahit ganun ramdam ko yung pakiramdam na umiiwas siya tuwing magkikita kami. Sakit kaya ng ganun, yung iiwasan ka ng taong gusto mo at mahal mo pa. Bigla ko naisip kung may halaga pa ba ko sa kanya at kung meron pa ba akong pinanghahawakan sa kanya.

One day, pag open ko ng FB account ko may nakapost sa wall ko. Recorded video ng kanta ni Taylor Swift na CRAZIER at siya ang nag gitara at kumanta  with a quote "para sayo". Nagtaka ako kasi hindi naman siya nagpaparamdam ng mga panahong yun. Tinanong ko kung ano yon at bakit para sa'ken. Ipinaliwanag niya kung ano yung message nung kanta. Pero binalewala ko yun kasi naisip ko baka namimiss lang siguro niya ko.

After two or three weeks, nagkausap ulet kami about sa nakaraan namen. Asaran pa nga ang usapan namen nun. Laking tulong talaga ng facebook samin. Nang dahil sa FB nagkakausap kami, at ngayon naging kami na!! 0.o waaaaaaaaaaaaaaaah !! Akala ko kasi paninigurado lang na magkakabalikan kami someday pero yun na pala yun!! haha. HIndi ako maka get over sa nangyari. Nagkita kami kinabukasan para mag usap in person. Dun ko nalaman na mahal pa din niya ko at yung mga ginagawa niyang pag iwas sa'ken ay mahirap din para sa kanya dahil napipilitan lang siyang gawin iyon. Confirm! kami na nga talagang muli. Akala ko noon wala na talaga. Akala ko wala na akong halaga para sa kanya. Pero mali pala ako, dahil sa loob ng dalawang taon naghintay siya ng tamang pagkakataon. Hindi niya nagawang magkaroon ng ibang girlfriend. Eto na yung panahon na hinintay niya at hinintay ko din. Eto na yung tamang panahon upang ipagpatuloy ang noo'y naudlot na pag iibigan naming dalawa. Napakasarap isipin na sa kabila ng lahat ng nangyari, sa kabila ng paghihintay ng matagal na panahon, eto na kami ngayon. Mas masaya kaysa noon. ^__^

I feel so blessed to have him in my life! Sa ngayon, 8 months na kaming magkarelasyon at sobrang maligaya sa isa't isa! I always thank God because He gave the one for me and I will always be thanking Him for everything He done to my life!

To my dearest honey (Telie) - you know how much I LOVE YOU. You know how happy and thankful I am that you are now a big and a great part of my life. I promise to love you each day of my life because I want to be with you forever, someday when the right time comes. I LOVE YOU SO MUCH FOREVER !! And I could not ask for more !! ^__^

8months and still counting! :D

_________________________________________________________

Thank you for patiently reading my story! ^_^ God Bless everyone :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Together again ^_^Where stories live. Discover now