...
...
"Umhiney?? been looking for you in the corridor, nandito ka lang pala." --Taas kilay na tanong ng best friend ko. "Ba't ka nga ba nagwalkout ha? Para yun lang e, mapagbiro lang naman yun si Ice. Di kana nasanay." dagdag pa niya. Itong bestfriend na daig pa ang mama kong dumakdak pero love na love ko sila pareho. Sila yung taong alam ang tunay kong ugali.
Nakasandal siya sa pader at ako naman ay nakaupo sa may bandang halamanan sa likod kami ng school. Dito ako palagi pag masama ang loob ko at pag masaya ako. Inshort dito ko binubuhos ang emosyon ko sa lugar na to kase wala naman pumupunta dito maliban sakin at ng bestfriend ko.
Hindi ko siya sinasagot ni ayoko siyang tignan. Nakayuko parin ako at ayokong tuksohin niya ako dahil kay Ice. Si Ice ang crush ko sa school simula sixth grade hanggang ngayon na nasa junior na kami. Para kaming aso't pusang laging nagbabangayan. Naiinis ako lage pag binibiro niya ako. Ewan ko ba.
"Alis na ako, parang wala kang balak sumagot eh. Sige iyak ka muna." Sabi niya ng papaalis na.
"Noreen!" tawag ko. "Salamat." sabay ngiti. Tumingin siya sakin at kumaway.
"10mins nalang for our next subject. Paalala lang." Sabi niya ng nakangiti.
Ilang minuto narinig ko ang bell. Lumakad na ako papuntang room namin ng hindi tumitingin at dumiretso ng upo.
"Tsss. Napakaiyakin." Nagsmirk na sabi ne Ice.
Di ko siya pinansin bagamat maiinis lang ako pag nagkasagutan kami. Ayaw niyang magpatalo.
"Good afternoon class!" Bati ng guro namin.
"Good afternoon miss Perez" Bati naming lahat.
"Sit down now." Sabi niya at pinaupo na kami.
"Sinong gustong maging representative sa nalalapit na Miss Uno? Noreen pakisulat ang mga gustong sumali for next week's event. Dapat may escort kayo bawal ang wala. I will give 25 points for each pair para sa nalalapit na exam which means pag nakakuha kayo ng 10/40 pasado parin kayo dahil bibigyan ko ng dalawangpo't lima. Di ibig sabihin nun eh wag na kayong mag.aral ng mabuti. Ngayon lang to." Paliwanag ne Miss Perez.
"Yehey."
"Yes!"
"Yahooooo"
"Omg." Sigaw ng mga kaklase kong maarte, maangas, bully at geek.
Naging maingay ang silid sa narinig namin kase bihira lang talaga nagbibigay ng puntos si Miss Perez. Strict talaga siya samin lalo na pag hindi kami nakapasa. Nasa section A ako, dapat maging modelo kami sa mababang section. Lagi niyang sinasabi samin yan simula palang ng klase. Parati niya rin kaming pinasasali sa mga kompetisyon. Math quiz, Science quiz, interschool competitions at kung ano-ano pang kompetisyon. Mas maraming beses ng nakakauwi kami ng medalya kaysa wala pero kahit minsan di pa ako nasali. Ayoko talagang nagsasasali kahit pa sinasabi nilang ako ang pinakamatalino samin.
"Umhiney, sumali ka. I want to see you there." Sabi ni Miss Perez sakin na nakatalikod habang may sinusulat sa blackboard.
"No. I don't want to." Angal ko.
"And for what reason is it this time?" Tanong niya. Hinarap niya ako at tinignan ng napakaseryoso.
"I just dont want people see me walking down there in that stage. It's not for me. Please understand." Sagot ko.
"Ok fine but for next next week we will have an audition for the campus queen. If you'll not gonna join next weeks event then you should the week after that. Am I clear? Seryoso niyang sabi." I just want you guys to enjoy your high school life, hindi yung nasa sulok lang kayo at nagbabasa ng libro." Mahabang litanya niya.
Di na ko sumagot bagkus itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagsusulat ng kung ano-ano. Tumingin ako kay Noreen na nakangiti sakin. Alam kong masaya siya para sakin. Nagawi ang tingin ko kay Ice na nakatingin din pala sakin pero biglang lumingon sa kabilang side.
Kumuha akong papel para magsulat tapos iniabot ko sa desk niya. Nasa bandang kanan ko pala siya.
Tinignan niya ito at tumingin sakin ng masama. Tumawa lang ako.
"Ano ka ngayon?" Bulong ko sabay ngiwi.
Ngumiwi din siya at yumuko para sumulat sa papel na binigay ko. Inabot niya sakin pagkatapos.
Naging masama ang aking timpla pagkabasa sa sinulat niya.
---Panget na iyakin. Wag kang mag.ambisyon na tinitignan kita dahil di ka maganda----
Umusok ang aking ng mabasa ko ito. Di na'ko nakapagpigil magpadyak kaya tumingin sakin ang lahat pati guro namin.
"If you're not here to focus in my class you can go out now Umhiney." Sabi ni Miss Perez na nakataas ang boses.
"Sorry po." Nasabi ko nalang na nakatingin ng masam kay Ice.
Natapos ang klase ng di ko iniimikan kung sino man ang magtanong sakin, kahit na bestfriend ko. Naglakad na ako sa hallway ng may marinig akong boses sa kabilang silid. Sinadya ko talagang huli lumabas para di masyadong marami ang estudyanteng nag.uunahan lumabas ng gate. Ngunit may estudyante pa pala. Napahinto ako ng marinig ko ang usapan nila.
"Bukas yayayain ko si Ice sa park pagkatapos ng klase. Kung gusto mong sumama, isama mo din si Dex para apat tayo. Naiisip ko palang masaya na ako." sabi ng babae sa room bagamat di ko makita kase nakasarado ang bintana. Batid kong napaka-excited nito. "Paano yan parang ayaw naman ne Dex sakin e Iba nalang. Si Brim nalang mas gusto ko siya kaysa kay Dex at di pa suplado." Sagot ng isang babaeng estudyante. "Ikaw bahala basta sakin si Ice." Kinikilig na sabi ng isa. Naging kuryoso akong malaman kong sino kaya hinintay ko silang lumabas na dalawa.
Lumakad ako ng mabagal hanggang marinig kong papalabas na sila.
Tumingin lang sila sakin saglit at lumakad na.
"Di naman maganda e, kala mo kung sino. Nakaliptint ka lang." Bulong ko sa sarili ng makita kong papalayo sila sakin.
Nasa may gate ako ng maisip kong bumili ng street foods.
--Isaw na isinawsaw sa suka na may sili-- "Diyos ko po ang sarap." Sabi ko.
Habang kumakain tinitignan ko ang Signage ng school namin.
----St. Augustine Academy----
A school for a brighter tomorrow.
"Indeed!" Sabi ko ng nakangiti.
...
...
KAMU SEDANG MEMBACA
CAT & MOUSE (The Chasing Game)
NonfiksiSTILL NEEDS EDITING. A common story of a school girl who had a crush to a boy who always bullied her. She isn't a nobody but she just choose to be. She is an introvert. Let's find out how she is going to change her character when she get to know the...
