When Myra Fell In Love - Part 17

5.7K 202 3
                                    

"NGAYON alam ko na kung bakit personal paradise ang tawag mo rito. Ang ganda dito tapos nakakarelax pa," nasabi ni Myra habang nakatingala sa langit. Mas marami ng bituin doon kaysa kaninang bagong dating sila. Hawak niya ang isang kopita ng red wine at na dahan dahan niyang iniinom. Nakasalampak na siya ng upo sa malaking couch doon.

"Yes. Kaya dito kita dinala. At kaya secret," sabi ni Robin na nakaupo sa tabi niya. Gaya niya ay may hawak itong kopita. Kanina pa sila tapos kumain ng hapunan.

Nilingon niya ito. Bahagya siyang nagulat nang makitang sa kaniya ito nakatingin. Then he smiled sexily that melted her insides. "Robin, stop that," marahang saway niya rito.

"Stop what?"

"Stop staring at me like that."

Hindi ito sumunod. Bagkus ay kumilos ito at kinuha ang kopitang nasa kamay niya. Pagkatapos ay inilapag nito ang mga kopita nila sa sahig at muling tumingin sa kaniya. "Why?"

Bumilis ang tibok ng puso niya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Para siya nitong tinutudyo. O baka naman inaakit? Bigla kasi ay parang uminit ang paligid sa intensidad ng titig nito. Nagliparan ang mga paru-paro sa sikmura niya nang makita niyang bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Bigla tuloy tila nanuyo ang lalamunan niya at napalunok siya. Wala rin sa loob na nabasa niya ng dila niya ang mga labi niya.

He frustratedly groaned when she did that. Bago pa niya malalaman ang nangyari ay natawid na nito ang pagitan nila at siniil nito ng halik ang mga labi niya. Kusang tumugon ang mga labi niya dahilan kaya walang kahirap-hirap na napalalim nito ang halik. Namalayan na lamang niyang naihiga na siya nito sa couch at nakubabawan na siya nito. But she doesn't mind. All her senses, her mind and her heart are only focus on how wonderful it feels to be kissed and touched by him. Nagpaubaya siya, gumanti ng mga halik at haplos at ibinigay ng buong buo ang sarili rito ng walang halong pagsisisi.

MAAGANG pumasok si Robin sa opisina sa araw na iyon para maaga niyang masimulan ang trabaho. Gusto niyang tapusin kaagad ang mga kailangan niyang basahin at pirmahan sa araw na iyon para makaalis siya ng maaga upang sunduin si Nina. At siyempre upang makita si Myra.

Nang maalala ito ay hindi niya napigilang mapangiti. Palaging ganoon ang nangyayari sa kaniya tuwing naiisip niya ito. Sigurado siya na kung may makakakita sa kaniyang kakilala niya ay iisipin ng mga ito na nasisiraan na siya ng bait. Hindi kasi siya iyong tipo ng taong ngumingiti mag-isa. Kahit din noon ay madali niyang napaghihiwalay ang personal niyang buhay at trabaho.

Noong nobya pa lamang niya si Kathy ay madalas pa nga nitong ireklamo sa kaniya iyon. Kapag daw nagtatrabaho siya ay nakakalimutan daw niya ito. Kaya nga upang mapalis ang insecurity nito noon sa nararamdaman niya para dito ay inalok niya ito ng kasal. Sure enough ay natuwa ito. Pero isang taon pa lamang silang kasal ay pumanaw nga ito sa panganganak kay Nina.

Pero si Myra walang pinipiling oras. Kahit nasaan siya, kahit anong ginagawa niya, bigla na lang itong sumasagi sa isip niya at nakakalimutan na niya sandali ang ginagawa niya.

Napatingin siya sa pinto nang makarinig siya ng katok. Sumungaw sa pinto si Arnel. Ngumisi ito nang makita siya at tuluyang lumapit. "Naka naman. Tama pala ang sabi ng sekretarya mo at ng mga nakasalubong kong empleyado," sabi nito na umupo sa silyang katapat ng lamesa niya.

Kinunutan niya ito ng noo. "What?"

Lalong lumawak ang pagkakangisi nito. "Na weirdo ka raw ngayon. For the first time daw ay hindi nakabusangot ang mukha mo tuwing binabati ka nila. At ang pinakanakapagpa-shock sa sekretarya mo ay tinanggihan mo ang mga visiting schedule mo sa mga branches ng Super V sa araw na ito at sinabi mong kung ano ang sasabihin ng supervisors ay iyon na iyon. At ngayon ang pinakanakakagulat sa lahat," mahabang sabi nito na sinadyang pa nitong ibitin.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesWhere stories live. Discover now