Chapter 22

47.3K 1.4K 59
                                    

A/N: Thank you kay Audrin sa new cover ng wnw! ❤❤❤

Alexia

Kinausap ni Isabelle ang parents ni Jensen about her situation with my help.Ang hirap nga nila hagilapin since kakadating lang nila from Chicago. I wasn't there but Isabelle told me everything. Hindi daw nila ito tinanggap at sinabihan pa daw sya ng mama nito na whore at gold digger.Hindi daw ito naniniwalang kay jensen ang batang dinadala nya. Masamang masama ang loob ni Isabelle sa nangyari. Hindi  ako makapaniwalang ganun din pala kagaspang ang ugali ng parents nya. Malapit na ang kasal at malapit na ding manganak si Isabelle. She wants to keep quiet na para sa baby nya. Since nagwowork naman na sya sa boutique nila Margaux as Assistant Manager for the meantime.Kinuha na din sya ni Mar na model after nya manganak, yes she's going to England at magiging lingerie model na din sya!

Nung nameet nya si Margaux, para syang batang nakakita ng magandang regalo.Nagtatalon pa sya kaya pinigilan namin agad.Excited to the nth power. Like me, magaan agad ang loob ni Mar kay Isabelle. Nagustuhan nya yung tindig at pustura nito kahit pa buntis. Nagbiro pa si Mar na sana daw, ganun din sya pag nabuntis. Hindi tataba at hindi mamamaga ang ilong.

Sinabihan ko si Isabelle na i-meet ako sa isang private party.Kailangan namin ipaalam sa parents ni Kimmy ang kalagayan nya at kung anong gawain ni Jensen. Kung pumayag pa silang ipakasal yung anak nila sa lalaking yon, problema na nila. Ayaw ko lang basta walang gawin at hayaang magpakasaya sila.1 week nalang at kasal na nila. Pupunta kami sa dinner party ng immediate family nung dalawa. Nung una, ayaw ni Isabelle, pero nung naisip nyang makikita nya si Jensen, pumayag na din sya.She wants closure din.

Hinintay kong magpark sya saka ako bumaba ng kotse.

"Are you sure about this?"matiim nya akong tinignan na hindi bumababa sa kotse.

"Yes.Relax okay? hindi naman kami manggugulo ni Isabelle.Makikisaya pa nga kami."

Pinanood ko syang pumikit at isuklay ang kamay sa buhok nya.He's pretty.Hindi ko akalaing makikisali sya o sasang-ayon sa plano ko. Yes, Archie is with me. Palagi syang nagpupunta sa bahay at syempre nagkukunwari akong okay lang ang lahat.

Naramdaman ko sa likod ko si Isabelle kaya naman hinarap ko sya at bineso.Nginitian at tinanguan nya si Archie.Nagkita na sila minsang dumalaw si Isabelle sa bahay. Alam ni archie lahat

kaya naman hindi na sya tumutol sa gagawin namin.Hindi naman ito major scene na tulad ng revenge ni Margaux.Isinara ko ang passenger door pagkatapos kong marinig ang 'take care' ni archie.

Papasok na kami sa venue ng private party pero pinigil ako ni Isabelle. "Parang kinakabahan ako sa mangyayari." nakita kong ninenerbyos sya.

"Don't worry, aalis din naman tayo agad e." nginitian ko sya at ilang sandali pa ay marahan syang tumango.Napansin kong kanina pa sya nakahawak sa tiyan nya.

Bumukas ang pinto ng Resto pero hindi kami pinigilan o hiningian ng invitation. Pinsan ng bestfriend ni Isabelle ang nandito at nasabihan na sya na dadating kami. Mag-aalibi na lang daw ito pag nasita kung bakit kami pinapasok.

Malayo pa lamang ay rinig na namin ang tawanan at kwentuhan ng pamilya ni Jensen at Kimmy. Hinawakan ko ang braso ni Isabelle at ramdam ko ang bahagyang pangangatog nito.Tinapunan ko sya ng tingin at ngitian for assurance na andito lang ako.

Una kaming nakita ng Nanay ni Jensen at agad itong tumayo at dali-daling nilapitan kami.Galit na galit ang mukha nito habang nakatitig kay Isabelle. "What do you think you're doing? Sisirain mo ba ang relasyon ng anak ko? Ikakasal na siya at wala kang mahihita sa amin!" mariin nyang sabi sabay hatak kay Isabelle para ilabas.

Agad kong tinanggal ang kamay ng mama ni Jensen at inilagay si Isabelle sa likod ko na ramdam kong takot na takot na at sobrang nangangatog. "Kailangan po naming sabihin sa family ni Kim ang nangyari sa kaibigan ko. Sa amin ng kaibigan ko." diin ko pa.

Lumapit na din ang papa ni jensen na agad hinawakan sa balikat ang asawa sabay tingin ng masama kay Isabelle. "Ano ba ang gusto ng babaeng yan?" mahinang sabi nito sabay lingon sa mga kasama na tumahimik na at nakatingin lahat sa komosyong nangyayari.

Nakita kong tumayo si Kimmy at akmang susugod pero pinigil ito ni Jensen na katabi lang nito at marahang pinaupo.Bago pa makalapit sa amin si Jensen ay dali-dali kong hinawakan sa balikat si Isabelle at giniya sa lamesa ng mga bisita.

"I'm sorry to interrupt your celebration  pero we have to tell you something."lakas loob kong simula.

"Shut up!" sigaw ni Kimmy saba tayo sa kinauupuan at dinuro kami ni Isabelle."Both of you leave us alone!" dagdag pa nya.

"Ano bang kaguluhan ito Kimberly?" singit ng late 40's na babaeng hawig ni Kim.Malamang Mama nya ito.Agad Lumapit si Paola sa kapatid at galit na galit na napamura."Paola? what is happening here?" tanong ng tingin ko ay Papa nila Kim.

Tiningnan kami ng mama ni Kim kaya iniharap ko si Isabelle na nagtago sa likod ko.Ibubuka ko na ang bibig ko pero may nagsalit sa likuran namin. "I'm sorry po tito and tita pero sya po si Isabelle. Ex- girlfriend ko po at sinasabi nyang nabuntis ko sya but i know it is not mine." nagulat ako sa pag amin at pagsinungaling ni jensen.

"You asshole! Ang kapal ng mukha mong ganyanin si Isabelle!" singhal ko sakanya. Nagtayuan ang family ni Kim at dinaluhan ito habang umiiyak.Mukhang hindi pa rin sila makapaniwala sa nagaganap.

Tinignan ako ng matiim ni Jensen habang sinasabi nyang umalis na kami.

Hinarap sya ni Isabelle. "Hindi ko naman sinabing akuin mo ang anak ko o ang sustentohan.Alam mo at alam ko na ikaw ang ama nito.Niloko mo ako.Kami.Sinabi mo sa akin na hiwalay na kayo ni Kim.Si Alexia, niloko mo rin! Wala kang kwentang lalaki! Hindi ko gugustuhing makilala ka ng anak ko!" pagkatpos nyang sabihin iyon ay hinila na nya ako paalis.Ramdam ko ang pag-iyak nya.

Hindi pa man kami nakakalayo ay napasigaw na sya at sinapo ang tiyan.Nanlaki ang mga mata ko ng napaupo sya sa sahig at nakita ko ang sakit sa mukha nya.Nagpanic ako at napasigaw na din ng tulong.Nilingon ko ang pamilya nila pero parang naestatwa lang ang mga ito na nakatingin sa amin.

Nanginginig akong kinuha ang cellphone ko at nung sinagot ni Archie ay kaagad ko syang sinigawang pumasok sa loob para tulungan kami.Nakita kong naglandas paglabas ng parang tubig sa sahig sabay ng pagsigaw ulit ni Isabelle.Manganganak na sya. humahangos na lumapit sa amin si Archie at akmang bubuhatin na si Isabelle pero naunahan sya ni Jensen.Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko na din alam kung bakit nya ginawa iyon pero pinigilan ako ni Archie nung hahabulin ko na sila. "Hayaan mo na sila." naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likuran.

What A Nerd Wants ✔️ (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon