Chapter forty five

Start from the beginning
                                    

"Sumagot na ba si Mikee?" Nabalik ako sa wisyo ko ng lumapit saakin si Tita Nydia.

Umiling naman ako. "Hindi pa nga po, eh." Muli na namang nag salita ang operator na cannot be reached ang cellphone ni Mikee kaya dinial ko ulit. Buti nalang at nag paload ako ng tatlong daan kaso mukhang mauubos dahil kakatawag ko dito sa babaeng 'to.

"Bakit? Anong ngyari kay Mikee?" Narinig kong tanong ni Adlee. Pasimpleng chismis ka pa dyan.

"Hindi siya sa kwarto niyo natulog at umalis siyang kasama si Dace. Wala sila sa kwarto nila Kijan at hindi rin sila sumasagot sa mga tawag namin. Hindi namin alam kung nasaan na sila." Nag aalalang sabi ni Tita Nydia.

Dati, takot na takot ako sa Mommy ni Mikee lalo na yung mga panahon na nag s-sneak out lang kaming dalawa tapos si Tita Nydia laging tumawag saakin para tanungin kung nasaan si Mikee at ako lagi ang gumagawa ng excuse para hindi siya pagalitan pag dating sa bahay nila. Pero dahil sa out-of-town vacation na 'to, mas nakilala ko si Tita Nydia. Hindi naman siya ganun ka strikto. Lahat nga kami nagulat ng bigla niya kaming tawagan for the very first time in forever at mag ayang mag out-of-town. Ang mas nakakagulat pa don, siya ang nag plano sa lahat. Magmula sa mga pagkain hanggang sa plane tickest at itong napaka gandang resort na 'to. Mga gamit mo nalang talaga ang po-problemahin mo and your good to go. Syempre, pati sarili mo narin.

"Nasa room ko po si Mikee at Dace." Napababa ako ng cellphone ko at napatingin sakanya. Anong sinasabi ng babaeng 'to? "Kukuhain ko sana ang cellphone ko sa kwarto namin pero naabutan ko sila ni Dace at Mikee na nakatayo sa kwarto namin nila Valie. Nakalock kaya hindi sila makapasok. Since hindi ko rin naman alam na naka lock 'yon, binigay ko muna ang susi ng kwarto ko dahil lasing na lasing na si Mikee. Kaya baka dun nalang sila natulog."

"Bakit hindi mo agad sinabi saamin?" Kunot noo kong sabi kay Adlee.

"Akala ko kasi babalik din agad si Dace at siya na ang mag sasabi sainyo.." Sagot niya.

Tsk, una palang naman pansin ko ng may gusto si Adlee kay Kijan. Dahil hindi naman siya didikit at lilingkis ng buong magdamag kay Kijan kung wala, diba? Paniguradong sinadya niyang hindi sabihin saamin para masolo niya ng buong magdamag si Kijan.

"Saan ba ang kwarto?" Tanong ni Tita Nydia.

"Sa kabilang villa pa po. Room 217." Aalis na sana ako pagkasabi niya non ng bigla akong mahinto dahil nakita ko si Kijan na siyang naglalakad papunta sa gawi namin.

Nakayukom ang mga kamay nito at diretsyo lang ang lakad at tingin. Pero parang wala siyang ibang nakikita. Nakakunot ang noo niya at halos magdikit na ang dalawang kilay niya. Baka may hindi magandang ngyari dahil sa nararamdaman kong awra niya at mukhang nanggaling pa siya sa kabilang villa. Nagpunta kaya siya sa room ni Adlee kung nasaan si Mikee at Dace?


Lumakad naman papalapit si Adlee kay Kijan at lumingkis sa braso niya. Napa ikot nalang ako ng mata matapos kong makita ang ginawa ni Adlee. Nakakairita talaga siya! "Good morning," narinig kong bati niya kay Kijan.

"Nakita mo ba sila Mikee, Kijan?" Tanong ni Tita Nydia kay Kijan na siyang kadarating lang.

Napansin ko ang pag iwas ng tingin ni Kijan saamin. "Hindi." Umiling ito at naupo na. Pero bakit pakiramdam ko, alam niya kung nasaan ngayon sila Mikee?

"Valie, puntahan mo na muna ang kwarto ni Adlee at baka nandun sila." Malumanay na sabi saakin ni Tita. Tumango naman ako at dapat aalis na para puntahan ang kwarto ni Adlee ng biglang hawakan ni Kijan ang kamay ko.

Napatingin ako sakanya at sa mga mata niyang nagsasabing 'huwag kong gawin' Hindi ko maintindihan kung bakit pero sa mga mata palang niya, nakikita ko na ang sagot. Humarap ako kay Tita at nag isip ng dahilan para huwag ng mag alala kay Mikee at huwag ng magpunta sa kwarto ni Adlee sa kabilang villa.

Last RoseWhere stories live. Discover now