Alamat Ng Tulay

537 8 0
                                    

Once upon a time, noong unang panahon, sa planetang malayong malayong malayong malayong malayong malayong malayong malayong malayong malayong malayo sa planetang Earth

na kung tawagin ay Venus, ay may naghaharing Diyos na nagngangalang Cyupido.

Siya ang kauna-unahang hari na walang kaharian. Hinati niya ang kanyang kinasasakupan sa dalawang grupo, ang pangkat ng Haeturia at Lovieria.

Ang dalawang pangkat ay hindi maaaring magkasundo/magkasama at higit sa lahat ay /magka-ibigan. Ito ang ipinagbabawal ni Haring Cyupido, at kung sino man ang sumuway ay mapaparusahan.

Ngunit isang araw, sa isang oras, sa isang minuto, sa isang segundo, ay may Isang nilalang na nagngangalang Tao (Taw), mula sa pangkat ng Haeturia na napagawi sa pampang ng kanilang lupain. Sa kabilang pampang ay may nakita siyang isang napakagandang nilalang na nanalamin sa tubig.

At sa unang pagtatama ng kanilang mga mata, ay may naramdaman siyang kakaiba.

Ano nga ba ang tumama sa kanila? Sila'y nagpalitan ng mga matatamis na ngiti.

Ito'y pag-ibig na nga ba?

At mula nung araw na iyon, ay palagi na silang nagkikita sa pampang.

"Lei, napaka-gandang pangalan."

nasabi na lang ni Tao sa sarili.

Sa bawat paglubog ng araw, lalong lumalalim ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Dumating ito sa puntong gusto na nilang mahawakan ang bawat isa.

"Lahat ay gagawin para sa Pag-ibig"
kung kaya't nagsagawa sila ng plano upang magkasama silang dalawa. Ang tanging hadlang lamang sa kanilang pag-iibigan ay ang kumukulong tubig na inilagay ni Haring Cyupido nang malaman niyang nag-iibigan sina Tao at Lei.

Sinikap nilang abutin ang kamay ng isa't isa nang hindi nahuhulog sa sa kumukulong tubig.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero, nabigo sila.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pero di nga, Joke lang! hindi sila nalunod sa kumukulong tubig.

Bago pa man sila mahulog, ay ginawa na silang bato ni Haring Cyupido. Ito ang kaparusahan nila sa pagsaway ng utos.

Hindi kalaunan ay tinawag na "TaoLei" (Oo, uso na ang combination ng names noon pa lang sa Venus. Kaya wag nang kumontra pa!!) ang magkadugtong na katawan ng dalawang nagmamahalan para sa kanilang mga alaala.

Nagkaroon man ng dugtong sa pagitan ng dalawang lupain, hindi nagtanka ang dalawang pangkat na suwayin ang utos ng kanilang Diyos.

Nagbago lamang ang lahat ng dumayo ang mga Earthlings (mga nilalang mula sa Earth) sa Venus.

Dahil gaya-gaya sila, ginaya nga nila ang imprastrakturang iyon at dinala sa Earth kung saan napakinabangan nila ito ng mabuti.

At diyan po nagmula ang ang Tulay!

Fin.
*************************
Sorry for the typo errors. hope you liked it! ;)

-inspireyzean

Alamat ng TulayHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin