Chapter 2: Unexpected

Magsimula sa umpisa
                                    

3pm pa naman ang kasal pero hiniling ko na sana wag na lang dumating ang time na iyon.  Sa Batangas ang kasal nilang dalawa. Doon kasi sa Batangas nagkita ang dalawa, sa may Simbahan ng Batangas  at doon nila gusto magtapos ang pagsasama nila bilang BF-GF  kundi  bilang mag-asawa na. 

Pinilit kong tumayo mula sa kama. Ako kasi ang Maid-of-Honor ni Trixie at nakakaasar dahil kahit ayaw ko ay ako pa din ang gumawa ng gown na isusuot niya. Dinampot ko ang towel at pumasok ako sa loob ng banyo ko. 

Tumapat ako sa shower. Sabi nila kapag kasal daw, dapat masaya pero parang hindi ko kaya na maging masaya dahil nga sa ikakasal na si Achilles. Para nga hindi ko din kayang ngumiti dahil alam kong hindi naman totoo ang magiging ngiti ko. 

Matapos kong mag-shower ay agad kong pinack ang gamit ko. Nasa kotse na kagabi pa yung dress ko. Kasama ko si Isha at Apple, si Darren gustong sumama pero hindi siya pinayagan ni Inigo. 

Bumaba ako mula sa kwarto ko. nakita kong bukas na ang ilaw sa kusina, doon ay nakita ko si Mommy na inaasikaso si Apple at Isha. Bumalik na kasi si Tita Aileen at Tito James sa Singapore, next week pa plano na umuwi ni Isha doon. Si Apple naman at sila Mommy ay babalik ng Australia next week din. Ibig sabihin ay solo na naman ang buhay ko. 

Siguro sasama na lang ako pabalik sa kanila para masaya na ako. Baka matagpuan ko ang moving on na word sa Australia. 

Napalingon sa akin si Mommy. Agad akong lumapit sa kanya at yumakap. Hinayaan lang niya ako pero alam kong nagtataka siya. nGusto ko sa tabi lang ni Mommy kasi parang ang safe ko at naiintindihan niya ako. 

"Ate, wag ka na magdrama. Due date na iyan ngayon. Bukas move on na" 

Napatingin ako kay Apple tapos hinayaan ko lang na bumagsak yung luha sa mata ko. Doon lang ako hinarap ni Mommy. Pinunasan niya ang luha sa mata ko 

"Sama ka na sa amin pabalik ng Australia anak. Kung gusto mo ipasok ka namin ng Daddy mo sa ANTL (Australia Next Top Line) tapos madaming kaibigan si Inigo doon na medyo mas matanda naman sa kanya. " 

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko kay Mommy "Mommy, nafriend zone ako" yumakap ako lalo sa kanya at parang bata na iyak ng iyak sa kanya. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Mommy sa akin. 

Huminga ako ng malalim. Mukha akong tanga na iyak ng iyak dito samantalang yung taong iniiyakan ko hindi man lang nga niya alam na mahal ko siya. Kakaloko talaga ng detiny, kung kailan nagmahal ka ng totoo tsaka naman nagkaroon ng disaster. 

Lumayo ako kay Mommy at pinunasan ang luha ko. Tama ang kapatid  ko, due date na ngayon ng drama ko. Bukas, bagong Ami na ang makikilala nila. 

Umupo ako sa tabi ni Apple, s Isha ay nakatingin lang sa akin. Mukhang naaawa din ang isang ito sa akin pero hindi ko gustong kaawaan ako dahil iyon ang ayoko. 

 Nagsimula kaming kumain habang sila ay salita lang ng salita. Mabilis lang ang naging kilos namin. Kay Mommy nga lang ako nakapag-paalam dahil tulog pa daw si daddy at ang mga kapatid kong lalaki. 

Pagdating ng Batangas ay nakaramdam na ako ng takot dahil alam kong ilang oras na lang at mawawala na sa akin si Achilles. Huminga ako ng malalim pagbaba sa rest house nila Trixie, may mga nakaparada na ding sasakyan doon. Bumaba kami at sinalubong kami ni Tita Heide, ang mama ni Trixie. 

"Anastacia!" humalik siya sa pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko ang pag-akbay sa akin ni Isha, alam kong nakikisimpatya siya sa akin. 

"Oh! Are you the Isabelle of My World Station of Singapore?"

Tumingin ako kay Isha, tumango ang pinsan ko. Ano ba yan, hanggang dito ba naman ay abot ang pagiging sikat niya. Ngumiti ang pinsan ko sa kanya 

"Pwede bang ikaw na lang ang host ng program mamaya? Well, kung okay lang sa iyo..." tumingin sa akin si Tita Heide "..hindi naman kasi nasabi ni Trixie na pinsan ka ni Anastacia"

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon