RAIN OF PASSION CHAPTER 2

3.6K 156 1
                                    

Alas diyes na ng umaga nang sumunod na araw nang maggising si Lyka. Tapos na ang napakalakas na hangin at ulan at ang sikat ng araw ay iyong tulad ng katatapos pa lamang ng bagyo.

Ilang oras pa lang siya nakatulog dahil hindi niya maalis ang kaba mula nang makaalis si Jordan. Pupungas-pungas pa siya nang marinig ang tunog nang kanilang doorbell.

Agad siyang bumangon dahil inisip niyang si Jordan iyon. Naiwan lang siguro ang susi kaya nagdo-doorbell.

Nang buksan niya ang pintuan ay hindi si Jordan ang napagbuksan niya kung hindi ang dalawa sa kasamahan nito. Alam niya dahil suot ng mga ito ang unipormeng katulad ng kay Jordan bago ito umalis.

Nagsimula siyang ngumiti ng pagbati bago makita ang mga ekspresyon sa mukha ng mga bisita. Nang mapansin niya iyon ay tila naiga ang lahat ng dugo niya sa katawan. Alam na niyang may mali.

"Kayo pa ba ang misis ni Jordan Anderson?" Magalang na tanong na isa.

Pakiramdam niya ay natuyo ang kaniyang lalamunan kung kaya't walang lumabas na boses mula roon. Tumango na lamang siya bilang tugon dito.

"I am sorry, Ma'am. Nagka-aksidente po sa dagat ang rescue boat na sinasakyan ng team nina Jordan...

"Ano?" Tanong niya na parang hindi nauunawaan ang sinasabi nito.

"Mrs. Anderson?"

"Anong sinabi mo?" Sa pangalawang pagkakataon ng kanyang pagtatanong ay may hysteria nang maririnig sa kanyang boses.

"Ma'am... nahanap na po ang bangkay ng dalawa niyang kasama. Dalawa pa po silang nawawala sa dagat... Pero nahanap namin ito." Iniabot nito sa kanya ang isang jacket na basa pa sa tubig ng dagat.

God, dapat hindi na lang ako aalis.

Iyon ang sinabi ni Jordan sa kanya matapos isuot ang jacket na iyon kanina lang. At ngayon ay may isang nangingitim na bahagi sa jacket kung saan may bahagya rin itong punit. Tiningnan niya iyong mabuti.

It was blood.

Hindi na niya narinig ang sunod nitong sinabi. Parang hindi kone-konektadong salita ang tanging pumapasok sa utak niya – aksidente...bangkay...nawawala...

Hindi na siya makahinga dahil sa biglaang pagdaloy ng lahat ng dugo niya pataas sa kanyang utak. Nawalan siya ng malay.

Naniwala siyang bangungot lang ang lahat – ang tawag sa cellphone, ang pagpapaalam ni Jordan, ang pagdating ng mga taong nagbalita sa kanya, ang dugo sa jacket na iniabot sa kanya...

All those were part of the nightmare na nagpapa-ulit-ulit sa utak niya. Alam niya, maya-maya lang ay maggigising siya na katabi si Jordan, mayayakap niya ito, mahahalikan, masasabi nito sa kanya na hindi siya nito iiwan dahil siya lang at wala ng iba pa itong mamahalin.

Tulad sa isang masamang panaginip kung saan minsan ay maaring puwersahin ang sariling gumising, pinipilit niya ang sarili para magmulat ng mga mata pero nanatili siyang trapped sa panaginip na iyon.

Isa, dalawa, tatlong linggo ang lumipas at naubusan na siya ng pinanghahawakang pag-asa na buhay pa si Jordan o na mahahanap pa ang katawan nito.

For god's sake, tumigil na nga sila sa paghahanap dito matapos ang tatlong araw. At nag-uusap na ang mga katrabaho nito para sa isang memorial ceremonies na tinanggihan niya dahil hindi siya naniniwala na puwedeng mawala sa kanya si Jordan nang ganun-ganun na lang.

Lyka, panaginip lang ito. Wake up! Parati niyang sinasabi sa sarili. Pero hindi na siya naggising mula sa bangungot na iyon kahit pa nga may mga taong bumibisita sa kanya para gisingin siya sa katotohanan.

ELEMENTS BOOK 2 RAIN OF PASSION (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora