"Babe,gala tayo. Punta ka dito sa park" saad ni Lianna mula sa kabilang linya at pinatay niya na ang tawag.
Agad akong napangiti at nagbihis. Mabilis akong nagtungo sa park at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench doon.
Mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang kaniyang mga mata.
"Waaah!Babe naman eh,alam ko yang pabango mo. May patakip effect ka pang nalalaman eh" saad niya sabay nagpout.
How I love this girl. Tinabihan ko siya at binigyan ng isang matamis na ngiti.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya at agad niya namang itinuro yung nagtitinda ng fishball at kwek kwek. Isa to sa mga nagustuhan ko sa kaniya,yung pagiging simple niya.
"Tara" hinawakan ko ang kamay niya at pumunta kami dun sa nagtitinda.
"Kuya,bente pesos na kwek kwek nga po tyaka sampung pisong fishball"
Ganyan siya katakaw. Haha. Bumili lang ako ng sampung pisong kwek kwek.
Pinagmasdan ko siya at panay lang ang subo niya. Ang cute niyaaa.
Pagkatapos niyang kumain ay inaya niya naman ako sa tindero ng lobo.
"Babe,wag ka ng bumili ng lobo. Masasayang lang yung pera mo,hindi ka naman na bata" saad ko.
"Noooo! Gusto ko ng balloon" nagpout na naman siya. Hayst
"Tara na nga. Ibibili na kita"
Binilhan ko naman siya ng tatlong lobo at tuwang tuwa siyang pinagmasdan ang mga iyon.
"Babe,sabi nga pala ni Mommy na nakita niya na daw yung kapatid kong babae" sabi ko sa kanya habang naglalakad lakad kami.
"Waaaah. Talaga? Ipakilala mo siya sakin ah?" Sabi niya habang nakangiti
"Bukas ko na nga pala siya makikilala babe" dagdag ko pa.
"Ayy,sayang. May pupuntahan ako bukas eh. May next time pa naman eh" sabi niya.
"Haha,sige lang babe" nakangiti kong sabi at ginulo ko ang buhok niya.
"Uwi na tayo,mag gagabi na eh" aya niya sa akin.
"Sige,tara na"
Hinatid ko siya pauwi sa kanila.
"Pasok ka na babe" sambit ko.
"Nooo,uwi ka muna" pagmamatigas niya.
"Pumasok ka muna tapos uuwi na ko"
"Hindiiii,uwi ka muna tapos papasok na ako"
"Hayst,sige na. Pasok ka na ah? I love you"
"I love you more. Babyeeee" saad niya then she bid a goodbye. Nagsimula na akong tumalikod at umuwi na ako.
"Good evening Mommy" bati ko kay Mommy na kasalukuyang nasa sala at nanonood ng TV.
"Good evening baby. Kumain ka na?" Tanong niya.
"Hmm,busog pa po ako. Akyat na ko Mommy,goodnight." Sambit ko at dumiretso na ako sa kwarto ko.
Naligo ako agad at humiga sa kama ko. Saglit pa akong nag isip. Bukas ko na nga pala makikilala ang kapatid ko. Yung kapatid kong nawalay sa amin ng halos 20 years dahil limang taon lang siya nang mawala. Pumikit na din ako nang dalawin ako ng antok.
.
.
.
.
"Kiel!Baby,gising na" sigaw ni Mommy mula sa baba.
Iminulat ko ang mga mata ko at saglit na nag inat.
"Gumayak ka na at makikita na natin ang kapatid mo"
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Umiling iling na lamang ako at gumayak na.
"Good morning Mommy" bati ko kay mommy at humalik sa pisngi niya nang makababa ako.
"Good morning baby. Ampogi naman ng baby ko ngayon"
"Psh,Mommy. Araw araw po akong pogi" reklamo ko na agad naman niyang ikinatawa.
"Kain na tayo. Nakapag hain na si Manang" aya niya.
"Manang sumabay na kayo sa amin" saad ni Mommy at agad namang napakamot ng ulo si Manang.
"Hindi na po Ma'am. Nakakahiya" sambit ni Manang.
"Manang,mula maliit ako ay nandito na kayo. Ngayon pa po ba kayo mahihiya?" sambit ko kaya agad niya naman kaming sinaluhan hanggan sa natapos kaming kumain.
"Manang alis na po kami. Pakisarado po yung gate" sabi ni Mommy.
Agad kaming sumakay ni Mommy sa kotse at pinaandar ito. Habang papalapit kami sa sinasabing restaurant ni mommy ay bumibigat ang pakiramdam ko sa di ko malamang dahilan.
"Baby. Lets go?" Tanong ni mommy nang makarating kami at tumango ako. Naupo kami sa isang table doon at naghintay pa kami ng ilang minuto.
"Andyan na pala siya eh" kasabay ng pagturo ni Mommy sa kapatid ko ang pagpasok din ng babaeng minamahal ko.
"Kiel,meet your sister" nakangiting sambit ni Mommy.
"B-babe" usal ni Lianna.
"B-babe..."
-WAKAS-
