Chapter 29: Hide and Seek

Start from the beginning
                                    

"o! problema mo?" sagot nito sa tawag ko

"can you help me----???" sabi ko pero butong hininga lang ang narinig kong sagot niya

"please?" I said damn! unang beses ko nakiusap pero binalewala ko yun wala ng hiya hiya ang importante mahanap ko ang asawa ko. yun ang mahalaga

"ikaw ba talaga yan couz? damn! gusto ko na talaga ma meet yang si Arianna sa personal she do magic to you really"

"that's my problem?"

"what? why?"

"my wife is missing I think she is hiding from me, can you find her I am willing to pay at any cost couz"

"at any cost talaga? How about 1 billion?"

"deal! Just find her"

"damn couz your insane! Para sa isang billion for a girl?"

"you will never know how I feel now pero once na magmahal ka ng totoo I tell you Tyson you will do anything just to be with her, i will move heaven and earth just to find her couz"

"that's will be a big shit! couz ge na nga! I call you back pag alam ko na"

"thanks!"

~

"Ate Annia! Ate Annia!, totoo po ba yung sabi ni Miss Amabel na mag kakaroon tayo ng bisita dito?" tanong ng mga bata sa akin. nakaupo kasi kami lahat at nanonood ng t.v

"oo bukas daw ng umaga yun kaya dapat maaga kayong matulog ngayon" sabay haplos ko sa mga buhok ng mga bata

"excited na ako ate, sigurado may regalo yun sa amin hindi ba?" masayang turan ni Betchay ang anim na taong gulang na batang babae na isa ng ulilang lubos.

"oo naman sigurado yun lalo pa't mababait at masunurin kayong mga bata, kaya naman kailangan matulog na kayo ngayon para bukas may energy kayo"

"sige po ate annia matutulog na kami, good night po ate..."

Tuloy na nag paalam sa akin ang mga bata. Tumayo naman ako at dumiretso sa opisina ni Tita amabel. Kumatok muna ako sa pintuan bago tuluyang pumasok napahawak ako sa aking ulo ng bigla akong mahilo. I put one hand on the wall habang papasok ako subalit hindi kinaya ng mga binti ko at tuluyan na akong bumigay narinig ko na lang ang malakas na tinig ni Tita amabel na tinatawag ko at nawalan na ako ng malay tao.

~

Tunog ng orasan ang namutawi sa aking pagising iniangat ko ang mga kamay at nakita kong may nakakabit sa aking swero sa kanang kamay. Naka dextrose ako? Did i really faint? May sakit ba ako? Natataranta akong tumayo ng bumukas ang pinto.

"Annia! Hija ayos ka na ba? Diyos ko! pinakaba mo ako hija, hindi mo alam kung gaano ako natakot ng mahimatay ka"

"o-okay na po ako Tita salamat po at sorry pinag alala po kita"

"ayos lang yun ano saan ang masakit wala ba ayos ka na ba talaga?"

"opo ayos na po ako, T-tita wala naman po akong matinding karamdaman di po ba?" nakakakabang tanong ko kay Tita Amabel

"wala ka namang talagang sakit hija natural lang daw talaga yan sa mga babaeng buntis na katulad mo" masayng aniya ni Tita Amabel

"po?" namingi yata ako. ano daw?

"sabi ko natural lang ang himatayin ka, natural dahil nag dadalang tao ka Annia hija"

"b-buntis po ako?" di makapaniwalang tanong ko

"Oo buntis ka mag dadalang buwan na, sabi ng doctor mukhang maliit ka lang daw magbuntis kaya hindi halata may sinulat siyang mga gatas at vitamins na kailangan mong inumin, teka lang annia at babalikan ko muna ang doctor mo para matanong ang mga ito" paalam ni Tita bago lumabas ng silid ko.

The CEO (LION HEART SERIES #1)Where stories live. Discover now