Wagwagin Ang Mga Dumi

100 1 0
                                    

Kaharap ko ngayon ang Boss ko sa café. Nagulat na lang ako dahil dalawa lang kami sa office niya ngayon. Hindi pa rin talaga ako naniniwalang crime buster si boss, kahit na may isang katana siya sa isang sulok at ako lang kaya ang unang nakapansin. Napansin ko rin na may vault sa likod ng painting. Paano ko nasabi? May uwang ang ikatlong sulok ng parisukat. Nakalimutan yatang ibaba ni Boss at hindi niya pa na-lock.

May kodigo kaming mga crime buster. Una na riyan ang katana, baril, bakal na arnis, at kung ano-ano pa bilang mga sandata. Kung hindi naman ang mga ito, pera.

May sarili kaming wika – Hindranésé ang tawag - pinaghalong Tagalog, Portuges, Espanyol, Pranses, Catalan at Ingles. Ang sintaks ay Tagalog at Espanyol, ang pagbuo naman ng mga salita ay hinango sa ibang wika pang natitira. Ang pagbasa ng mga salita ay pinaghalong Pranses at Portuges. Para subukan kung crime buster nga si Boss, nagsalita na lang ako sa wikang ito.

"Franquement magas tu."

"Verdat? Panú tu alamas nosso langué?"

Napangiti na lang ako.

"Huli ka, Boss."

Natawa na lang din siya at napahampas pa sa mesa niya.

"Buti na lang at napansin mo na rin, Aqui."

"Tagal ko na kasing napapansin ang vault mo at ang katana mong nakatago. Ibig sabihin ba nito ay Boss ka naming lahat nagtatrabaho sa lahat ng branch ng kapihang ito?"

"Parang gano'n na nga."

Umupo na lang ako at naramdaman kong akmang hahawakan ako ni Boss sa likod at walang ano-ano ay nabalibag ko siya.

Dilat na dilat lang ang mga mata niya. Uubo-ubo pa siya habang tumatayo.

"Wow! Wala ka pa ring kupas. Mabilis pa rin talaga ang reflexes mo," sabi niya habang tinatayo ko siya.

Winagwag ko na lang ang ulo ko dahil talagang sinusubukan ako ni Boss. Alam ko nang hindi pala ako nag-iisa. Ang pagpaparaktis ko ng aikido at arnis tuwing Sabado ay may mapupuntahan din pala.

"Boss. Ngayon ko lang napagtanto. Puro nga kami may background sa martial arts."

"Oo. Si Glen pa naman ay laking Provincia de Zamboan. Maganda ang sword mastery niya'n at lumaki sa Tatay niyang sniper. Kaya magaling din sa paghawak ng mga baril. Si Lola naman ay magaling sa kendo. Nag-master pa 'yan ng paggamit ng katana. Ikaw naman, ano pa ba ang mga alam mo bukod sa arnis at aikido?"

"Natuto rin po akong gumamit ng balisong, punyal, at arnis."

Nanlaki ang mga mata ni Boss. Waring gulat na gulat. Marahil at alam ng lahat na ako lang ang nakapagpahasa sa larangan ng paggamit ng mga maiikling sanda.

"Huwag mong sabihin na... ikaw ang nakasaksak sa dating comandante general na nahuling nanggahasa sa isang dalagitang na-kidnap sa Parque Citadino noon?"

Tumango na lang ako bilang tugon. Walang nakakaalam na ako 'yon. Sa gigil ko kasi noon ay gusto ko nang patayin ang heneral na 'yon. Niligtas ko ang dalagitang iyon at nakita ko namang maayos na ang buhay niya.

Dalawang taon na rin pala ang nakakalipas. Ngayon pa lang nalalaman ni boss ang mga sikreto ko.

"Gago ka, Aqui. Hindi ko alam 'yon."

"Boss, pailalim lang po tayo dapat bumira." Tatawa-tawa pa ako.

Nagtatawanan na lang kami ni Boss at bigla na lang pumasok sina Glen at Lola. Napansin nilang nagtatawanan na lang kaming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon