Gunita

22 2 0
                                        

Malungkot na tinahak ni Nhira ang lugar kung sa'n naihimlay ang kanyang yumaong ina.

Halos isang taon na rin nang mangyari ang malungkot nitong pagpanaw.

Mababakas sa kan'yang mapapait na mga ngiti ang animo'y kirot at lungkot na nadarama nito, sapagkat 'di parin n'ya matanggap na iniwan s'ya ng kanyang pinakamamahal na ina.

"Anak, h'wag kang mag-alala sa bagong lugar na pupuntahan natin ay 'di na tayo maghihiwalay pa kailanman, maniwala ka sa'kin."

"S-sa'n po ba 'yon nay?"

"Malalaman mo rin anak, mag hintay ka lang."

Saglit na sinariwa ni Nhira ang alaalang 'yon habang unti-unting umaagos ang kanyang mga luha.

"Nay, akala ko'y magsasama na tayo rito kailan man ngunit hindi pala. Akala ko mananatili tayong masaya dito tulad nang sinabi mo noon, pero nawala ka pa rin sakin. Nay, alam ko na magkikita tayong muli, hindi sa lupa at malayo na rin dito sa langit na ating naging pangalawang mundo. Nay, hintayin mo 'ko d'yan, mahal na mahal kita."

Random ShotsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora