Shey's Point of View
Hayyyyy! Ang sarap mag-unat. Buti nalang mamaya pa pasok ko. Sa ngayon, dakilang muchacha muna ako dito sa bahay. Makapaghilamos na nga. Mamaya diyan mabugahan na naman ako ng megaphone sa tenga. Huhu ang sakit kaya nun.
"Oh Shey may bago nga palang umuupa. Dun sa pangatlong kwarto sa 2nd floor. Bayad na yun ng down payment at ng unang renta niya. Papirmahin mo nalang siya dun sa notebook. Ayos?"
"Opo Tiyang." Hayy juicecolored! May bago na naman pala akong sisingilin buwan buwan. Sana naman maayos magbayad. Hirap pa man din ako sa Math.
"Wow! Ang sarap ng agahan. Hotdog na naman." kunwaring masaya na sabi ni Tan tan. Kahit naman anong gawin niya hotdog at hotdog pa rin ang magiging agahan namin. E yan lang ang meron sa ref ni Tiyang e.
"Nagrereklamo ka ba ha Tan-tan?" pagsusungit ni Tiyang. Lagot kang bata ka hahahaha.
"Ah hi-hindi po Tiyang. Bakit naman po ako magrereklamo e ang sarap sarap nga po nitong hotdog e." Sus! Pero deep inside sawa ka na diyan. Ayaw mo lang aminin kasi takot ka kay Tiyang. Hahahaha^_^
"Buti naman. Maraming batang nagugutom ngayon. Dapat magpasalamat ka pa na nakakakain ka ng masasarap na pagkain at tatlong beses sa isang araw." So yan po mga kapamilya, may SONA po sa ngayon dito sa hapag-kainan namin. Kasalukuyan pong nagsasabi ng kanyang words of wisdom ang aking dakilang Tiyahin.
"Tiyang oh si Ate pinagtatawanan ka po." Aba! Loko talaga 'tong si Tan-tan. Idamay daw ba ako?
"Hoy Shey! Kumain ka na nga lang ng kumain diyan. May pasok ka pa din mamaya diba?" pagtataray din sa akin ni Tiyang. Hayy nakarma yata ako.
"Eto na nga po Tiyang. Sige po tapos na po ako. Maliligo na po ako."
"Dalian mo. Maya-maya nandyan na ang service niyo ni Tan-tan."
Jinro's Point of View
Arayy! Grabe sakit ng ulo ko. Ganun ba kadami ang nainom ko kagabi para maging ganitong kalala ang hang over ko. Hay makapaghilamos na nga muna para naman mahimasmasan ako. Arggh! Ang sakit sakit talaga ng ulo ko. Bwiset!
Bakit ganon? Bakit ayaw bumukas ng pintuan nitong CR? Hayysst! Ang cheap naman yata nitong apartment na pinagdalhan sa akin ni JB. Sa first floor na nga lang ako maghahanap ng CR.
Yown! Buti nalang may kwarto dito. Sana naman hindi sira ang pintuan ng CR dito. Kailangan ko na talagang maghilamos at matanggal yung hang over ko. Hindi ako pwedeng pumasok ng ganito. Pagpasok ko sa loob, may nakita akong............ Babaeng nakatowel? Fudge kailangan kong umalis dito. Pero bakit parang nanigas ang mga paa ko?
"Aaaahhhh! Manyak! Bastos!" Fudge napansin niya ako. "Manyak ka! Lumabas ka dito!" Aray ko! Aray! Grabe naman 'tong babaeng 'to. Batuhin daw ba ako ng unan at kumot? Kulang nalang ibato niya pati yung kama at sofa.
"Wait Miss. Eto na lalabas na." Oh come on! Pati ba naman 'tong pintuan na 'to sira din? Hayysst!
"Hoy! Ano ayaw mo pang lumabas? Bastos ka talaga!"
"Miss maniwala ka. Hindi ko talaga sinasadyang pumasok dito basta."
"Jinro?" Teka kilala niya ako? Pero kilala ko din ang boses niya. Shey?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Dito ako nakatira no. Pagmamay-ari 'to ng tiyahin ko. E ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pasigaw niyang sabi.
"Nagrerenta ako dito. Bakit?"
"Ano?!" Wow! Ako din kaya hindi makapaniwala na sa iisang bahay lang tayo nakatira. Worst, tiyahin mo pa pala may-ari nito.
"So ano na? Bakit ba kasi sira lahat ng pintuan dito?" galit kong sabi. Nakakainis kasi!
"Hindi pa kasi napapagawa ng Tiya ko. Teka nga pala nagkakalimutan yata tayo. Wala ka bang nakita kanina? Wala kang nakita na bulubundukin ng Sierra Madre?" sabi niya habang nasa magkabilang dulo kami ng kwarto at magkatalikuran.
"Bulubundukin ng Sierra Madre? E wala nga akong nakitang kahit ano e. Baka kapatagan ang meron ka." pabulong kong sabi.
"Anong sinasabi mo?!"
"Wala. Sabi ko wala akong nakita. Baka ikaw. Nakita mo yung Minokawa ni Lakas."
"Kapal mo. Angry birds lang nakita ko."
"Tignan mo. Oh sino bastos sa ating dalawa ngayon?"
"Kasalanan ko bang Angry birds ang tatak ng boxers mo?"
"Kahit na. Tumingin ka pa rin. Tss."
"Ewan ko sayo. Hmmp!"
****
Thanks for reading this chapter. Hope you love it. Continue reading and watch out for the upcoming chapters. Love you guys :)
YOU ARE READING
Total Opposite
Teen FictionOpposite gender. Opposite attitude. Opposite characteristics. Opposite personality. Dalawang taong magkaiba ng ugali. Hindi magkasundo sa lahat ng bagay. Dakilang magkaribal. Ayaw na ayaw nilang magkasama. Ni ayaw magkita. Pero paano kung boto sa k...
