Chapter 1: First Trouble

146 5 2
                                        

[ Shiro's POV ]

" Shiro wake up! May pasok pa tayo! " sigaw ni Kuya habang kumakatok sa may pintuan

" Oo kuya! " aish nakakainis nabitin ako sa tulog ko, babawi na lang ako sa room mamaya.

Bumababa na ako sa dining room namin, nakita ko naman sina dad na kumakain na.

" Kain na anak, sabay na kayo ng Kuya Nidori mo. "  sabi ni dad tumango naman ako bilang sagot.

Pagkatapos naming kumain pumanik ulit ako sa kwarto ko para magbihis at kunin ang gamit ko.

" Buti naman naisipan mo pa bumaba. Bilisan mo na at sumakay ka na sa kotse ko dalian mo. " seryosong sabi sa akin ni Kuya kaya eto natakot ako kaya binilisan ko maglakad at sumakay na sa kotse niya.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe kami, paghinga lang namin ni Kuya ung naririnig ko. Hindi ko namalayan na nasa school na kami.

" Baba na Shiro, una ka na sa room mo puntahan na lang kita mamayang lunch. "

" Okay. " sagot ko at bumaba na sa kotse.

Gaya ng sinabi ni Kuya, pumunta na ako sa clasroom ko. Pero putspa, 4th floor ung room namin ni Kuya.

Kung nagtataka kayo kung sinabi ko na room namin well kambal kami pero mas matanda sya sa akin ang saya kambal tas mas matanda siya akin, very nice, very very nice.

Well back to the section thing, 12-HUMSS-3 ang aking section at HUMSS-2 naman kay Kuya.

Pumasok na ako sa room ko at nakita ko na agad ang aking kaibigan na nakaupo malapit sa may bintana habang nakaheadset at parang may binabasa.

" Huy, anong binabasa mo jan? " tanong ko sa kanya pagkaupo ko sa tabi niya.

" Ah wala to. Hehe. " sagot niya at tinabi ang headset niya sa bag.

" Oh sabi mo e. Pero alam mo, Grail namiss kita. " sabi ko sa kanya at inakap siya.

" Pa-pata-yin mo ata ako e. Makaakap ka jan e. Tss. "

" Sorry ikaw naman namiss lang kita. " sagot ko sa kanya at inakap siya ulit.

Nag-uusap kami ni Grail ng may dumating na tatlong mukang clown na mga babae sa room namin at naguusap sila tungkol sa kambal ko.

" Nakita niyo na ba si Zachary? Mygad ang gwapo niyaaaaaa talaga. " Girl 1

" Oo like omaygad he is so super gwapo, sana anakan niya ako. Bibigay ko talaga virginity ko sa kanya. Hihi " Girl 2

" Landi mo naman girl, pero may sasabihin ako sanyo. I think this is bad news for us e. So tutuloy ko pa ba? " Girl 3

" Ano ba un? " Girl 1 at 2

" May babaeng bumaba sa kotse niya kanina di ko nakita ung mukha pero eww mukang isda nakatalikod pa lang yan ah paano kaya pag humarap na. Yak. " Girl 3

" What? Totoo ba yan? Omaygad hoping na di girlfriend un ni Zach maygad eww. Zachary is mine only. " Girl 2

Pagkarinig ko ng mukang isda ung bumaba sa kotse ni kuya tumaas ang dugo ko mula paa hanggang ulo. Nakakapag-init ng ulo, gusto ko silang sapakin e.

Akmang tatayo na dapat ako ng pinigilan ako ni Grail.

" Hayaan mo na, " pagsaway niya sa akin at padabog akong umupo. Aish! Kainis di na ako sasakay sa kotse ni Kuya!

LUNCH BREAK

Hay salamat lunch break na! Gutom na kami ni Grail kaya dumiretso na kami sa canteen.

PK Academy - The Arihant TwinsStories to obsess over. Discover now