Paasa (one-shot)

1.1K 34 18
                                    

Hi po kay @KrungRi_Gizibe sya po kasi gumawa ng magandang cover ng one-shot na ito:)))))))) thankyou po ng marami. tapos natuwa pa ako kasi firstime nya daw gumawa ng ganyang style. yieehhhhhhh. yun lang!:))))))))))))) salamat po ulit. pagawa rin kayo ng cover sa kanya. galing eh. hahahah lol.

Paasa (one shot)

 **

Ako nga pala si Pearl Legaspi. Isang Grade9 student. isang simpleng estudyanteng may simpleng buhay. Nakakakain naman kami ng pamilya ko tatlong beses sa isang araw. Minsan nga sobra pa eh. Geometry ang subject namin ngayon. at tamad na tamad akong making sa teacher kong walang kasawa sawang nag didiscuss sa unahan.

nakakabagot. anong pake ko sa angles? Ray? line segment? sa mga points? pati sa polygons. magagamit ko ba yung angles kapag bumili ako sa tindahan? eh yung Ray? tss -.-

“MS LEGASPI GET YOUR ASS UP!” sigaw ng teacher ko. tindi noh? nakaranas na ba kayo ng ganyang teacher? partida catholic school pa to ah.

tumayo ako at inantay syang mag salita.

“What do you call a point that lies on the same plane?” tanong nito sa akin with matching taas pa ng kilay. ahitin ko yan eh!

“Coplanar, miss” tapos umupo na ako. echoserang teacher to, inirapan lang ako. dukutin ko mata nyan eh.

at Syempre dahil isa akong masipag na estudyante, hindi na ako nakinig sa kanya at tumungo na lang ako sa desk ko. inaantok ako. *yaawwwnnn* hanggang sa hindi ko nalamayang nakatulog na pala ako.

nagising lang ako dahil naramdaman kong may mabigat na bagay na nakapatok sa likod ko. bat ang bigat?  nilagyan ba ako ng maarte kong teacher sa geometry kanina kasi nahuli nya akong natutulog sa klase nya? tindi ah!

inangat ko yung ulo ko at nag-inat.  at doon ko napansin na hindi pala bato ang nakapatong sa likod ko kanina, kung hindi tao. at walang iba kung hindi si Gelo Herrera.

anong ginagawa nito sa likod ko? at ang pag kakaalam ko ay hindi ko naman katabi ito kanina nung natulog ako.

“Goodmorning Pearl!” sabi nya saakin.

“Morning ka dyan! tanghali na nga eh!” sigaw ko dito. pero nginisian nya lang ako.

“alam ko, pero diba yun yung sinsabi pag bagong gising yung isang tao? good morning! hehhe. kumain ka na?” tanong nya sa akin. parang baliw ang isang ito.

“kagigising ko lang diba? tsaka ngayon pa lang mag rerecess, oh. edi malang hindi pa ako kumakain” pag tataray ko dito. bigla naman syang sumimangot.

“taray naman nito. sabay na tayong kumain! wala ka namang kasabay diba?”

absent nga pala si keish ngayon, kaya wala akong kasabay kumain. epal kasi yun eh. laging absent.  hindi pa nga nakakakumpleto yan ng isang linggong walang absent eh.

Paasa (one-shot)Where stories live. Discover now