CHAPTER 2

4.7K 106 0
                                    

ASH

"Class dismissed."

"Ash, sabay sabay na tayo kumain. Okay lang naman sayo, diba?" Tanong ni trystan saakin ng nakangiti. Yung ngiting gustong gusto ng mga babae.Naku!Nagpa-cute pa ang loko. Sorry, di ko siya type eh. Masyadong babaero yung vibe niya.

"Of course, pero pwede bang mauna na muna kayo doon sa canteen? Aayusin ko pa kasi tong mga gamit ko." Sabi ko  at tinutuloy ang pagliligpit sa mga gamit ko sa lamesa.

Wala naman sigurong masama kung sa kanila muna ako sasabay ngayon diba? Wala pa naman akong nababasang batas na pinagbabawal ang magaganda na sumabay sa mga tukmol na kagaya nila eh. Atsaka baka ngayon lang din naman toh. Hindi na naman ako sasabay sa kanila sa susunod kapag may nakilala at naging kaibigan na ako dito sa eskwelahan na to.

"Nah, We'll stay. We can wait for you." Hunter stated as he sat down on an empty chair.

"You sure? Baka matagalan pa ko. Mabobored lang kayo." Sabi ko sa mga ito.

Nakakahiya namang pag intayin sila. Ako na nga itong sasabay sa kanila tas sila pa mag a-adjust. Pa prinsesa naman masyado. Pa special amp. Kahit alam kong may mga saltik yang mga yan hindi ko pa din silang pwedeng pag intayin. Lalo na't kakakilala pa lang namin sa  isa't isa.

"Yeah, Take your time." I stopped for a second and looked at them.

Those three Weirdos are all deeply staring right at me. Mukha silang na hypnotize. Nakakatakot. Mga baliw talaga. Huhu. Dad saan mo ba ako dinala ha?

"What?" Tanong ni hunter ng mapansin niyang naka-tingin din ako sa kanila.

"Wag mo kong I-what what diyan ah. Kayo nga tong titig na titig saakin eh." Reklamo ko sa mga ito at pinagpatuloy nalang ang pag aayos.

"Di naman." Rinig kong sabi ni trystan.

Tumingala ako at tinignan sila.

"Ano ba! Tigilan niyo nga ang pagtingin saakin, nakaka-bother eh." Aniya ko at mas binilisan ang pag kilos. Better be fast. Nakakapangilabot na yung tingin nila eh. Parang kakainin nila ako ng buhay. Wag naman sana. Ayoko machop-chop ng mababaho nilang ngipin.

"Nakaka-bother? Nako-concious ka? Samin? Weh?Di nga?" mapang-asar na mga tanong ni trystan saakin.

"Hoy hindi ah! Bat naman ako mako-concious sa inyo? Wala naman akong dumi sa mukha or what. At Fyi lang ha, etong mukha kong to? Maganda naman talaga at kaaya aya talagang tignan. Yang pagmumukha mo lang naman trystan ang hinde." Tawa ko pa dito.

"Self confidence mo ah, Ang taas! Di na reach ng height ko." Medyo natawa ako sa sinabi ni trystan. Hindi kasi siya kasing tangkad ng dalawang kaibigan niya pero hindi din naman siya pandak kasi sakto lang yung height niya para sa isang lalaki.

"Bakit di ba totoo?" I asked them.

Sabihin niyong hindi, Makakatikim talaga kayong tatlo saakin. Syempre yung dalawa sapak, Yung isa naman kiss. Chour.

"Hinde." Trystan.

"Anong hinde!"

"Totoo." Otomatikong napatingin ako kay yelo ng marinig ko ang sinabi niya.

"Sabi ko na nga ba may gusto ka saakin eh! Kaya ka siguro napa-tulala kanina noh? Yiee likey niya ko."asar ko dito sabay may pasundot sundot pa ng tagiliran niya. Wala lang ang sarap niya lang asarin. Nakakatawa kasi yung reaction ng mukha niya eh.

"Sabi ko totoo..Totoong hindi ka maganda." Sabi nito.

"Kainis ka yelo!" Singhal ko dito at binatukan siya.

Conflicted RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon