Chapter 27: The Vault

Start from the beginning
                                    

Nagbabadya na naman ang luha ni Niccolo dahil nakain ni Avery yung tinapay na para sana sa kanya na nagkataong binigay pa ng crush niya. Nakakaiyak nga naman yun.

"Hala! Ate! Bakit mo kinain eh para kay Niccolo yun." Gulat na gulat na saad ni Amber sa ate niya.

"Gusto ko pa eh. Nagugutom kasi ako." Simpleng sagot ni Avery habang nakangisi. Ibang klaseng bata to. May pinagmanahan.

Naiyak na ng tuluyan si Niccolo at tumakbo palapit kay Eliza na nakaupo kasama nila. Inalo naman ni Eliza si Niccolo.

"Sssh. Don't cry na Niccolo. Tita will bake lots of breads later okey? Stop crying na." Saad ni Eliza habang tinatapik-tapik yung likod ng bata.

Ayaw matigil ni Niccolo sa pag-iyak. Anak naman kasi ng kagang tong si Avery. May pinagmanahan talaga sa kasamaan ng ugali. Medyo nagmana sa ina.

Tumayo si Amber mula sa pagkakaupo sa sahig saka lumapit kay Niccolo at humalik sa pisngi nito. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Avery.

Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko nanunuod ako ng isang teleserye kung saan silang tatlo ang bida. Haha! Pumi-PBB Teens lang eh.

At dahil nakaiskor si inaanak sa crush niya, ayun at napatigil ulit siya sa pag-iyak at namula na naman ang mukha.

"Don't cry na Niccolo. Mommy always kiss us whenever we cry. It always helped us to make us feel better." Nakangiting wika ni Amber kay Niccolo. "Hope I also helped to make you feel better."

Speechless na naman ang lolo niyo. Wala na naman siyang masabi.

Ang lakas ng tama ng batang to kay Amber. Ewan ko lang kung hindi atakihin sa puso ang tatay niyang si Amber kapag nalamang may umaaligid na sa anak niya. Baka mapasugod pa ng balik dito sa Subic yan kapag nagkataon. Haha!

Andrew's POV

Dumiretso ako dito sa dating mansyon na tinitirahan namin matapos ang pag-uusap namin ni Yexel.

S67G09H23

Yan ang nakasulat sa papel na binigay ni Yexel kanina. Mabuti na lang at hindi pa nabebenta ang mansyon na to.

Isa kasi to sa mga properties ng pamilya na plano ng ibenta dahil hindi na rin naman napapakinabangan. Akala ko nakahanap na ng buyer si attorney pero natuwa ako nang sabihin niyang wala pang nakakabili nito.

Agad akong dumiretso dito sa loob ng dating kwarto ng lolo. Marami ng alikabok at agiw sa kwarto. Inalis ko ang mga kumot na nakatakip sa mga gamit na nasa loob.

Tinignan ko ang bawat drawer, closet, divider at mga table na maaring mapaglagyan ng vault pero wala akong nakitang vault maski isa.

Susuko na sana ako dahil sa pagod. Inaatake na rin ako ng hika dala ng maraming alikabok dito sa kwarto. Napasandal ako sa bookshelf na nandito din sa kwarto ni Lolo.

Laking gukat ko ng biglang gumalaw ang isang bahagi ng wooden floor ng kwarto. Yung bahagi ng wooden floor na katabi ng closet.

Kabadong sinilip ko ang butas na binaksan ng wooden floor.

"Hagdan?" naiusal ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang hagdan pababa na hindi ko alam kung saan patungo.

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Gamit ang cellphone ko bilang flashlight, tinahak ko ang daan pababa sa matarik na hagdang yun. Matarik dahil sobrang taas ng hagdan ngunit sobrang liit ng apakan.

Nang makarating ako sa baba, bumungad sa akin ang isang malaking family portrait. Mas malaki pa nga sa akin ang portrait na iyon.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng portrait at tinutok doon ang cellphone ko para makita ang mga nasa portrait. Gamit ang kamay ko, pinunasan ko ang ilang alikabok na naroon para mas maging malinaw ang mga imahe na naroon.

Kilala ko ang ilan sa mga nasa portrait. It was my mom, my dad, the baby me and lolo with an unfamiliar girl. Sigurado akong hindi ito ang lola dahil nakita ko na ang lola ko noon at sigurado akong hindi siya mestiza kataliwas ng nasa portrait na ito.

Luminga-linga pa ako at sinubukang hanapin ang sinasabing vault ni Yexel pero imbes na vault. Isang kinakalawang na malaking metal door ang nakita ko.

May pindutan sa gitna ng metal door. Doon ko ininsert ang sinasabi ni Yexel na password na nakalagay sa papel. Ilang segundo ang lumipas at automatikong bumukas ang steel door.

Isang maliwanag na kwarto ang nasa likod niyon. Mistula itong maliit na opisina pero may kama.

Lumapit ako sa lumang mesa na naroon. May tatlong notebook na naroon at ilang litrato. Pinagpagan ko ang alikabok na nasa litrato at nagitla ako sa nakita ko.

It was daddy Frost, mommy Solenn, Athena and Solenn's grandfather, Fire.

Mas ikinagulat kong makita na ang babaeng kasama namin kanina sa family portrait ay kasama rin sa litrato ng pamilya nila Athena.

What's really going on with this family? Anong meron sa babaeng kasama namin sa litrato?

Sinipat ko pa ng tingin ang ilang lumang litrato at nakita ko ang isang litrato ni Fire at noong babaeng kasama din namin sa portrait.

Our love will never die. It will always be blazing just like a fire.

I love you always Blaze Santillan. Now and Forever.

Blaze Santillan? Sa tingin ko yun ang pangalan nung babae. Kung isa siyang Santillan, malamang kapatid siya ng lolo.

Ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa paligid. Kinuha ko na rin ang mga notebook na nasa mesa kasama na ang mga litrato para mapag-aralan ang mga iyon. Malamang kapag tinanong ko si Athena, baka may makuha akong sagot sa kanya. Malamang kilala ng mga magulang niya si Blaze Santillan.

Papalabas na sana ako ng maisipan kong lumapit sa mismong kama ngunit laking gulat ko kung anong nakita ko sa kama.

Isang bangkay.

Hindi ko malaman kung bangkay ito ng babae o ng lalake dahil sobrang nabubulok na ito. May konti pang laman laman dala marahil ng hindi naman nakakapasok ang hangin sa silid na ito kaya natagalan ang decomposition ng bangkay pero kahit na ganun, hindi mo pa rin makikilala kung sino ang bangkay na ito.

Aalis na sana ako ng mahagip ng paningin ko ang suot na kwintas noong bangkay.

Agad kong kinuha ang litratong inipit ko sa notebook at tinignan iyon.

Tama ang pagkakatanda ko. A four-leaf clover pendant covered with diamonds.

Ang nakahiga sa kamang to ay walang iba kundi si ...





Blaze Santillan.

A/N: Hoping for another set of updates later. Hoping talaga kasi baka hindi ko na naman matapos eh. Hahaha! Icomment ang hinala sa mangyayari sa susunod na update! Paano makakaapekto ang rebelasyon sa susunod na chapters sa buhay ni Athena at ni Andrew?

Mr. and Mrs. Gangster BossWhere stories live. Discover now