Chapter 4: Fallen hearts, ill fated life

Start from the beginning
                                    

"It's just that, napamahal na 'ko sa lahat ng librong nabasa ko kaya wala akong naging favorite sa kanila. Lahat, pantay-pantay. Para sa'kin kasi, pag mahal mo ang isang bagay, mag-iiwan 'yon ng malaking impact sayo. I mean, kahit 'yong pinaka-unang novel na nabasa ko, natatandaan ko pa ang ilang details sa story. Kahit 'yong book na hindi ko masyadong gusto ang genre, natatandaan ko pa hanggang ngayon ang ilang part, 'cause I enjoy ending, I love reading. And whenever I read, nag-iiwan ang mga librong nababasa ko ng impact sa'kin."

"Wow, lalim no'n. Ganyan ba ang nagagawa ng mga libro sa'yo?" Natatawa niyang tanong.

"Baliw! Maiintindihan mo rin ako kapag naging hobby mo ang pagbabasa."

"Pfft. I do love reading books."

"Wow, talaga? So, ikaw? Ano ang favorite novel mo?"

"Well, wala rin akong favorite novel pero unlike you, ako, after I read the book, dinodonate ko na 'yon at ipinamimigay sa iba."

Poor books..

Paano na lang kapag hindi sila inalagaan ng maayos?

"Huy, ba't nakasimangot ka d'yan?" Natatawang aniya.

"Naisip ko lang kasi, nakakapagbasa tayo ng kahit ano'ng libro na gustohin nating basahin, pero pa'no naman 'yong ibang tao na gustong-gusto magbasa ng libro na sulat pa ng paborito nilang manunulat pero hindi nila mabili?"

"W-Well, point taken."

"Kaya imbes na kolektahin sila, dinodonate ko na lang."

"Hmp! Kahit may point ka, hindi ko pa rin ipapamigay 'tong mga baby ko." Niyakap ko 'yong librong nahawakan ko.

"Hahaha. Para kang bata."

"Hoy, teka! Akala ko ba wala kang naaalala?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Oo nga." Sagot lang niya.

"P-Pero!-"

"Wala nga akong naaalala but I said I do remember na dito ako nag-aral. May naaalala ako tungkol sa'kin pero malabo."

"Kung i-untog na lang kaya kita para may maalala ka?" Seryoso kong suwesyon.

Nag-aalala kasi talaga ako sa kaniya.

"I-untog? Ang brutal mo ha?"

"Yon kasi ang napapanood at minsan ay nababasa ko. Kapag walang maalala ang isang tao tapos nauntog siya, after no'n babalik na ang ala-ala niya. So, why not? 'di ba? Try lang natin. Hihi." Lumapit ako sa kaniya.

"H-High ka ba?-Jilliaaaan!" Tumakbo siya nang akma kong hahawakan siya sa ulo para i-untog.

Pero mabilis ang mokong!

Ang ending, puro lang kami habulan.

Ang nababasa ko sa mga libro, babae ang hinahabol at lalaki ang humahabol. Tapos kapag na-corner na no'ng guy 'yong babae, magkakatitigan sila tapos i-kikiss ni guy 'yong female lead!

Pero ngayon ako ang humahabol kay Edmund, but not in a romantic way. Hinahabol ko lang naman siya para i-untog sa pader.

Natawa ako sa naisip.

Hinabol ko si Edmund hanggang sa ma-trap siya sa C.R.

"Hahaha! T-Tama na, Jill! Suko na 'kooo." Sabi niya habang nakataas ang parehong kamay.

"Nakakapagod!" Reklamo ko at pabagsak na humiga sa kama. "Ang bilis mo tumakbo, letse ka!"

"Hahaha. You're fault." Humiga siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang ulo niya sa kamay niya at ginawang patungan 'yon. Nakahiga siya habang nakaharap sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Love Untold (On Going)Where stories live. Discover now