Chapter 1

15.7K 257 45
                                    

HINDI na makapaghintay si Lourd na makita ang babaeng kanyang mapapangasawa. Naghahanda ang lahat sa pagdating ng dalaga sapagkat sakanilang mansyon gaganapin ang kaarawan nito.

Ngayon din ang unang beses na makikita niya ang dalaga. Bata pa lamang si Lourd ay alam niya na, na darating ang araw na ito. Ang araw kung saan magtatagpo silang dalawa, silang mga itinakda. Ayon sa propesiya, dapat lamang na magkita ang dalawa sa oras na sumapit ang ika dalawampu't isang kaarawan ng lalaki at ika labing walo naman na kaarawan ng babae.

Ayon din sa propesiya, isang halik ang dapat na maganap upang ang pagtatagpo ay magkaroon ng bisa. Hindi lang iyon, isang buwan pagkatapos ng pagtatagpo ay dapat nang maganap ang kasal, at sa unang beses na pagtatalik nila ay magaganap ang isang di pangkaraniwang pangyayari..

ANG PAG KULAY ASUL NG BUWAN

Isang senyales na ang kahuli-hulihang bampira at kahuli-hulihang propeta ay pormal nang naging isa.

Napapikit si Lourd ng biglang malanghap niya ang kakaibang amoy na iyon..

NAKAKAUHAW

NAKAKAGIGIL

NAKAKATAKAM

Naririnig niya ang paparating na sasakyan na mga halos limang kilometro ang layo mula sakanilang mansyon. Minulat niya ang kanyang mata, mukhang iyon na ang dalagang matagal niya nang hinihintay.

Natapos na siya sa pagbibihis, isang dark blue long sleeve na tinupi niya hanggang siko ang suot niya, tinernuhan niya ito ng isang itim na jeans.

Isang pormal na kasiyahan ang inihanda ng kanyang pamilya para sakanyang mapapangasawa. Nakagat niya ulit ang kanyang labi nang marinig niya ang paghinto ng isang sasakyan, maging ang tunog ng pagtapak sa lupa ng taong dumating ay rinig niya rin. Mas lumakas sa kanyang pang amoy ang nakakaliyong amoy na mukhang nanggagaling sa dalaga. Tiningnan niya ang sarili sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Magandang gabi po."

Rinig niyang sabi ng isang babaeng may malambing na boses habang pababa siya sa hagdan. Isang maputi na may di katangkaran na babae at may mahabang paalon alon na buhok ang nakatalikod sa direksyon niya. Nakasuot ito ng isang kulay pulang bestida na umaabot lamang hanggang taas ng tuhod nito.

Eksaktong nakalapit na siya dito at sakanyang amang kausap nito nang lumingon ito sa direksyon niya. Parang napako siya sakanyang kinatatayuan sa nakita. Napaka amo ng mukha nito, para itong isang anghel na bumaba sa lupa para ibigay sakanya. Nagkatitigan sila at awtomatikong naramdaman niya ang pag bilis ng tibok ng puso nito.

"Halina kayong tatlo at kumain na muna tayo."

Napaiwas siya ng tingin sa dalaga nang tawagin na sila para kumain.

NAGKAKASIYAHAN pa rin sa baba nang mapag desisyunan niyang makapag sarili sila ng dalaga. Dinala niya ito sa balkonahe ng kanyang kwarto, nakatayo lamang sila pareho habang nakatingin sa maliwanag na kalangitan.

"Anong pangalan mo?"

Basag niya sa katahimikan. Pinipigilan niya ang kanyang sarili na mapapikit at makagat ang labi dahil sa nalalanghap niyang amoy ng dalaga.

"Yna Isabelle Orzales. Ikaw?"

Malambing na sagot nito sakanya, napatingin tuloy siya dito. Nabigla siya nang matagpuan niyang nakatingin pala ito sakanya.

"Lourd Marcus Ricafrente."

Sagot niya naman dito ngunit hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa nito.

My Innocent WifeWhere stories live. Discover now