Magkano Ka Ba?

776 1 0
                                    

"Magkano ka ba?"


Magkano ka nga ba talaga? Sabi ni tatay, ang mga kababaihan ay parang isang ginto, ang mahal ng halaga. Sabi pa nga niya'y "kung ikaw ay may halaga, magsuot ka ng naaayon sa tama". Akoy nalilito sapagkat kahit saan ako tumitingin, maninipis na tela at maiikling kasuotan ang aking nakikitang suot ng kababaihan. Ibig bang sabihin nito'y wala na silang halaga?


Ang pera kung malaki ang halaga, itinatago. Ganoon din tayong mga kababaihan, kung mas marami ang ating naitatago, mas malaki rin ang halaga ng ating katauhan. Kung mas marami naman ang ating naipapakita, mas lumiliit naman ang halaga ng ating pagkatao. Kaya't kung ikaw ay may pagpapahalaga sa iyong sarili, pakinggan mo si tatay. 


Huwag kang magsuot ng naaayon lamang sa uso, dahil ang tunay na may pagpapahalaga mas pinapahalagahan muna ang sariling pagkatao.

My WritingsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang