She's Crazy In Love

Start from the beginning
                                    

"Sige, pakilagay na lang dyan. Salamat." sabi ko habang umuupo mula sa pagkakahiga sa kama.

Nginitian niya lang ako.

Sinimulan ko nang kainin ang pagkain. "Ikaw, kumain ka na ba?" tanong ko. Tumango lang siya.

"Oh ano, tutunganga ka lang dyan at papanuorin akong kumain?" i said jokingly.

"Hahaha kaw talaga! Naisip ko lang.. bakit mo iniisip na walang nagmamahal sayo eh nandyan naman ang mga pamilya mo. Saka sabi mo marami naman ibang nanliligaw sayo ah? Bakit di na lang sila?" muntik na ko mabulunan sa sinasabi nito. Bakit nya kasi iniisip yun?

"Ewan. Baliw na yata talaga ako.. HAHAHAHA!"

"Kanino? Kay Ry? siguro nga, baliw ka na talaga! HAHAHAHAHA!" sabi niya at tumabi sa akin habang tawa pa rin ng tawa. Ibang klase talaga tong nurse kong to! The best. Parang bestfriend ko na rin siya..

Nagtawanan lang kami. Ganito kami ag nag-uusap. Napapagaan niya ang pakiramdam ko. Feeling ko close na close na kami kahit sa maiksing panahon pa lang kami nagsasama. Buti pa siya, naiintindihan ako.

Siguro nagtataka kayo kung sino si Ry 'no? Sige na nga, sasabihin ko na.

Si Ry Fuentes.. ay yung lalaking 'yon. Yung minahal ko, yung pinaasa ako, yung sinaktan ako.. at yung dahilan kung bakit ako nandirito. Crush ko siya since then.. hanggang nag transform ang crush na yun sa love.

"Alam mo, 'wag mo nang isipin 'yang mga problema mo. Nandiyan naman sina Elmo at Pao.." pahabol na asar ni Shen. Ang kulit talaga nitong nurse ko na to! Porket alam nya na yata buong buhay ko eh. Sa araw araw ko ba naman itong kausapin.

"Tse! Tumigil ka nga dyan. Trip mo ko?" pagbibiro ko. And then I smirked.

Oh.. si Pao at Elmo? Gusto niyo silang makilala? Wag na.. di na kailangan.

Pero gusto niyo talaga makilala? Pilitin niyo muna ko! Chos lang. Sige na, sige na..

Si Elmo Santiago is a friend of mine. Niligawan niya ko dati.. hanggang ngayon din naman. Matagal na kaming magkakilala. Dati, di na siya nagpaparamdaman. Tapos.. bumalik din naman ngayon.

Si Pao Montenegro.. is also a friend of mine. Uhm, nanliligaw din siya sakin. Lagi siyang tumatawag sakin. Binibigyan ako ng regalo. Siguro, one year na nya yun ginagawa. Mas close kami ni Pao kaysa kay Elmo.

Hay.. namimiss ko na ang mga kaibigan ko. Di man lang mag-abalang dumalaw sakin. Siguro nag-iba na ang pagtingin nila sakin nang malaman nilang nandito ako sa mental hospital ngayon... Tsk.

Bakit nga ba ako nandito? Ganito kasi yon.. nagtangka akong magpakamatay. Lagi ko na lang nilulunod ang sarili ko sa alak at madalang na akong pumasok nang malaman kong ginamit lang ako ni Ry at naging sila ni Kim. Sinubukan 'kong mag overdose nang gamot pero nasugod agad ako sa ospital kaya eto ako ngayon, nasa mental. Lahat ba ng nagtatangkang magpakamatay, baliw? Ang tatanga ng mga doctor! Tapos di rin ako pinagtanggol ng pamilya ko, para daw ito sa ikabubuti ko. Tss, I'm perfectly fine! I. am. not. crazy.

"Hoy! Kanina ka pa nakatulala dyan!" Shen shouted. then I came back to my senses. "Ano na naman bang iniisip mo? Siguro yung mga masugid na manliligaw mo no? Sus, namention ko lang eh naalala mo naman. Hahahaha!" dagdag pa niya. Hala ano ba to? Mind reader? Creepy.

"Ah! H-hinde no! Psh kaw talaga." sagot ko tapos binatukan ko siya ng pabiro.

"Asus! Kunwari ka pa. Oh ano? Ano gusto mong gawin ngayong araw?"

"Ano pa nga ba?"

"Tara?" sabi niya at hinila ako palabas.

Pumunta kami sa may garden. Dito lang kami laging nakatambay. Sariwa ang hangin. Maingay kasi sa loob, mga tunay na baliw ang mga nandun. Dito kami sa garden madalas magkwentuhan. Pag wala nang mapagkwentuhan, tutunganga na lang. Ang boring pag ganun, buti nga di pa ko natuluyang mabaliw ng totoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KathNiel One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now