Why would I need that anyway?

Hindi ko rin naman maintindihan ang showbiz. Seems like a new world to me. Noon ay nanunuod lamang ako sa mga artista, ngayon ay kasabayan ko ng ang iilan sa kanila. Not an actress, though.

Huminto ang elevator. Akala ko ay nasa designated floor na ako dahil tumunog iyon ngunit nang tingnan ko naman sa itaas kung nasaang floor na ako ay nasa 3rd floor pa lang naman.

Natigilan ako nang may pumasok. Isang lalaki na matangkad at nakahooded jacket. He was also wearing dark shades to hide his eyes. Hindi ko masyadong pinagtuonan iyon ng pansin dahil nga wala naman akong pakialam. He just stood beside me while still hiding his face under that dark hoody jacket.

Nagsimula siyang magsalita ngunit alam kong hindi direkta sa akin. I heard his baritone voice. Sa tono ng pananalita ay mukhang inis na inis na sa kausap.

“Shut up Draco. I’m already in the elevator. If you want you can fetch me so that you could calm your ass.” Aniya at mahinang natawa. Napaismid ako at napatingin sa repleksyon ko.

Laking gulat ko na doon din pala siya nakatingin kaya napalunok ako at umiwas ng tingin. He did not said something but I can hear voice on the other line. Sa sobrang lapit niya ay rinig ko na ang galit na tonong nanggagaling doon.

Huminto ang elevator sa floor kung saan ako bababa. Inayos ko ang aking pagkakatayo bago lumakad palabas ng elevator. To my surprise, the guy followed me outside. Natigilan ako at napasinghap. Hindi naman siya mukhang magnanakaw kaya naman kumalma ako ng kaunti. Baka artista? Their usual get up for disguise are hoody jackets and shades to hide their face. At isa pa, I don’t think the security would let him in if he’s suspicious, right?

Pumasok ako sa kwartong sinabi sa akin ni Lia. Most of them turned their heads on the door when I entered. Nagulat ako dahil mga make up artists ang nandoon at nandoon din si Lia.

“Hey, Chef!”  tawag niya at tumayo. She’s doing her retouch but she left it just to approach me. Ngumiti ako at bumati sa iilan. Ang iba ay nagtataka kung sino ako at may iilan na kumukuha ng kanilang cellphone para kumuha ng litrato.

“Wow! You look fabulous!” komento ni Lia habang iniikutan ako sabay pasada ng tingin sa aking suot.

“Anyway, we need you to get some retouch for your face. May namumuo ng pawis sa noo mo so just a little powder then I’ll tell you about the program.”

“Okay.” Tugon ko at iginiya agad ako ng isang stylist sa isang upuan.

Lia explained about the program. Napanuod ko na ang programa dati kaya naman kahit papaano’y aware ako sa magaganap. I’ll do some chitchat with her and then dahil nga sa propesyon ko ay kailangan kong magshare ng aking experience by cooking them a special meal that had been part of my routine.
We did that for thirty minutes bago kami tinawag ng direktor ng programa. I was with Lia when we entered the studio.

Nasa likuran ako at naunang lumabas si Lia nang tawagin na siya bilang host ng programa. Sumilip ako para tingnan ang mga taong nandoon. Napuno ang studio at iilan ay may dala pang banner. Siguro ay may susunod na mga guest para sa akin dahil hindi naman ako nage-expect na may magtataas ng banner sa akin.

“...she’s exceptionally beautiful, smart and diligent. With her hardworks, she achieved many things and one of it was being on the Asia’s Best Female Chef. Mga kaibigan, hindi ko na po patatagalin ito. Let us all welcome, Chef Nuraya Gomez!”

And that was my cue to appear. May nagpalakpakan at nagsigawan. Hindi ko alam kung kilala ba nila ako o nagagalak lang sila dahil sa pagpapakilala sa akin. Either way, I waved my hand and smiled. Nang maupo ako sa katapat na sofa malapit kay Lia ay nginitian ko siya.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon