One Shot❤

3.3K 36 15
                                    

"Vince!"

Tawag ko habang papalapit ako sakanya.

Break na namin kaya naman napagdesisyonan kong pumunta sa canteen. Papunta na sana ako ng makita ko si Vince kaya naman tinawag ko siya.

Papalapit palang ako ay alam ko nang hindi siya sa akin nakatingin. Tinawag ko na nga hindi man lang niya ako matapunan ng tingin.

"Hoy!"

Sabi ko at hinampas siya sa balikat.

Tumingin siya sa akin at tinanguhan lang ako at bumalik ulit sa tinitingnan niya.

"Sino ba yang tinitingnan mo?Ha?" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot , nakatingin parin siya sa isang babae na baka nga gusto niya.

Tiningnan ko naman yung babae at nakita kong nagkukulitan sila nung kaibigan niya. Siya si Jenny, ang babaeng gusto ng taong gusto ko.

Kilalang kilala ko talaga yang si Jenny.

Pwede ko na nga gawan ng Biography yung buhay niya. Eh sa tuwing naguusap kami ni Vince ay laging nasisingit si Jenny sa usapan.

Ang katabi ko ngayon ay si Vince Herrera.Ang bestfriend ko slash ang taong gusto ko. Tahimik naman talaga yan eh pero ang daldal pag si Jenny na ang topic.

Sobrang sakit para sa akin na tuwing nag uusap kami ay laging nakay Yumi ang paningin niya, ang utak niya at ang puso niya.Ang magagawa ko ang naman ay ang maging masaya para sakanya dahil nahanap niya na ang taong magpapasaya sakanya. At obviously. Hindi ako yun.

"Vaaaan!" Tawag niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Canteen tayo?"

"Tinatamad ako."

"Libre ko."

"Ohh sige let's go!Hahaha."

Napailing nalang si Vince dahil dun sa sinabi ko.

At naglakad na kami papuntang Canteen. Pero bago kami makalayo ay sumulyap pa si Vince kay Jenny.

"Ako nalang kaya ang tignan mo" Sabi ko.

"Ha?" Tanong niya.

At nasabi ko na bang manhid siya? Oh ayan. Nasabi ko na.

"Wala"

- - -

"Gusto mo ba siya?" tanong sa akin ni Jenny.

Si Jenny, yung babaeng gusto ni Vince at yung babaeng nagpapasaya kay Vince.

Magkaibigan kami.

Hindi pala, bestfriend din kami.

"Halata mo na ba?"

Sarkastikong tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa isang Coffee Shop kasi gusto niya akong kausapin.

Simula nang malaman kong may gusto sakanya si Vince ay medyo umiwas na din ako. Pero hindi ko rin maalis na tuwing kaharap ko siya ang una kong naiisip ay siya pala yung babaeng mahal ni Vince.

"Nasabi mo na ba sakanya?"

"Paano ko masasabi eh laging ilaw ang nakikita niya?"

Bitch na sabi ko at parang nagulat naman siya.

Napabuntong-hininga nalang ako "Sorry" mahinang sabi ko sakanya. Naiinis kasi ako sa tuwing maiisip ko na gusto siya ni Vince, pero alam kong mali yun dahil wala naman akong karapatan.

My Sawi Story (One Shot)Where stories live. Discover now