Author's note: mga momsh. Enjoyin lang natin tas pag marami kayo time comment comment lang babasahin ko.
-🌥🌥🌥
Baekhyun as Badong
Chanyeol as Caloy
😂
"Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?
tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo
di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko"
Awit ni Chanyeol o mas kilala bilang tambay na si Caloy sabay tugtog ng gitara niya sa labas ng BAEKERI Bakery
"tigil tigilan mo nayan Caloy. Di na uubra sakin yang harana harana nayan. Manghihingi ka nanaman ng libreng tinapay dito sa bakery"
Ika ni Baekhyun aka Badong, ang matalik na kaibigan ni Caloy ng higit isang dekada na.
"pero pag si Kasper todo bigay ka may pa bring home pa"
"Caloy, kasi yun boypren ko yun."
"Badong sakit nun ha! Boypren morin naman ako."
"OO KALOY. LALAKING KAIBIGAN. Si Kasper lalaking kasintahan .."
Pasigaw na sabi ni Badong
"kung di ka kasi torpe..."
Pabulong naman ang pagkasabi ni Badong sa sumunod niyang linya.
"Anong sabi mo Badong?"
Tanong ni Caloy dahil hindi niya masyadong narinig ang huling linya nasinabe ni Badong.
"Wala Caloy. Sabi ko maghanap ka na ng shota.
Tamang tama. Pasukan na sa susunod na linggo. Total magaling kang mambola"
Tiningnan ni Caloy si Badong ng seryoso. Sabay binaliktad ang sumbrero neto.
"Pero may shota na yung dapat shoshotain ko Badong"
Seryoso ang pagkasabi ni Caloy
"E di hintayin mo sila mag break"
"sige. Hihintayin ko mag break kayo ni Kasper, Badong"
Ilang sigundong katahimikan...
Nagkatitigan si Caloy at Badong ng ilang sigundo. Bago binasag ni Badong ang nakakabinging katahimikan.
"Caloy pinagtitripan mo nanaman ako. Hanap ka nga ng ibang maaasar mo. Para namang tanga "
Sabay irap
Nagulat din si Caloy sa sinabi niya. Nanlaki ang mata nito pero kalaunay ngumisi din ang mapang asar na matalik na kaibigan ni Badong.
Tumawa ng malakas si Caloy sabay sabi
"HAHAHAHHA ANAK NG P.. HAHAHHAHA NAMULA KA BADONG E. MUKHA MO. NATAKOT KABA? KABADO KA E. GAGO. YUNG MUKHA MO E. PARA KANG NA SCAM"
Tawa eto ng tawa na humawak pa sa tyan.
Napakunot naman ng noo ni Badong.
"GAGO KA CALOY. Namula ako sa inis sayo. Umalis ka nga dito. Nawawalan kami customer e"
Galit na pagkasabi ni Badong.
"Hi Caloy"
Sabi ng mga babaeng napadaan sa bakery. Tatlong mga dalagita ang nagpapapansin kay Caloy. Mga taga kabilang street na talagang dinayo pa si Caloy... O sige sabihin na natin yung tinapay nila Badong.
"Hello. Bibili kayo tinapay? Masarap dito sa Baekeri bakery"
Ika ni Caloy. Magaling nga tong mambola tulad ng sinabe ni Badong.
"Basta ikaw nag recommend alam namin masarap. Bibili kami"
Sabay ngisi kay Caloy. Halatang kinikilig ang mga eto.
Napairap si Badong sa landiang nangyayari sa harap niya.
Pero inasikaso parin ang mga gustong bilhin ng mga Babae.
"alis na kami Caloy"
"sige ingat"
Ika ni Caloy na may pag babye pa.
Pagkaalis ng mga ito agad namang nagbigay ng kumento si Caloy
"Badong pano ba yan..ako talaga nagpaparami customer niyo e"
Pang aasar ni Caloy.
"Maligo ka na't umaalingasaw ka Caloy. Nilalangaw ka o"
Sabi ni Badong sabay takip sa ilong niya.
Tumayo si Caloy at kinurot ang pisngi ni Badong.
Umalis na si Caloy at pagkatalikod nito kay Badong sumigaw ng
" MABANGO PAKO KAY KASPER KAHIT 1 WEEK AKO DI MALIGO"
"GAGO!"
sagot ni Badong ng nakangisi.
-chapter 1 end-
YOU ARE READING
Ligaya
FanfictionChanyeol aka "Caloy" Baekhyun aka "Badong" Matalik na magkaibigan ang dalawa simula pagkabata. tipikal na istorya, ayun at nagkagustuhan. Pero napaka torpe ni Caloy. "Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko? Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw k...
