Epilogue: Start of the real story

Magsimula sa umpisa
                                    

Mahal na mahal ko siya.

Hindi naman ako cynic. I believe in love. I saw the love my parents has for each other. Kahit ngayon na wala na si Mama, nakikita ko pa rin kung gaano siya kamahal ni Papa. I believe in that kind of love – ang hindi ko lang maintindihan ay possible pala ang pakiramdam na ito. Iyong sibra-sobra na nag-uumapaw na hindi ko na kayang masalo.

Minahal ko si Cedes pero hindi ko naramdaman ang naramdaman kong ito sa kanya. While I was with her, I just don’t feel alone. But when it comes to Bathseeba, I’d rather be alone that have someone – who isn’t her by my side. Hindi naman ako magiging masaya kapag hindi siya ang kasama.

I reached Bataan four hours after I left the mansion. Dumiretso ako sa bahay ni Bathseeba pero wala siya doon kaya hinanap ko pa siya. Nagbaka-sakali ako sa salon ng kaibigan niya pero wala rin siya doon. I remembered that it’s Saturday, baka nasa Bataan Library siya. Doon na kasi siya nagtatrabaho ngayon. And I was right. Nakita ko siya sa may bintana na nagbibilang na naman ng mga libro.

She had changed. Hindi na siya nagsusuot ng salamin. She cut her hair pero nagsusuot pa rin siya ng manang clothes which made me feel good. Alam ko kasi na siya pa rin si Bathseeba – the woman I fell in love with.

I stayed in there hanggang sa makauwi siya. Lumabas siya ng library. Umuulan. Mula sa bag niya, kinuha niya ang payong. Napangiti ako. Tumingala pa siya bago siya humakbang palabas ng library pero bumalik din siya dahil may kotse na huminto sa harapan niya. Mula doon ay bumaba ang lalaking alam kong Esteban Monte De Ramos ang pangalan. I had the people around Bathseeba checked. Iniingtan ko siya at sa tuwing alam kong mapapahamak siya gumagawa ako ng paraan para maialis ang mga taong iyon sa paligid niya for her own safety and right now, I just realized that Esteban Monte De Ramos is a threat. Tinawagan ko ang private investigator ko.

“Find dirt about that Monte De Ramos guy. I need it. Fast.” Binaba ko ang phone at sinundan silang dalawa. Naiinis ako dahil kailangan pa ni Bathseeba na sumama sa lalaking iyon. Hindi ba niya kayang umuwi mag-isa? Halos lumipad ang sasakyan ko para lang makita ang asul na fortuner ng bobong si Esteban. I was relieved when I saw him took Bathseeba home pero hindi pa rin ibig sabihin noon ay ligtas si Bathseeba sa kanya.

Matapos kong masiguro na nakauwi na si Bathseeba ay umuwi na rin ako. I drove four hours again just to get back to the city. Kahit na gusto kong magpahinga ay hindi ko rin naman yata magagawa. I went to a bar instead.

I drink and drink until I could forget the pain of longing pero kahit gaano yata kadami ay hindi pa rin iyon mawawala. I was drunk and yet I could still see Bathseeba as if she was just beside me.

“Ares…” I heard someone called me. Nakita ko si Yllak – my favorite cousin – approaching me. He was grinning like a demon. I grinned back. Ininom ko ang laman ng basong hawak ko.

“Nasaan si Yna?” I asked him. He smiled widely.

“She’s with Ate Yza and Ate Nikita. They’re having there girl’s night out. I guess they’d be talking about babies and diapers.” Ngumisi pa si Yllak.

“Buntis si Yna?” I asked.

“No…” He paused. “Not yet. Not until our wedding next year.”

Umayos ako ng upo. How could Yllak have this happiness while I sit here and wait for nothing? Totoo naman. Hindi ko alam kung may babalikan pa ako. Lalo at hindi naman alam ni Bathseeba na naghihinta ako sa kanya. Bakit ba kasi napakatagal ng pagpasa ni Mercedes sa Bars.

“How did you manage to wait for Yna?” Tanong ko sa kanya.

“I love her. My love for her is real. True love waits. Ganoon lang kasimple.” Wika ni Yllak sa akin. True love waits… I closed my eyes. Si Bathseeba ang true love ko. Just like how Mama was for Papa. She was his true love and up until now, I know that Papa loves Mama just the same.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon