Chapter Three: The Voice Battles: Melvin vs. Hazel

220 14 1
                                    

KINABUKASAN, nagising si Hazel at nagulat siya nang may makitang mga maleta sa salas. May kausap naman si Tita Raquel sa telephone.

            “Oo, nandito na siya, Rommel. Kararating-rating lang niya. Oo…ako na bahala sa kanya. Oo….sige, bye!” at ibinaba na ni Tita Raquel ang phone.

        Sabay bumaling ang tiya sa kanya. “Oh, Hazel, gising ka na pala. Halika, kain na tayo.”

            “Tita, aalis po ba kayo?” nakatingin siya sa mga maleta.

            “No, Hazel, dear. Hindi ko pa pala nasasabi sa’yo. Makikitira rin dito yung pamangkin ng Tito Randy mo. Ka-edad mo siya…at ka-eskwela mo pa siya. Palagay ko eh magkakasundo kayo.

            “Talaga? May ka-school pala ako na pamangkin ni Tito Randy. Baka nakikita ko nga siya sa campus," masaya niyang sambit.

            “Hmmm…Oo. Halika sa kusina, ipapakilala kita sa kanya.”

              At naglakad si Tita Raquel papuntang kusina na sinundan naman ni Hazel.

            Di niya maiwasang ma-curious sa bago nilang housemate.

            “Ba’t po siya rito makikitira?"

            “Kasi, yung Papa niya, natanggap ding engineer sa Saudi katulad ng Tito Randy mo. Naalala mo yung lalaking kausap ko dati nu'ng magpaalam ka sa akin papuntang party?” ani Tita Raquel.

            Yung kahawig ni Melvin! nasaisip niya.

            “Yun yung Papa niya. Inihabilin sa akin yung anak niya. Patay na kasi mommy niya kaya wala nang magulang na magbabantay sa kanya,” patuloy na paliwanag ni Tita Raquel.

           

            NAKARATING na sila ng kusina. Nakatalikod sa kanila ang binata habang kumakain sa mesa.

            “Oh, kumusta na dyan, iho?” masiglang tanong ni Tita Raquel rito.

            “Tita, ang sarap po nitong caldereta niyo! Solve po ako!” masayang sambit ng lalaki.

         “Talaga?! Siya nga pala, iho. May ipapakilala ako sa’yo. Ito nga pala si Hazel… ang pamangkin ko.”

            Napalingon yung lalaki sa kanila ni Tita Raquel. Parehong nagkagulatan sina Hazel at ang binata.

            “Melvin?!”

            “Hazel?”

            “Magkakilala kayo?!” nagtataka ngunit natutuwang tanong naman ni Tita Raquel.

           

HABANG nasa hapag na silang tatlo, di mapigilan ni Hazel na mabalisa. Kasama niya kasi sa isang hapag kumain ang kanyang mortal enemy na si Melvin.

Kaya pala kamukha ni Melvin yung lalaking kausap ni Tita Raquel noong isang araw! Tatay pala yun ni Melvin. Ano ba naman ‘to, Lord God! Di ko inaasahan na ang tinutukoy pala ni Melvin na titirhan niya ay ito ring bahay ni Tita Raquel. What a small world!

“What a small world, talaga,” ngingisi-ngising nasambit ni Melvin habang nakatingin kay Hazel.

Aba! May pagka-mind reader din pala ‘tong mokong na’to! Naturuan siguro ‘to ni Camille ng basics! Camille talaga oh!

“Naku, tiyak na magkakasundo kayong pareho. Magkakurso pala kayo eh!” sayang-saya na sambit ni Tita Raquel.

Magkakasundo? Walang probability na magkakasundo kami! Asa naman…with capital letters A-S-A!

Status: 100% In Love With YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum