Chapter One: A Not So Good First Meeting

927 18 2
                                    

MASAYANG-MASAYA si Hazel sa pagtungtong niya sa unang taon niya sa kolehiyo. For the first time in her life, makakapag-aral na siya sa Manila. Nakapila siya sa Dine-Out, ang outdoor-based canteen ng unibersidad na pinapasukan niya.

Maganda ang ambiance sa Dine-Out. Dahil nasa open area, mistulang gubat ito dahil sa dami ng mga puno na nakapaligid rito. Kumbaga, para ka lang nagpipiknik sa gitna ng isang gubat. Kasama mo nga lang sa pagkain yung mga langgam, bulati, gagamba at pusa na aggressive sa pagkuha ng pagkain mo malingat ka lang ng isang segundo.

Nagmamasid siya sa mga tao sa paligid.

“Hay…this is college life pala! Ang dami kong changes na haharapin…pagma-mature, pagdadalaga…at…”

May mga dumaang upperclassmen na gwapo.

“…at ang pagkakaroon ng papables!” kinikilig pang bulalas niya.

Kinausap si Hazel ng kakurso niyang si Marjorie na nasa harapan niya sa pila.

“Uy, Hazel, naniniwala ka ba sa kasabihang ‘the more you hate, the more you love’?” tanong nito sa kanya.

“Ha? Bakit mo naman natanong?” usisa niya.

“It’s because they’re teasing me to that yucky guy named Ivan,” sabay ngumuso si Marjorie para ituro sa kanya ang tinutukoy nitong si Ivan. Kumakain itong mag-isa sa mesang malapit sa puno. “I hate him so much!” sabay ismid nito.

“So…sa tingin mo mai-in-love ka kay Ivan dahil hate mo siya?” curious na tanong ni Hazel.

“No! Of course not!” tahasang pagtatanggi ni Marjorie.

“Next please!” sigaw ng canteen personnel.

Turn na ni Marjorie para umorder. Habang bumibili ito, napamuni naman si Hazel sa tinanong ng kaklase kanina.

The more you hate the more you love? Maniniwala ba ako dun? Ewan…

Na-distract siya sa kanyang pagmumuni-muni nang mapansin niyang may sumingit sa kanyang lalaki.

“Ate, dalawa nga pong barbeque, dalawang kanin, at isang Zesto,” order ng lalaki sa canteen personnel.

Di maiwasang di mainis ni Hazel.

“Hoy, mister! Ako ang susunod sa babaeng naunang umorder sa akin kanina. Bakit ka sumingit?”

“Huh? Eh pinasingit niya ako eh. Sabi niya OK lang daw sa’yo kasi friends naman daw kayo,” mahinahong sagot naman ng lalaki na sa tantya ni Hazel ay ka-edad lamang niya sa gulang na labing-pito.

“Umayos ka. Ang haba-haba ng pila tapos OK lang sa akin na pasingitin ka? Ano ka, sinuswerte?”

"Oo. Suwerte ko nakilala ko ang magandang katulad mo."

"Ano?" gulat na sabi ni Hazel. Hindi niya gaanong narinig ang sinabi ng lalaki

"Wala. Sabi ko ang bingi ng ilong mo."

"Aba'y..."

“Iho, ito na order mo,” sabad naman ng canteen personnel. Nakalagay sa isang tray ang mga order ng lalaki.

“Classmate, mamatay man ako. Pinasingit talaga ako ni Marjorie,” paliwanag ng lalaki.

Saka lang namukhaan ni Hazel na kakurso at kaklase niya ang lalaking ito. Napatingin siya sa ID nito. "Melvin John Garcia" ang pangalan ng lalake.

Tinusok ni Melvin ng straw ang Zesto at di-sinasadyang matalsikan si Hazel ng juice mula sa doypack.

“Naku…classmate. Di ko sinasadya…promise,” pagpapaumanhin nito.

Status: 100% In Love With Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن