Chapter 25: PAGKALALAKI

733 16 0
                                    


Jaki's POV

Tumatakbo ako ngayon papunta sa bahay ni Vice.. nang nakarating nako pumasok ako agad sa loob.. sa kakamadali yata nya naiwan nyang bukas ang gate pati ang pinto.. dumiretso ako sa kwarto nya.. pagkabikas ko nang pinto tinignan ko ang higaan nya..wala sya dito..

"Vice? Vice?" Malakas kong tawag..
"J-J-Jaki" mahinang sabi ni Vice..

Napa tingin ako kung saan ko nadinig ang boses nya nataranta ako nang makita sya sa sahig sa may gilid ng kama.. nakabalot sya ng kumot.. dalidali ko syang nilapitan.. lumuhod ako saka ko itinaasa ng ulo nya.. ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buo nyang katawan..

"Vice? Uy? Anong nangyari sayo?" Nagaalala kong tanong.. hinawakan ko ang noo at leeg nya..

"sobrang init mo! Inaapoy ka ng lagnat!" Malakas kong sabi..

Tinanggal ko muna yung kumot na naka balot sa kanya saka ko sya sinubukang itaas sa kama..

"Vice? Kailangan mong tumayo.. dun ka sa taas ng kama" sabi ko habang naka akbay sya sa balikat ko..

Dahan dahan nya namang pinilit tumayo pagkatapos ay inalalayan ko syang humiga sa may kama saka ko sya kinumutan..

"Vice? Uminom kana ba ng gamot?" Tanong ko.. umiling naman sya
"Kumain kana ba?" Tanong ko uli.. umiling naman sya
"teka wait lang ah" sabi ko saka ko kinuha ang phone ko at tinawagan ko si mommy..

... 00:01

"hello?" Sabi ni mommy
"hello mommy? Pwedeng padalhan ng lugaw si Vice dito sa bahay nya? Inaapoy kasi sya ng lagnat" sabi ko
"ah sige initin kolang saglit" sabi naman ni mommy saka na nya ibinaba ang linya..

Muli kong tinignan si Vice.. pawis na pawis na sya.. kailangan narin mapunasan ang katawan nya..

Naglagay ako ng maligamgam na tubig sa isang palanggana saka ako kumuha ng face towel sa kabinet nya..

Umupo ako sa tabi nya.. ibinaba ko ang kumot na nakabalot sa kanya.. natutulog sya.. inilagay kona ang face towel sa may tubig saka ko ito piniga.. sinimulan konang dampian ng basang facetowel ang noo nya..

habang pinupunasan ko ang noo nya hindi ko maiwasang tumingin sa mukha nya.. ang maamo nyang mukha.. ang gwapo nya talaga.. ewan ko ba pero ang gwapo talaga ng dating nya sakin.. nagtataka lang ako... bakit ako pa yung tinawagan nya?

***
Vice's POV

Nung umuwi ako.. dumiretso ako sa kwarto ko.. di kona masyadong naaalala yung nangyari pero ang alam ko bigla nalang dumilim ang paningnin ko saka ako natumba sa may kama... nung nahimasmasan nako sobrang sakit ng ulo ko.. ang bigat ng pakiramdam ko.. alam kona na nilalagnat nako.. di narin ako makagalaw ng maayos kasi nanginginig na ang buong katawan ko.. pilit kong inabot ang phone ko.. nakapalupot ako ng kumot sa may gilid ng kama ko.. nung naabot kona sinubukan kong mag dial pero nanginginig na talaga ako.. kaya yung last call nalang ang tinitimid ko.. si Jaki.. naka ilang tawag din ako bago sya naka sagot.. nung nakasagot na sya nag usap kami ng saglit.. pinapunta ko sya dito pero habang nagsasalita ako biglang sumakit ng todo yung ulo ko.. bigla akong nahulog sa kama at pagkatapos nun di ko na maalala ang nangyari.. nagising nalang ako na inaalalayan na ako ni Jaki na humiga sa Kama.. tinanong nya din ako kung uminom at kumain naba ako pero hindi na ako nakapag salita at umiling nalang ako.. saglit syang umalis kukuha daw sya ng pamunas.. naidlip muna ako habang hinihintay sya...
.
.
Nagising ako bigla ng naramdaman kong may basang towel ang ipinupunas sa noo ko.. hindi ko binuksan ang mga mata ko.. naramdaman kong bumaba na sa leeg papunta sa kaliwang kamay ko ang pagpunas nya.. unti unti kong binuksan ang mga mata ko.. nakita ko si Jaki na pinupunasan ang kamay ko.. para akong sira na napangiti.. bigla naman syang napatingin sa akin..

"oh gising kana pala.. okay lang ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Tanong nya
"medyo masakit yung ulo saka ang bigat ng pakiramdam ko" sabi ko naman..
"ikaw lang ang naikita kong mabigat ang pakiramdam pero naka ngiti" sabi naman nya..

Napalingon kami ng may sumigaw sa labas ng bahay..

"Jaki?!" Malakas na sabi ng mommy ni Jaki

"wait lang Vice ah kunin kolang yung lugaw na niluto ni mommy" sabi naman ni Jaki sabay takbo palabas ng kwarto..

Maya maya ay bumalik sya dala dala ang isang bowl ng lugaw..

"Vice inilipat ko sa bowl yung lugaw kinuha ko sa kusina mo saka nagdala narin si mommy ng gamot" sabi nya saka nya ipinatong ang bowl sa may table.. lumapit sya sakin.. inalalayan nya akong umupo at saka sya naglagay ng unan sa likod ko..
Binalikan nya ang bowl at dinala ito saka umupo sa tabi ko..

"kakain ka ha?" Sabi nya.. tumango naman ako..

Ginamit nya ang kutsara para kumuha ng lugaw saka nya ito hinipan.. pagkatapos ay inilapit nya ito sa bibig ko.. sinubo ko naman iyon.. halos 45 mins din nya akong pinapakain.. nanginginig kasi ako at hirap ng kaunti kumain.. nung natapos na pinainum nya naman ako ng gamot..

"idlip ka muna" sabi nya
"Jaki?" Mahina kong sabi saka ko hinawakan ang kamay nya
"Vice?" Sabi naman nya
"thank you" mahina kong sabi
"ano kaba, kahit sino naman pwedeng gawin to sayo" sabi naman nya
"pero ikaw lang ang nandito ngayon" sabi ko naman
"eh ako yung tinawagan mo diba? Teka? Bat nga pala ako yung tinawagan mo? Bat di nalang sila Anne?" Tanong nya
"eh nanginginig ako.. di ako makapag dial" sagot ko
"eh pano mo ako natawagan?" Tanong nya
"ikaw yung last call ko diba? Isang button lang ang pipindutin ko para matawagan yung last call" sagot ko naman..
"ahh kaya pala" sabi nya naman..

"sige hugasan ko lang to saglit" dagdag pa nya saka sya tumayo..
Pero pinigilan ko sya.. hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.. bumalik naman sya sa pagkakaupo sa tabi ko..

"bakit? May masakit ba sayo?" Nagaalala nyang tanong
"Wala naman.." mahina kong sabi
"eh bakit mo ko pinigilan?" Tanong nya
"dito ka lang" mahina kong sabi

"ah?" Nagtataka nyang sabi
"dito ka lang please?" Nagmamakaawa kong sabi
"Saglit lang naman ako, huhugasan ko lang to" sabi nya
"mamaya na yan.. please? Dito kalang, please?" Pagmamakaawa ko saka ko pinatong ang ulo ko sa lap nya..

"please?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya..

"sige na nga" nakangiting sabi naman nya habang nakayuko at nakatingin sakin..
"thanks" sabi ko naman saka ako ngumiti..

Siguro nagtataka sya kung bakit ayaw ko syang paalisin.. ewan ko ba.. hindi ko mapaliwanag.. basta ayoko syang umalis sa tabi ko ngayon..

"Vice?" Bulong nya sabay yuko at tingin sakin.. tumingala naman ako para tignan sya
"hmm?" Sagot ko

"Diba natanong mo kagabi yung.. kung meron kayang magkakagusto sayong girl? Bat moba natanong yun?" Tanong nya
"wala, curious lang ako" sagot ko
"eh sa tingin mo.. pwede kayang magkagusto sakin ang isang gay?" Seryoso nyang tanong..

Natigilan ako sa tanong nya.. bat nya naman naitatanong yun?.. bigla akong nakaramdam ng kaba..

"Bat mo naman natanong?" Tanong ko
"tulad mo curious lang din ako" sagot naman nya
"ano? Tingin mo pwede magkagusto sakin ang isang gay?" Tanong nya uli
"depende.. kung may pagkalalaki pa syang natitira" sagot ko naman
"may natirang pagkalalaki?.. tulad mo?" Tanong nya
.
.
.
..

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now