Chapter 20: DARE

664 21 2
                                    


Jaki's POV

"Vice?! Vice?! Vice?!" Sunod sunod kong sigaw pero hindi ko parin sya nakikita..
"uy?! Asan kana?! Di na nakakatawa!" Mangiyak ngiyak kong sigaw..

Nagulat ako nang bigla akong umangat... buhat buhat ako ngayon ni Vice sa balikat nya..

"Vice! Nakakainis ka! Akala ko kung anong nangyari sayo!" Malakas kong sabi.. tumawa naman sya..

naman! Takot ako sa matataas!

"Vice! Ibaba moko! Takot ako sa matataas!" Malakas kong sabi habang nakakapit sa buhok nya..
"mataas ba dyan?" Nangiinis nyang tanong
"nagtanong kapa eh mala kapre yung height mo!" Inis na sabi ko naman..

"ah kapre pala ha" sabi nya saka nagsimulang naglakad palayo sa tubig
"uy! Baba mona ako!" Malakas kong sabi
"bayad to sa pagpapanggap ko" natatawa nyang sabi habang naglalakad pabalik sa room namin..

Dahad dahan lang ang bawat hakbang nya.. natatakot talaga ako...

"Jaki? Bibilisan kona ha? Diba mag cacampfire pa tayo? Tsaka baka abutin tayo ng dilim dito" sabi nya saka binilisan ang paglalakad.. mas lalo akong nakaramdam ng takot..

"Vice! Natatakot nako!" Sigaw ko at medyo napasabunot ng kaunti sa buhok nya.. napahinto naman sya sa paglalakad..

"Jaki? Do you trust me?" Tanong nya
"O-Oo" sabi ko
"oh yun naman pala eh! Sa tingin moba ilalaglag kita? Relax kalang dyan ako bahala sayo" sabi nya
"sige" mahinahon kong sabi..

Naglakad na sya uli.. medyo mabilis pero hindi na ako nakakaramdam ng takot..

Habang papalapit kami sa room natanaw ko na nahanda na nila yung apoy sa may harapan ng room.. naglagay na din sila ng 4 na trunk ng puno na nakapaikot sa gilid.. naka upo narin sila duon.. magkatabi si Karylle at Yael.. si Vhong at Anne.. si Madc, Cashmir at Charm.. napansin ko ding nagkukwentuhan silang lahat... habang papalapit kami sa kanila unti unti kong nadidinig ang pinaguusapan nila.. truth or dare?

Napatingin naman samin si Vhong..

"oh brad? Jaki? Andyan na pala kayo!" malakas na sabi ni Vhong.. napatingin naman saming dalawa yung iba pa..

"oh bat hindi kayo dun sa may apoy nakapaikot?" Tanong ni Vice.. nasa may gilid lang kasi ung apoy tapos nakapaikot sila sa tabi..
"may ginagawa kami" sagot naman ni Vhong
"Vice? Bakit nakabuhat sa balikat mo si Jaki?" Nagtatakang tanong ni Anne
"At bakit naman hindi?" Pelosopong sagot ni Vice
"basang basa kayo ah?" Sabi ni Vhong
"swimming" sabi ni Vice
"uy! Tama nayan! Sama na kayo dito" sabi naman ni Karylle...

Lumuhod si Vice saka ako bumaba sa pagkakapusan nya sakin.. pagkababa ko tumayo naman sya.. napansin kong nagulo yung buhok nya kasi yun yung kinakapitan ko kanina..

pumunta ako sa harap nya saka ko inabot ang buhok nya para ayusin ito.. habang inaayos ko yung buhok nya napansin kong nakatitig sya sakin at nakangiti pa..

naalala ko yung sinabi nya sakin nung nahuli nya akong nakatitig sa kanya..

"Titig ka ng titig baka mainlove ka" sabi ko habang nakangiti pero hindi ako tumingin sa kanya at inaayos ko parin ang buhok nya..

napansin ko naman napangiti sya lalo..

natigilan ako nang bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin na akmang hahalikan ako.. hindi naman nya tinuloy.. saka sya lumayo ng kaunti sakin.. natulala ako dahil sa ginawa nya..

"oh! Bat ikaw yung natulala?" sabi ni Vice saka tumawa ng kaunti.. baklang toh! Grabe! Bat alam na alam nya kung paano ako biruin ng ganito?,, yan ang gusto mo ha? Sige..

Nung tumigil na sya sa pagtawa.. mukha ko naman ang nilapit ko sa kanya.. pero imbis na umiwas, inilapit din nya ng kaunti ang mukha nya.. muntik na! Konti nalang magkikiss na kami!!

"oh bat namumula ka?" Pilyong tanong nya
Di naman ako sumagot.. hinampas kolang sya ng mahina..

"love birds! Tama na harutan, sali na kayo dito" sabi ni Anne
"teka kukuha lang ako ng towel" sabi ni Vice saka sya tumakbo papunta sa room.... pagkabalik nya may dala syang isang malaking white na tuwalya..

"isa lang nakuha ko share nalang tayo" sabi nya
"sige" sagot ko naman

Lumapit kami sa kanila saka kami magkatabing umupo ni Vice  tapos pinatong nya sa likuran namin yung towel..

"Ano bang ginagawa nyo?" tanong ni Vice
"truth or dare" sagot ni Anne
"sige na paikutin nyo na yan" sabi naman ni Vhong
Pinaikot naman ni Yael yung plastic bottle na naka patong sa isang maliit na table sa gitna..
Medyo matagal itong umikot.. unti unting bumabagal..

"Vhong! Truth or dare?" Sabi ni Karylle
"ah.. Truth" sagot naman ni Vhong
"sige.. liligawan mo ba si Anne?" Tanong ni Karylle
Tumingin si Vhong kay Anne na nasa tabi nya..
"Pwede ba?" Tanong nya.. halata naman kinilig si Anne.. nakuwento nya din kasi sakin sa crush nya din si Vhong.. napangiti naman sya at tumango..
"oh nakita nyo yun? Oo manliligaw ako sa kanya" masayang sabi ni Vhong

"huy! Anne? Pahirapan mo yan huh?" Natatawang sabi ko
Biglang hinawakan ni Vice ang kamay ko..
"Oo nga! Pinahirapan din ako nito eh" natatawang sabi naman ni Vice
"edi wow" sabi ko naman
"sige na paikutin nyo nayan" sabi naman ni Anne

Pinaikot na ni Yael yung plastic bottle..

Mas matagal yung pagkakaikot..

"pwedeng ako naman magtanong?" Tanong ni Melvie
"Oo naman" sabi ni Karylle

Unti unting bumagal ang pag-ikot ng bote...

"nakaturo kay.. teka pano yan?" Sabi ni Anne.. nakaturo kasi sa pagitan namin ni Vice yung bote

"ulit! Nasa gitna eh" sabi ni Vice
"teka wait lang! Tignan nyo kung san naka turo" sabi ni Melvie habang naka turo samin ni Vice.. nakaturo yung bote sa magkahawak naming kamay ni Vice..

"ibig sabihin kayong dalawa tatanggap ng truth or dare" sabi ni Melvie
"ganon? Sige" sabi naman ni Vice
"Truth or dare?" Tanong ni Melvie
tumingin sakin si Vice..

"Dare?" Bulong nya sakin
Tumango naman ako

"Dare!" Sabay naming sabi ni Vice

"Jackque Gyl Gonzaga and Jose Marie Viceral.. tutal kanina naghaharutan na kayong dalawa..  I dare you two.... to.... kiss" nakangiting sabi ni Melvie..
..
.
..
.

My Gayfriend ‖ ViceJack (COMPLETE)Where stories live. Discover now