Chapter 2: Fallen hearts, ill fated life

Start from the beginning
                                    

"S-Sandali lang." Pigil ko kay Charmaine.

"Huh? Bakit? May nakalimutan ka ba?"

"Si Ed-" hindi ko naituloy ang sasabihin nang maramdaman ang bagay na iyon. Bakit ngayon pa!? Wala akong extrang undies at napkin! "Wala. T-Tara na." Nagmadali kaming pumunta sa Restroom at nang marating namin 'yon ay saka ko lang naalala ulit na wala nga pala akong dalang pamalit. Sinabi ko agad iyon kay Charmaine.

"Gano'n ba? Bibigyan na lang kita, may bago pa naman ako e, nasa dorm nga lang. Medyo may kalayuan kaya matatagalan ako saka dadalhan na rin kita ng napkin." Nakakahiya!

"Nako, N-Nakakahiya sayo. Mukhang ma-le-late na kasi tayo." Totoo! Nahihiya talaga ako.

"Wala 'yon, ano ka ba? Alam ko namang gagawin mo rin ang ganito kung ikaw ang nasa sitwasyon ko." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sariling bangko, pero sang-ayon ako sa kaniya. Hindi ko maaatim na pabayaan ang kapwa ko babae na naghihirap dahil sa buwanang sumpa. Nginitian ko siya.

"Salamat, Charmaine." Pagkatapos no'n ay umalis na siya para manguha ng mga kaylangan ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kakabahan dahil wala nang tao sa labas ng mga classroom at loob ng Restroom

Walang tao, ibig sabihin nagsimula na ang klase. Late na kami!

Naghugas ako saglit ng kamay at kukuha na sana ng tissue ng bigla akong pigilan ng pamilyar na babae—teka, siya 'yong Alcantara na sinasabi ni Sir kanina. Hinawakan niya ang kamay ko na para bang nakikipag-kamay ako sa kaniya. Nagulat ako kaya hindi ko nagawang bawiin agad ang kamay ko. Baka sabihin pa niya na maarte ako mas'yado.

"Jillian Villamora. Wow, so valedictorian ka pala? Pfft. Wala sa itsura mo." natatawang saad niya.

"Eh ano naman sayo? Bitawan mo nga ako—" hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko nang akma ko itong hihigitin.

"Unang kita ko pa lang sayo, hindi na 'ko natuwa e." Sumeryoso naman bigla ang awra niya. "Kaya kung ako sayo, 'wag kang bibida-bida rito. Saka kilalanin mo ang mga taong aangasan mo huh?" Sinabi niya iyon sa malamig na paraan at saka idiniin ang pagkakahawak sa kamay ko.

"AAAHHHH!" Napadaing ako sa higpit ng pagkakahawak niya. "B-Bitawan m-mo 'ko!" Nakadagdag pa sa sakit ang singsing na suot ko. "AAAAHHHH!!" piniga niya pa iyon lalo. Pilit kong inaalis ang kamay niya gamit ang kaliwang kamay ko pero 'di ko magawa dahil sa panghihina dala ng pagkakapiga niya sa kabila.

"Ano? Gusto mo pa ba? Sa—" Bumukas ang isa sa mga cubicle ng Restroom at iniluwa no'n si Edmund na diretso namang nakatingin kay Alcantara.

"Bitawan mo siya."

"Ahhhh!" napasigaw naman siya nang makita si Edmund. Binitawan niya ang kamay ko at saka nagtatakbo palabas ng Restroom.

Nakangiwi kong tinignan ang sariling kamay.

Namumula na..

"Jill, Okay ka lang? Patingin ng kamay mo." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at saka iyon tinignan. Nanlalambot ako dala ng sakit, lalo na sa daliring may nakasuot na singsing.

Edmund..

"H-Hoy, ikaw! Ba't ba nandito ka sa ladies' comfort room? Kaya siguro nagulat sayo 'yong babae kanina at nagsisigaw dahil akala niya mamboboso ka." Napatakip ako sa sariling bibig. "Siguro, namboboso ka kaya ka nandito sa ladies' comfort room!?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at pwersahang pinatag ang palad kong nakabaluktot pa. Napadaing ako sa sakit. Nananadya ba siya!? Nilagyan niya ng benda na nakuha niya sa bulsa niya ang kamay ko.

A Love Untold (On Going)Where stories live. Discover now