Yeah right, ang ikina-kanerbyos ko lang naman eh yung part na huhubarin ang lahat ng saplot sa katawan sa huling kanta. As in wala ka ng dapat itago after.

                I can’t do that! Iyong ipakita sa lahat ng mga lalaki ang katawan ko. For God sake, wala pa nga akong experience eh tapos madami na agad na lalaki ang makakakita?.

                “Maybe it will help.” May inabot sa akin si Rica na maskara.

                “R-Rica…” nangilid ang luha sa aking mga mata. Ang tingin ko sa kanya ay isang anghel na bumaba mula sa langit. Kababata ko sya at kahit na ganito ang work nya masasabi kong meron pa rin syang dignidad.

                She grabbed my hand. “Hindi talaga kami nag susuot ng maskara kapag main event pero dahil importante ka sa akin at alam kong ginagawa mo lang ito para kay Paul nakiusap ako sa Manager na magsuot ng mask kahit ngayong gabi lang.”

                Niyakap ko sya. “Thank you! Thank you so much.”

                “Ano ka ba, para saan pa at naging magkaibigan tayo.” She smiles.

Hanggang sa tawagin na nga kami sa harapan ng stage.

Nagkalakas ako ng loob dahil kay Rica at nawala ang lahat ng aking inhibisyon dahil sa ininom na alak at sa suot na maskara. Hindi ko na lang pinansin ang mga lalaki na nasa paligid sinabi ko na lang sa sarili ko na nag rerehearse pa rin kami hanggang ngayon.

Nagawa ko naman ang lahat ng step at routine ng maayos pero doon na ko nag alangan sa part na may tatanggalin ang suot sa katawan. Si Rica at ang isa pa naming kasama parehas topless na. Ako na lang ang naiiwan.

Oh please…

Medyo gumilid ako ng konti sa stage para hindi ako  mapansin ng mga customer. hindi naman ako ang Main Dancer eh so I think that was okay.

That is what I thought…

Infatuation & ReflectionWhere stories live. Discover now