We both gasped.

Nahulog ang popcorn sa ulo ng taong kalbo na nasa unahan namin.

Parang slow motion nang lumingon sa amin si Kuya. Nakakatakot ang tingin niya. Kung nakamamatay lang ang tingin, abo na siguro kaming dalawa.

"Bloody...." I whispered.

"...Hell." Dugtong ni KJ.

Hinawakan ni Kuya ang ulo niya na punong-puno ng popcorn. Napatingin na rin ang mga taong kalapit ng upuan namin.

"Puta." Nanggagalaiting bulong ni Kuya.

"S-sorry." Dali-dali kong sabi. Lord. Patay kami.

I looked at KJ. Kalmado lang siyang nakatingin na parang walang nangyari.

"Sino'ng may gawa nito ha?" Sigaw ni Kuya na kinalingon ng mga tao sa sinehan.

Uh-oh. Patay na talaga kami.

"Me. Why?" Walang gatol na sabi ni KJ.

Hala. Ako ang may gawa no'n. Kung hindi ko sana sinaksak sa dibdib niya ang popcorn....

"Tarantado ka pala eh! Bakit mo ako binuhusan ng popcorn ha?" Sigaw ni Kuyang kalbo.

"Sinasadya ko ba? It was an accident." Mayabang na sabi ni KJ. Walang mababakas na takot sa tinig nito.

"KJ. Ano ka ba! Magsorry ka na lang. 'Wag ka nang magmatigas," gigil na bulong ko.

He gave me a bored look. "Kasalanan niya. Nakaharang ang ulo niya eh."

"Ano'ng sabi mo?" Malakas na sabi ni Kuya. "Aba't! Naghahanap ka ng away ha?" Tumayo si Kuya sa kanyang upuan.

Tumayo rin si KJ. He gave the bald man a dagger look. Nakalagay lang ang dalawang kamay niya sa bulsa. Pero halatang handa siyang makipagbasag-ulo.

No. I won't allow him. Not in this place. Besides, I don't want our date to be ruined. Minsan lang ito. Once in a bluemoon. Kaya sana, maging special ito. Ayoko ng gulo. Uwaaaa.

Dali-dali akong tumayo at hinawakan sa braso si KJ.

"Sorry na po, Kuya. Hindi namin sinasadya. Ako na ang humihingi ng sorry para sa kanya," I said.

Nanlaki ang mga mata ni KJ. "Wha---"

Bigla kong tinakpan ang bibig niya bago pa siya may masabing hindi maganda laban sa kaharap. 

"Umayos ka na. Pwede ba? 'Wag ka ng umangal." I hissed. "Tara na." Hinigit ko na siya.

"No wa---" Bigla ko siyang binatukan no'ng ayaw niyang gumalaw sa kinatatayuan kasi balak pa niyang magreklamo. I smelled trouble. Right there and then, I knew we needed to go.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon