Chapter 1: Rose Cuevas

12.6K 220 53
                                    

Chapter 1

Rose Cuevas

Rose POV

"Rose? nak?" katok ni mama sa pinto ng kwarto ko.

"Bakit ma?" tanong ko dito pagbabukas pa lang ng pinto.

"Ready ka na ba nak? may kailangan ka pa ba? ayos na ba lahat ng gamit mo sa school? nakahanda na ang breakfast mo. ihahatid pa ba kita sa school mo? Ano?" sunod sunod na tanong ni mama sa akin. Natatawa na lang ako sa ginagawa niya. Itinuturi nya ako na parang bata. Pero kahit ganyan si mama mahal na mahal ko sya.

"Ma. nagiging OA ka na naman eh. agang aga Ma ang dami nyo na agad tanong. tsaka Ma hindi na po ako bata ah. huwag nga kayong aligaga. hindi ko po first day of school."sabi ko kay mama.

"ito namang anak kong toh. parang naglalambing lang sa baby ko eh." nagtatampong saad ni mama sa akin. hayy. nagdrama na naman si mama.

"hay naku ma! tara na po sa baba para makakain na ako baka malate pa po ako sa school." sabi ko at sabay na kaming bumaba at nag agahan.

maya-maya pa ay nagpaalam na akong aalis dito.

"Ma! alis na po ako ah?" paalam ko kay mama

"ihahatid na kita o kaya ipapahatid na lang kita sa driver." suhestiyon ni mama sakin.

"Ma! huwag na okay? magcocommute na lang po ako." sabi ko dito.

"ewan ko ba sayo anak. bakit ka pa kasi nagcocommute may kotse ka naman yung latest pa. may family driver din tayo. anak mayaman tayo ah baka nakakalimutan mo lang." reklamo pa nito sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa balikat.

"Ma. eto na naman tayo eh. hindi ko po nakakalimutang mayaman ako. at ako ang tagapagmana ng lahat Cuevas property. pero ma hayaan nyo na lang po ako sa gusto ko. aalis na po ako ah. babye." paalam ko dito sabay halik sa pisngi niya.

"Cge ikaw ang bahala nak. ingat ka ah." huling bilin ni mama sa akin.

bumyahe ako simula sa bahay hanggang school medyo malapit lang naman sya eh. Isang sakayan lang. at pagkababa ko pa lang sa sinasakyan ko lahat ng estudyante ay nagtinginan sakin. at nung pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng gate nagsimula na ang bulungan ng mga estudyante. ang famous ko noh?

"Girls! andyan na naman si nerd oh?"

"Kaya nga eh. kaya pumapanget ang image ng school natin dahil sa kanya."

"hindi ko nga alam kung paano nakapasok yang babaeng yan dito."

"Siguro gumamait ng scholarship. alam mo na mahirap eh."

"Sabagay hindi nya afford ang ganitong kayaman na school. Look at herself. So eww"

"Sana kasi hindi na sya pinayagan ng president na pumasok dito sa school. Nakakahiya."

ilan lang yan sa mga bulungan narinig ko sa mga estudyante. Tss. ano pa bang bago? lagi na lang silang nanlalait ng ganyan. sa araw araw na ipinasok ko sa eskwulahang ito ganito ang bumubungad sa araw ko. tsk. Immature brats.

"Aba! hanggang ngayon nandito ka pa rin sa school na toh? hindi ka ba nadadala Rose?" sabi ng isang palaka ng Campus Queen 'daw' ng school. Kateyhel Costa together with her alipores.

"ano na namang kailangan mo." tanong ko sa kanya. Hindi kayo nagkakamali tama kayo ng basa ako ang kinakausap niya. at ako din yung tinutukoy nilang nerd at mahirap. Obvious naman diba? They don't know nothing kaya wag na kayong magtaka. I choose this kind of life.

"wala naman. gusto ko lang kausapin ka masama ba yun?" nagbabait baitan na sabi nito.

"kung wala naman pala. aalis na ako kasi baka malate pa ako sa klase ko." ani ko dito sabay lakad pa alis

"Opps. not so fast my dear." sabi nito sabay haglit sa braso ko kaya't napaharap akong muli sa kanya. kailan ba ako titigilan ng mga ito. Kapag umalis ako sa school tulad ng gusto nila? Geez. Hindi mangyayari yun. Nagsasayang lang sila ng oras at laway. Tss! Pero sige, dahil mabait ako pagbibigyan natin. Kakahiya naman eh.

"ikaw lang ang nerd na nakilala ko na malakas ang loob. pero okay lang at dahil maganda ang araw ko ngayon may inihanda ako para sa iyo." nakangiting sabi nito. Kakabahan na ba ako? Paki-orient ako ah.

"Girls!" tawag nito sa mga alipores niya.

"Yes Queen?" sabi ng isa sa mga alipores niya

"Nakahanda na ba ang lahat para sa pasabog natin kay Rose?" tanong nito sa mga alipores niya.

"Of course Queen. Everything is set." excited na sabi nito

"Okay. let the show begin." sabi nito. pinapanood ko lang sila sa lahat ng ginagawa nila. ano na naman kaya ang trip ng mga ito sa akin?

"students." tawag pansin niya sa lahat ng estudyante.

"Give Rose a warm of applause." At sa hudyat niyang iyon lahat ng estudyante ay may kanya kanyang ibinato sa akin. may itlog, papel, kamatis at kung ano ano pa. napapikit na lang ako habang naestatwa sa kinatatayuan ko.


"Go guys. give here more!" sabi pa ni Kateyhel. at ginawa nga ng lahat ng estudyante ang sinabi niya.

Eto. Eto ang buhay ko sa eskwelahang ito.

Ako si Rose Cuevas, 17 years old at isang famous nerd dito sa Pholyfate Academy. Isang school ng mayayaman kung saan sinasabi nilang hindi ako nababagay dito. Ako ang source of happiness ng mga estudyante sa school na ito. Ang laging binubully at pinagtitripan nila. Ang kanilang punching bag. Ang kanilang clown. Lahat lahat na. Eto ang buhay na meron ako sa paaralang ito. Kung sa bahay isa akong prinsesa na kayang makuha ang lahat ng bagay na gusto ko pero dito sa eskwelahang ito isa akong dukha at pulubi, isang estudyanteng walang karapatan sa kahit na anong meron ang lahat ng estudyante dito. Pero hindi ko sila masisisi, wala silang alam tungkol sa tunay kong pagkatao. Wala silang alam kung sino ba talaga ako at kung ano ang kaya kong gawin. Ginusto ko ang buhay na ito. Mas pinili kong itago ang tunay kong katauhan gamit ang aking pananamit at salamin. Kaya hindi ako pwedeng magreklamo dahil una pa lang ginusto ko na ito.

That Girl Is A QueenWhere stories live. Discover now