Second Chapter

1.5K 44 3
                                    

Second Chapter

Nakaamoy akong bigla ng masarap na ulam. Bumangon ako at kinusot-kusot yung mata ko. Di ko pa tuluyang nadilat ang mga mata ko. Nagulat ako nang may biglang magsalita.

"Good Morning Geoffy!" nakangiti niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. May dala-dala siyang tray na naglalaman ng caldereta't kanin'g nakalagay sa plato, saka may hot chocolate. Nakasuot na din siya ng uniform, saka ang nakakapagtataka, yung uniform na yun ay katulad nung mga sinusuot ng mga babaeng estudyante sa pinapasukan ko unibersidad.

Ibig sabihin, kamag-aral ko din siya? Diba baliw siya? Bakit pumapasok siya sa paaralan?

Naglaho ang ngiti sa kanyang mukha. "Okay. Alam kong nagtataka ka kung bakit ako papasok sa skwelahan this school year. Diba sabi ko nga sa'yo kagabi, minsan tumitino ang utak ko. Di naman ako tuluyang nabaliw noh! Slight lang naman. Ewan ko nga kung bakit na lang ako biglang mabaliw minsan e, pero sabi nung iba, baka daw dulot ito ng sobrang katalinuhan ko kaya ako nagkakaganito. O, na-explain ko na. Now will you please stop acting weird? I maybe a bit demented, but that doesn't mean that i''ll always be. Weather-weather naman 'tong kabaliwan ko, kaya di ka dapat mag-alala o matakot sa'kin." pagpapaliwanag niya.

"Talaga lang ha?" sabi ko.

"Ayaw maniwala. Tsk. Kung ayaw mo edi wag! Basta, sinasabi ko lang sa'yo yung totoo. I'm not totally crazy! Konti lang!" sigaw niya.

"Oo na!" sigaw ko pabalik. Parang timang lang.

"Ah, oo nga pala. Breaky mo, Geoffy o. I made that with love." Nginitian niya ako, saka inabot yung tray sa'kin.

Yan na naman siya sa pangiti-ngiti niyang yan. Alam ba niyang nadadala ako sa mga charms niya?

"Ah, eh. S-salamat ah." Ngumiti din ako sa kanya bilang bahagi ng pasasalamat ko. Tinanggap ko na din yung tray na naglalaman ng umagahan ko.

"My pleasure. Now, come on! Hurry up! It's already seven o'clock. You've got one hour to go before your class starts!"

Wait. Alam niya yung class schedule ko?

"Teka lang, alam mo kung anong oras ang pasok ko?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumango siya. "Oh yes. I snuck in thorugh your files a while ago."

Nainis ako dahil sa sinabi niyang yun. Tumayo ako mula sa kakaupo ko sa kama at pagalit na inilapag ang tray sa ibabaw nito. "What the fck Pristina?! Hindi mo dapat ginawa yun! Baka may mawala pa akong files dun dahil sa'yo! Ano ka ba? Di porket pumayag akong maging bestfriend mo, e maaari mo nang gawin sa'kin ang anumang gusto mong gawin! Don't be such an immature brat!" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinitigan niya ako, at napansin kong mangingiyak siya. Leche. Ang cute! Pero naiinis ako sa kanya!

"I wasn't trying to be i-immature!" Nagsimula na siyang umiyak.

"Wag ka ngang magtanggi-tanggi jan! Pinapalala mo lang ang galit ko sa'yo!"

"B-but I wasn't.. I-i was j-just.. I d-didn't mean to.. Ugh! Fine! Whatever! Kung gusto mong lumayo ako sa'yo, then be it! You're not my bestfriend anymore!" Ipinulupot niya ang kanyang mga braso at tinalikuran ako. Nagsimula siyang maglakad palayo sa'kin at papunta sa may pintuan.

"Bahala ka sa buhay mo! As if naman ginusto kong maging best friend mo?! Ginawa ko lang naman yun upaᅳ" Di ako natapos sa pagsalita kasi padabog niyang isinara ang pintuan.

Sinabunot ko ang aking buhok dahil sa inis. Sinipa-sipa ko ang kama ng ilang beses, pero maya-maya nama'y namilipit ako sa sakit dahil sa lakas ng pagsipa ko.

𝐌𝐲 𝐃𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐧𝐚Where stories live. Discover now