Chapter forty two

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawakan ko ng mahigpit ang bed sheet at napatingin sa kisame matapos mag kwento ni Mommy. Kasabay nun ang pag tulo ng luha ko galing sa mga mata ko.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ayaw ni Lolo si Kijan para saakin. Dahil isa si Kijan sa naging kasamahan ni Venedict noon. At ang paraan lang para maligtas ang Pamilya ko ay pagpapakasal kay Duke dahil sa may naging kasunduan si Lolo at Mr. Agustin.






2018

Inilabas ko ang usok sa bibig ko mula sa pagkakahithit ko sa sigarilyo. "Iyon ang dahilan." Humarap ako sakanya at nag pakawala ng paghinga. "Minahal ko siya ng sobra to the point na hindi ko na naisip yung sarili ko. Buong atensyon ko tinuon ko sakanya. Wala akong ibang inisip kundi maging masaya at magkaroon kami ng kapayapaan dalawa. Naging makasarili ako pagdating sakanya. Hanggang sa hindi ko na nakita pa yung mga taong kaya pa pala akong mahalin ng sobra sobra."

"Sigurado ka ba talagang siya ang gumawa niyan sa'yo? You know how much he loves you. Sa kwento mo nga 'di ba, kaya niyang pumatay ng tao para lang maipaglaban ka—"

"Kung hindi siya ang dahilan ng mga galos na 'to, sino kaya? Tatlong taon siyang hindi nag pagkita saakin tapos isang araw, magpapakita siya sa harapan ko as if parang walang ngyari?" Muli akong humithit sa sigarilyo ko at ibinagsak ang filter sa sahig saka inapakan. "Alam mo ba, there was a time na humihiling akong magpakita siya sa balkonahe ko kapag uuwi ako o hindi naman kapag gigising ako. Tapos sasabihin ko sakanya na kakalimutan ko ang lahat ng ngyari. Pagpapatuloy padin namin yung relasyon namin.. Ganun ko siya kamahal. Ganun ko ako naging bulagbulagan para sakanya. Pero isang araw.."

Nahinto ako sa pag sasalita. "Isang araw?" Ulit ni Dace.

Ngumiti ako sa kawalan at napabuntong hininga. "Napagod ako. Napagod ako sa kakahiling na makikita ko siya at maayos muli ang relasyon naming dalawa." Nawala ang ngiti sa labi ko at panandaliang napatingin sa kawalan.

Matagal ng tapos. Matagal na siyang wala. Galit ako sakanya. Galit na galit padin ako kahit na tatlong taon na ang lumipas. Hindi ko na dapat nararamdaman pa 'to.  Wala na dapat akong malakas at mabilis na pagtibok ng pusong nadarama. Maling maapektuhan pa ako tuwing pag uusapan siya.

Kahit pa naging malaking parte siya ng nakaraan ko.

Kahit siya pa ang lalakeng pinaka mamahal ko.. noon.

Siya ang libro, na hindi ko uulit uliting basahin muli.


Dahil kahit pa bali-baliktarin ang mundo, walang makakapag pabago na nasira ang Pamilya ko.. Nawala ako ng Lolo at Lola na walang ibang ginawa kundi protektahan ako. Nawalan ako ng taong nag mahal saakin ng tapat hanggang sa dulo ng buhay niya. At ang pinaka huli, nawalan ako ng kaibigan na isinakripisyo ang buhay niya para sa kaligtasan ko.

Kung nabubuhay pa siguro si Iowa, pinaintindi niya saakin ang lahat. Magmula una hanggang huli. Sobrang dami ko pang gustong itanong sakanya.


"Teka, saan ka pupunta?" Nawala ako sa pag da drama ko ng nag lakad si Dace papunta sa kotse niya.

"Lumalalim na ang gabi. Iuuwi na kita." Kaswal na sabi niya habang patuloy lang na nag lalakad hanggang sa makapasok na ito sa loob ng kotse niya.

Hays, napaka cold talaga ng taong 'to! "Sandali lang!" Dali dali na akong pumasok sa loob ng sasakyan dahil narinig kong inis-start niya na ang makina.





Nakikinig lang kami ng music ngayon sa loob ng kotse dahil na stuck kami sa traffic. Gabi na kasi at rush hour pa. Uwian ng mga estudyante at mga nag ta-trabaho.

Last RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon